12:09 pm TRAIN
WHAT IN THE WORLD HAPPENED?
Tumingin ako sa babaeng nagpapaipod sa akin. tinitigan ko sya na parang kararating ko lang galing sa ibang bansa. napatingin ako sa paligid. napatingin ako ulit sa relo ko. 12:10 pm. limang minuto mula sa inuuwian ko. nananaginip ba ako?
"uhm. Miss..? Okay ka lang? Pwedeng makiisod?"
hindi ko sya pinansin na parang hindi ko sya narinig. normally, iipod ako agad dahil ayaw kong makipag-usap. pero i am still so confused. it felt so real. First time kong magkaroon ng surreal na panaginip. It makes me question my reality. ayon sa psychology, dreams are reflection of your unconscious mind. your deepest desires and your desperations. so siguro nga desperado lang ako.I kabisado ko ang pag-iisip ng tao. at alam ko kung bakit ako nananaginip ng ganito. i am desperate for a companion. Ilang taon na rin kasi akong mag-isa simula noong namatay si mama. anak ako sa labas. si papa, may pamilya talaga. Hindi ako kilala ng pamilya nya. kaya hanggang sustento lang ang maiibigay ng tatay ko. dahilan kaya mag-isa kong kinakalaban ang walang pusong mundong ito. napabuntong hininga ako. though, alam kong masama yun, naglabas ako ng isang mahaba at malim na buntong hininga. tumingin ako sa bintana ng tumatakbong tren. napangiti ako. siguro nga totoo ang sinasabi ng mga immature na kaklase ko. totoong ang weird ko nga. Sa itaas ng pintuan ng tren ay mayroong isang malaking digital clock. 12:13 pm. sa ibaba nun nakaupo ang babaeng nagpapaipod sa akin kanina. Napatingin sya sa akin at sabay umisnab. bumaling ako ng tingin. sa dami ng nangyari sa loob ng kalahating araw, i think i deserve a rest. hindi ako papasok bukas.
3:43 pm SA MAY PALENGKE
Ilang linggo na ring hindi ako pumupunta dito. narealize ko habang naglalaro ng videogames na ayaw ko nang maulit ang mga ganoong panaginip. kaya i need to talk to someone. lumabas ako sa apartment ko at hindi ko narealize na may araw pa rin pala. mabuti na to. atleast nang maarawan ang namumutla ko nang balat. dito sa may makipot na eskinita sa palengke nagtitinda si Nanay Gib. Malapit syang kaibigan ni mama noong nabubuhay pa siya. madalas ko siyang puntahan kapag may problema ako. Malayo ang agwat ng edad nila ni mama. Si mama kasi, kagaya ko. Tahimik. kaya hirap din syang makipag-usap sa iba. Nagititinda siya ng bibingka na may buko sa palengke.
Malayo pa lang ay natanaw ko na si Tito. Apo ni nanay Gib. Siya ang tumutulong kay Nanay sa pagtitinda. Mas bata sa akin si Tito ng dalawang taon kaya parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya. malayo pa lang ay natanaw na niya ako kaya kumaway na rin ako.
" Oy! Naligaw ka Me!" bungad nya sa akin. namiss ko ang boses nya kasama na rin ang amoy ng bibingka. sa lugar na ito. dito ko lang nararamdaman maging tao.
"oo nga e. nababato kasi ako sa bahay. saka namimiss ko na ang bibingka ni nanay Gib. "
kumuha ako ng isang bibingka at agad-agad kong kinain.
"tsk. si lola wala pa. ayun. tinatablan na rin ng rayuma. in denial pa ang matanda. naliay lang daw sya kaya nanakit ang paa. haha."
Masayahin si Tito. masarap siyang kausap. siya yung tipo nang tao na walang halong pagpapanggap.
"sayang naman. Mangungutang pa naman sana ako ng isang dosenang bibingka" sabi ko.
"aiish. tapos ano? bibingka lang ang kakainin mo sa loob ng isang linggo? tumigil ka nga. ikaw. hindi ka talaga nagtatanda ano? Tingnan mo yang itsura mo. putlang putla ka na. wala kang kabuhay-buhay. wag kang magpapakita ng ganyan kay lola. iiyak na naman yun."
isa pang dahilan kaya hindi ako palaging pumupunta dito ay dahil ayaw kong maging pabigat kay nanay Gib. sa tingin ko kasi sila na lang ang natitirang mga tao na mahalaga sa akin. kaya habang maari, pininpilit kong maging masigla pag dumadalaw ako dito.
BINABASA MO ANG
Questionnaire
Romancetatlong tanong lang ang pwede mong itanong or your world will be ruined. what if your heart comes in the way?