Thank you so much for all the comments in previous chapters! I really appreciate those. Here's a long update for you guys who keep on supporting. Enjoy! Don't forget to vote and of course, leave some comments.
~Walang pasok dahil sa bagyong Mario. Keep safe guys!
--
Ano 'to? Nasaan ako? Puro puti lang ang nakikita ko. Langit na ba 'to? Bakit? Pano? Hindi maaari.
Pano na sila Mom & Dad? Wala na silang dyosang anak! Pano na si Nate? Baka tuluyan nang lamunin yun ng kabobohan niya. Pano na ang plano kong magtake ng Architecture sa college? Pano na ang pagrampa ko sa graduation? Ang pagtanggap ko ng diploma? Ang medal ko? Pano na ang mga pangarap ko? Waaaaa! Pano na!?
"Ive!! Ano ba? Tama na!" narinig ko ang isang pamilyar na boses. Nagulat na lang ako ng biglang may sumampal sakin. Agad akong napamulat at nakita si Nathan na nanlaki ang mga mata.
"urgh!" singhal ko habang hinihimas ang muka ko. Halos hindi ko na maramdaman na may muka pa ko dahil sa sakit.
"I-I'm sorry Ive! Ikaw naman kasi e. Hindi mo tinitigilan na sabunutan yung buhok ko, tingnan mo halos makalbo na ko." nagpout siya. Ang gay shet! Pero napansin ko nga na ang gulo ng buhok niya pero parang hindi naman makakalbo! O.A. nito.
"Gusto mo kalbuhin na talaga kita!?" banta ko sa kanya.
"Wag na. Salamat na lang. Ang pangit ko kaya pag ganun. Try to imagine!" parang bata talaga 'to.
"Di ko na kailangan mag imagine. Ngayon palang kita ko na e. Pfft" pang-aasar ko. Inaayos na niya ang buhok niya habang nakaharap sa salamin malapit sa bed ko.
W-wait teka sandali...
Hindi ko naman kama 'to e. Ngayon ko lang narealize na nasa hospital pala ako. Nakita ko din ang mga bulaklak sa tabi ko at mga balloons na naka scatter lang sa kwarto.
"Muntik na ngang mamatay, palasagot at mapang-asar pa din. Tsk Ivory yan eh! Ikaw na! Dabest ka e" ano daw? Muntik nang mamatay?
"Anong sabi mo?" narinig ko naman kung ano yung sinabi niya. Gusto ko lang linawin kasi baka mali lang ako ng rinig.
"Sabi ko muntik ka nang mamatay buti na lang malakas ka kay kamatayan at pinagbigyan ka pang mabuhay." napatagilid ako sa kama at humarap sa kanya. Sinusubukan kong tumayo pero parang nanghihina ako.
"Uy Ive! Wag ka ngang bumangon. Hindi mo pa kaya. Wag mong pilitin." lumapit siya sakin para pigilan ako.
"Pano mo nasabing hindi ko kaya? Nasa'yo ba katawan ko? Wala naman diba?" pinipilit ko pa ring tumayo kaya tinulungan niya na lang din ako.
"Tsk kulit mo talaga" umupo siya sa tabi ko.
May biglang pumasok na nurse at nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.
Muli siyang lumabas at hindi na tumuloy na pumasok.
"Problema nun? Pangit na ba ko? Muka na ba kong bangkay o di kaya naman zombie?" sunud-sunod na tanong ko kay Nathan.
"Ang dami namang tanong! Bigyan din kaya kita ng piso tapos bili ka na rin ng kausap mo!" aba! Sumasagot na ah.
"Aray ko naman! Million times mo na ko binabatukan ah! Pag ako nagka blood-clot, sige ka!"
"wala nang mag@#$%&* sayo" dugtong niya habang nakayuko kaya hindi ko masyadong naintindihan.
"Sino kausap mo dyan?" dumikit ako sa kanya at tumingin din sa baba kung san siya nakatingin.
"Hi Ms. Montez, how are you?" may pumasok na doctor kasama yung nurse na hindi tumuloy pumasok kanina. Si Doctor Cortes pala. Palapit siya samin kaya umalis muna si Nathan sa tabi ko. Siya ang family doctor namin since birth.
BINABASA MO ANG
Innocent Love [On-going]
HumorInnocent girl knows nothing about Love. Kailan at saan nga ba matatagpuan ni Ivory Montez ang sagot sa kaniyang katanungan? "What is Love?"