"Goodmorning!!!!!" Napabalikwas ako sa kama ko nang makarinig ng malakas na sigaw.
"Ive, gumising ka na! Bilis. Malalate na tayo" dumilat ako ng bahagya at nakita si Nate na binubuksan ang kurtina ng kwarto ko. Nakakasilaw kaya hinila ko ang makapal kong kumot para itakip sa muka ko.
"Gumising ka na sabi e" hinihila niya ang kumot ko pero hindi ko pa rin yun binibitawan.
"Iveee! Ano ba!? Kahit kailan ka talaga. Hirap mo gisingin! Bangon na dyan!" binitawan ko na yung kumot at nakarinig ako ng malakas na kalabog.
Agad akong napabangon at tiningnan kung ano yun. Si Nate pala.
"Tsk ano ba kasi problema mo!? Ang aga aga ginigising mo ko!" Inis kong sabi sa kanya.
"Ako na nga 'tong nag aabalang gumising sayo tapos ganyan ka pa. Bahala ka na nga dyan. Ako na lang mag isa ang papasok" tumayo na siya at palabas na ng kwarto ko.
"Edi pumasok ka mag isa!" bumalik na ko sa paghiga, muling nagtakip ng kumot.
"Uy Ive! Tara naaaa." tumalon siya sa kama ko. Kala ko ba umalis na 'to?
Tinanggal ko ang kumot at humarap sa kanya.
"Ano ba!? Kung gusto mo pumasok, pumasok ka. Kulit naman nito e. Hindi ako pumapasok pag sabado! Walang mga teacher! Tsaka umalis ka nga sa kama ko, lumulubog na oh!" muli akong tumalikod sa kanya.
"Sabado!? Hala Ive! Bakit ngayon mo lang sinabi!? Naman e." pagmamaktol niya. Tsk laki ng problema nito.....sa utak! -_-
"Nagtanong ka ba?"
"Bumangon ka na dyan! Dali! May pupuntahan tayo!" Wth? Hinila niya ang mga braso ko para ibangon.
Wala na kong nagawa kundi ang bumangon na, ang kulit e. Hindi ako titigilan nito hangga't hindi ako sumusunod.
"Saan nanaman tayo pupunta Nathaniel!? Tss dami mo nanamang pauso e." last month ganito din ang scenario. Dinala niya ko sa bukid. Lakas ng trip diba!? Okay lang dahil nag enjoy naman kami nung araw na yun.
Natutunan namin mamuhay ng simple. Yung gigising ka ng sobrang aga para magbanat ng buto, magtatanim ka kasama ang kalabaw, ang maputikan yung isa sa paborito mong damit, at higit sa lahat ang makisalamuha sa mga taong araw-araw ay ganun ang routine sa buhay.
"Ano na Ive? Natutulog ka na ba dyan!?" bakit ba nagmamadali to?
"Ito na patapos na oh. Uso kasing maghintay!" sigaw ko habang binubuksan yung shower.
5minutes natapos na din akong maligo kaya lumabas na ko. Si Nate nakaupo sa kama ko.
"Ginagawa mo dyan?" tanong ko sa kanya habang nakapamewang.
"Di ba obvious? Edi nakaupo" aba ang loko hindi marunong makiramdam. Kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"What?" inosente niyang tanong.
"Lalabas ka o lalabas?"
"Ano ba yan Ive? Wala bang ibang choices? Pareho lang yun e, hindi ba pwedeng magstay?" napakamot naman siya ng ulo. Juicecolored!
"Yuck Nate mahiya ka nga. Kadiri ka!" tinulak ko siya palabas ng pinto. Ang bigat leshe.
"Grabe maka-Yuck Ive ah. Ikaw nga nakita mo na ko ang buong pagkatao ko e. Ikaw naman para fair!" Waaaaaa Nate! Pervert!
"Bwiset ka talaga! Wag mo na nga ipaalala sakin ang bangungot na yun kadiri ka! Yuck! Get out!" Agad ko na siyang pinagsarhan ng pinto.
Nandidiri talaga ako pag naaalala ko yun. Waaa yun kasi yung time na naghahabulan kami sa may pool tapos naka-tuwalya lang yung lower part ng katawan niya. So ayun, hindi sinasadyang nalaglag yung towel. Confident pa siya sa pagtakbo nun. Habang ako nagtakip na ng mata at nagsisisigaw na.
Eeeew ayoko na. Yuck talaga.
"Ang tagal mo naman pumili ng damit!" nagulat ako ng may nagsalita. Shet! Hindi ko pala na-lock. Katangahan overload.
"Ano ba Nathaniel!? Kainis to! Lumayas ka nga! Kung hindi ka titigil, hindi ako sasama sayo. Leshe ka!" hindi na kasi nakakatuwa e :/
"Oh sorry. Joke lang naman e. Aalis na talaga ako, inaasar lang kita" inirapan ko lang siya. Sinigurado ko nang naka-lock ang pintuan at bumalik na sa closet ko.
Haay here we go again in girl's FAQ (frequently asked question): What to wear?
Ang hirap magdecide. Madami ngang damit, hindi naman alam kung ano ang dapat suotin.
Marami akong sinukat pero yung una kong napili ang sinuot ko. Nag-apply ako ng powder, lipbalm, at nagsuklay ng mahaba kong buhok. Agad na kong bumaba at nanlaki ang mata ni Nathan ng makita ako.
"Bakit ganyan ang suot mo?!" bakit? Ano bang suot ko? Loose v-neck shirt, maong short, at vans lang naman ah.
"Bakit? Ano ba dapat? Two-piece swimsuit!?"
"Hindi! Wala ka bang dress man lang?" nakita ko ang suot niya na long sleeves. San ba ang libing? Haha joke
"Eh bakit kasi hindi mo sinabi kanina!? Sandali maghahanap ako! Tss alam mo namang sobrang bihira ako magsuot ng dress e." paakyat na ko nang hawakan niya ang braso ko.
"Tara na. Daan na lang tayo sa shop" mahinahon siyang nagsalita.
Nagdrive lang siya at wala talaga akong idea kung saan kami pupunta. Tumigil kami sa isang dress shop.
"Hi Ma'am, Sir can I help you?" bati ng saleslady samin.
"Will you please give me a simple but elegant dress for her?"
BINABASA MO ANG
Innocent Love [On-going]
HumorInnocent girl knows nothing about Love. Kailan at saan nga ba matatagpuan ni Ivory Montez ang sagot sa kaniyang katanungan? "What is Love?"