Kabanata II

260 19 1
                                    

_BIANCA_

So eto ako ngayon. Nakatulala sa harapan ng kwarto ko. Nakatingin sa labas. Umuulan. Tama siya. Kauuwi ko palang.

Isang malaking tanong pa rin sa akin kung paano niya nalaman na di ako nanood.

Huwag ko na munang problemahin yon.

/RINGGGGGGGG/

Sinong tumatawag?

"Hello?"

"Hi Bianca. Si Chimchim 'to yung kapatid ni Alex. Pinapasabi pala ni Ate na hindi siya makakapasok bukas. Di kasi nagdala ng payong eh. Hindi niya alam na uulan. Kaya ayun nagkasakit." Sabi ni Chimchim.

Oo nga pala. Hindi ko man lang naalala si Alex kanina.

"Naku pakisabi sa kanya magpahinga siya, dadalawin ko nalang siya bukas."

"Sige haha! Bye." Binaba niya na ang tawag.

Bakit ganito nararamdaman ko ngayon, kinikilig? Dapat nag aalala ako sa best ko kasi nagkasakit siya. Oh baka naman kinikilig ako sa nagbigay ng payong sa akin?

No way! Hindi dapat ako mainlove sa taong di ko nakikita. Mahirap na baka mamaya isang araw di siya magbigay o magparamdam sa akin tapos aasa ako non at hihintayin ko siya.

/KNOCK KNOCK KNOCK/

"Bianca, may naghahanap sayo." Sigaw ni Mama sa akin.

Kaya bumaba na ako then binuksan ko ang pinto... Minji? Yung kapitbahay namin. Lalaki siya guys. Then nerdy na salamin at may hawak na payong at libro ngayon.

"Pinapasabi pala ni Alex na nahihirapan ka daw sa math niyo kaya eto." Inabot niya sa akin yung libro. "Compilation niyan lahat ng mga terminologies at rules sa lesson natin ngayon." Kinuha ko naman yung libro.

Hehe thank you Minjiiiiii.

"Salamat. By the way, pasok ko muna." Anyaya ko sa kanya.

"Hindi na. Sabi ko kasi may ibibigay lang ako sa kapitbahay. Baka hanapin pa ako."

"Ahh ganoon ba? Sige salamat dito. Hehe ingat." Hinintay ko muna siyang makapasok sa bahay nila. Kapitbahay ko lang eh. Hehe.

Bakit naman dinamay niya pa tong si Minji sa pagiging shunga ko sa math. Bahala na.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto at pumunta sa may bintana.

Nakita kong may nakaipit doon. Kanino nanaman kaya galing to?

May nakalagay na libro din? Libro din na kaparehas na librong pinahiram sa akin ni Minji.

May note pang 'Aral muna. Magiging boyfriend mo din ako.'

Don't forget to follow, vote and comment.

•JIMINIONISM

I'm Inlove With My Stalker || p•jm [COMPLETE √]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon