"Will you please give me a simple but elegant dress for her?" agad naman tumango yung saleslady at sinunod ang sinabi ni Nathan. Teka siya ba 'to? Bakit parang pumayat?
"Galing mag english ah" bulong ko sa kanya.
"What?" lumingon siya sakin at dun ko nalaman na hindi pala si Nathan yun. Infairness gwapo pero agad akong nagsorry at napaatras. Nasan na ba yun!?
Nakita ko siya sa kabilang side. Kaya tumakbo na ko papunta sa kanya.
"Huy! Nandyan ka pala. Hindi mo man lang ako tinawag!" hinampas ko siya sa braso pero parang wala lang sa kanya.
"Nakakahiya naman sayo e. Mukang nag eenjoy ka sa tabi ng lalaking yun" may tinatapat siyang damit sakin na parang tinitingnan niya kung bagay.
"Kaya pala ang galing mag english kasi hindi ikaw yun. Pfft" muntik na talaga akong maniwala. Si Nate? Magaling mag english!? :D
"Oh! Isukat mo na dun" sabay hagis ng isang dress sakin. Napansin kong napangisi yung saleslady na nag aassist samin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Anong nakakatawa?"
"Ang cute niyo kasi tingnan. Bagay na bagay kayo" tumigil na siya sa pag ngisi at ngumiti na lang.
"Hay nako ate nagpapatawa ka ba? Ako lang ang cute samin. Tsaka bestfriend ko lang po yan kaya wag kayo mag isip ng kung anu ano" ngumiti lang din ako sa kanya.
Tumingin ako kay Nate. Busy pa rin siya sa paghahanap ng dress ko kaya mukang hindi niya naririnig ang pag uusap namin ni ateng saleslady.
"Tsk tsk bata pa talaga kayo. Hindi lang kayo mananatiling bestfriends niyang kasama mo. Nasasabi mo lang yan ngayon kasi pakiramdam mo hanggang dyan na lang kayo. Balang araw maiintindihan mo din ang sinasabi ko" ganda sana ni ate kaso echosera. Daming boka e.
"So ate magiging magkapatid pa kami!?" napatawa si ate sa tanong ko. Bakit ba? Wala namang mali dun ah! Baliw si ate oh.
"Hahaha loko ka talagang bata ka. Isukat mo na nga yan" hinatid na niya ko sa fitting room.
Sinukat ko yung dress. Parang masyadong revealing at maiksi. Lumabas ako para ipakita kay Nathan.
"Oh! Palitan mo!" may inabot nanaman siyang off-white dress sakin. Balak yata nito ipasukat lahat ng dress sakin e.
Lumabas ako at pakiramdam ko anytime mahuhulog 'to. Hindi ako sanay magsuot ng tube dress e.
"Bakit ba kasi hindi ka marunong magdala ng dress?! Ang hirap mo naman pilian!" bakit ba ang init ng ulo nito? Kanina pa to!
Well, wala din naman akong laban kasi mas magaling talaga siya pumili ng dress kaysa sakin. Ang ganda kaya ng taste niyan pagdating sa ganito. Siya yung pumili ng isusuot ko nung Junior prom namin last year. Minsan nga nagdududa na ko na baka kasapi 'to sa pederasyon e.
"Sino ba kasi nagsabi sayong ikaw ang pumili para sakin!? Ikaw ba magsusuot!? Akin na nga 'to!" basta na lang ako kumuha ng dress na nandun sa harap ko at sinukat 'to.
Lalo akong pumuti sa black dress na 'to at nakita din ang curve ng katawan ko. It fits me so well.
"Ano na!? Siguraduhin mong okay na yan ha! Kundi nako. Wag na tayo tumu----" napatigil siya nang lumabas na ko.
"Ano ba namang titig yan Nathan? Ang manyak mo tingnan! Pfft." hindi pa rin niya inaalis ang tingin sakin.
"loy" pagpatuloy niya sa sinasabi kanina.
"Uso isara ang bibig Nate. Kulang na lang tumulo ang laway oh" isinara ko ang bibig niya.
"Bagay na bagay po sa inyo yan ma'am. Good choice" bati ng saleslady. Nginitian ko lang siya.
"Uy! Ano? Okay na ba!? o hindi na tayo tutuloy?" tinulak ko siya ng mahina. Mukang natauhan naman siya.
"Ha? Ano yun? Oo okay na yan. Tara na miss, babayaran ko na" tinawag niya ang saleslady habang nilalabas ang wallet at kinuha ang credit card.
"So? Dress lang talaga ang bibilhin natin Nate? Dress lang!?" Paulit ulit kong tanong sa kanya. Mukang hindi niya makuha yung point ko.
"Hindi man lang tayo bibili ng heels?" dugtong ko pa. Kaya napatingin naman siya sa vans ko.
"Wow Ive ah! Ikaw ba magbabayad? P50,000 na nga yang damit mo tapos gusto mo pa ng heels? Mahiya ka naman." sige Nate sumigaw ka pa. Nakakahiya.
Nauna na kong lumabas ng shop at iniwan siya. Nagsimula na rin ako maglakad palayo sa shop dahil auoko siya makasabay. Hindi ko alam ang lugar na 'to pero bahala na kung san ako mapadpad.
"Ive, sorry na. May heels dito kaya hindi na kita binilhan dun. Sumakay ka na" nakasunod na pala siya.
"Wala akong paki dyan sa heels mo" diretso pa din ako sa paglalakad.
"Ha? Kasasabi mo lang kanina gusto mo tapos ngayon hindi na? Bilis naman magbago ng isip mo Ive" inirapan ko siya habang dahan dahan niya pinapatakbo ang kotse niya.
"Pwede ba? Hindi ako nakikipagbiruan sayo. Umuwi ka na kung gusto mo" kahit tanghaling tapat at mainit, titiisin ko. Wag ko lang makasabay ang isang 'to. Kainis.
"Hindi naman ako nagbibiro e. Sorry na kasi Ive."
"Alam mo okay na sana yung hindi mo ko binilhan ng heels e. Pero yung sigawan mo ko dun sa harap ng madaming tao. Shet Nathan! Kahihiyan! Kaya isaksak mo na sa baga mo yang heels na yan. Sabihin mo nang ang babaw ng dahilan ko pero Nathan, ako ang napahiya. HINDI IKAW!" this time ako naman ang sumigaw. Wala naman masyadong tao kaya hindi agaw-eksena.
Nagulat ako nang bumaba siya ng kotse at hinila niya ko pabalik ng shop. Marami pa ring tao.
"Pasensya na po kung nasigawan ko kanina ang gir---bestfriend ko. Tulungan niyo naman po akong kumbinsihin siya na patawarin ako. Hindi ko naman talaga sinasadya e." laking gulat ko nang sumigaw siya sa loob ng shop. Sa harap ng madaming tao, kung san niya ko sinigawan kanina.
"Huy ano ba? Tumigil ka nga. Wag mo nang dagdagan yung ginawa mo kanina!" tinatanggal ko ang braso ko sa pagkakahawak niya pero ayaw niya bitawan.
"Sige na Miss. Patawarin mo na yang bestfriend mo" may sumigaw.
"He deserves second chance" sumunod naman yung saleslady na nakausap ko kanina. Grabe talaga si ate ang lalim lagi ng hugot.
"Forgive" bulong ng babaeng lumabas ng shop at kinindatan ako.
"Ayos yang kapal ng muka ng bestfriend mo ah. Patawarin mo na. Kawawa naman"
"Tss wag niyo na kami idamay sa kaartehan niyo."
"Oo nga. Wala naman kaming mapapala dyan" medyo masakit na sa tenga yung mga binibitawan nilang salita pero mukang okay lang kay Nathan. Pero para sakin hindi kaya hinila ko na siya palabas.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.
"Nagssorry" simple niyang sagot at napayuko na lang. Naglakad na ko palayo.
"Uy di mo pa rin ba ako napapatawad? San ka pupunta?" napatawad na kita. We're even now. Napahiya ako, napahiya ka rin sa ginawa mo kanina. Tsaka sobra na kaya yung ginawa mong paghingi ng tawad. Tapos sa tingin mo, hindi pa rin kita mapapatawad?
Binuksan ko na ang pinto ng kotse niya para sumakay.
"Anong gagawin mo dyan?" tumigil siya sa paglalakad.
"Sasakay. May problema?" tinaasan ko siya ng kilay at mabilis naman siya sumakay ng kotse at pinaandar na 'to.
"Kala ko maglalakad ka pa rin e" sabi niya habang nagddrive.
"Ang init init, paglalakarin mo ko? Gentledog mo din e no! Umuwi na kaya tayo" sinuot ko na yung heels na binibigay niya kanina.
"Edi umuwi ka. Sayang, may blueberry cheesecake pa naman dun sa pupuntahan natin." What? Blueberry cheesecake!? Waaaa my favorite!
"Ito naman. Nagbibiro lang e. San ba tayo pupunta?" excited kong tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
Innocent Love [On-going]
HumorInnocent girl knows nothing about Love. Kailan at saan nga ba matatagpuan ni Ivory Montez ang sagot sa kaniyang katanungan? "What is Love?"