Her's

5 0 0
                                    

↞ ✾ ✿ ✾ ↠
Her's

[Mall, 1:00 pm]

Keanna's POV

“Besh! Birthday mo na bukas!” tili ni Alexis habang nag lalakad kami.

“Oo na Besh, mas excited pa ang gaga saakin,” natatawa kong sinabi sa kanya.

“Besh, ano daw regalo sayo ng boyfriend mo? Swerte mo ha, February 14 ang birthday mo at may boyfriend ka pa. Ako kaya, kelan kaya ako magka-kaboyfriend?” tanong saakin ni Alexis.

Napa-isip naman ako. Oo nga ‘no? Ano kaya regalo niya saakin?

“Oh? Ba't napa-hinto ka diyan? ‘Wag mong sabihin na wala na-naman ‘yon regalo sayo. Oh, teka may bench doon, upo muna tayo.” pagka-sabi niya no'n ay bigla niya ako hinila paupo sa bench na nakita niya.

“‘Eto naman, baka naman kasi sobrang busy no'n.” sinabi ko sa kanya. Totoo naman kasi e, business man na iyon kahit 24 years old palang ‘yon.

“Busy sa ibang babae?” sinabi ni Alexis sabay siya natawa. Tinignan ko naman siya ng masama. “‘Eto naman, pwede ba—” bigla niyang pinutol ang sasabihin ko.

“Aaminin ko besh. Ang pogi ng boyfriend mo, mayaman, matalino, etc.—” pinutol ko ang sasabihin niya. “Oh tapos? Anong point mo?”

“Hindi pa kasi tapos mag-salita e. Anyways, ang point ko... Habulin ng babae ‘yang boyfriend mo besh! Andaming nagka-kandarapa!” sinabi niya saakin sabay palo sa braso ko.

Inikutan ko siya ng mata. “Ano naman?” mataray kong tanong sa kanya.

Feeling ko may gusto ‘to sa boyfriend ko ah, ina ne'to baka mamaya malaman ko nalang na siya pala babae ng boyfriend ko. Huwag naman sana.

“Besh, tignan mo nga sarili mo! Ang se-sexy at ang ga-ganda kaya ng mga babaeng naka-paligid sa boyfriend mo. Tapos tignan mo sarili mo, manang ka besh! Maganda ka naman, sexy ka naman, flaunt it! Hindi yung naka T-shirt at pantalon ka lang, without anything sa face. Hindi ka pa nga ata nag-suklay besh. Try mo ‘rin mag-ayos, nako!” mahabang saad ni Alexis.

“Saka tignan mo nga mga tao dito sa Mall, ang ga-ganda ng pormahan,” dagdag pa niya.

Tinignan ko naman. Oo nga ‘no? Feeling ko tuloy out of place ako.

“Oh ano? Naniwala ka na?” tanong saakin ni Alexis.

Tinarayan ko siya ulit. “Oo na!”

“Girls! Nandiyan lang pala kayo! Kanina ko pa kayo hinahanap,” sabay kaming napa-tingin ni Alexis doon sa tumawag saamin.

“Angel! Ang tagal mo naman, kanina pa kaya kami nag hi-hintay” singhal sa kanya pabalik ni Alexis.

Tuluyan na siyang naka-punta sa pwesto namin. “Oh ano? Shopping na tayo! Lalo ka na Keanna, birthday mo pa naman bukas!”

Tinignan ko si Angel. Ang ganda niya talaga, sexy, maputi, makinis, mabait, etc. Kung lalaki lang ako, siguro matagal ko na ‘to niligawan.

Samantala ako, manang. Lagi nga ako inaasar ng mga kuya ko, tinatawag nila akong “Inday”

“Asa ka pa Angel! Alam mo namang hindi mahilig bumili ng damit ‘yan, dahil ang rason niya "sayang sa pera",” mataray na sinabi ni Alexis at para bang ginaya ang boses ko doon sa bandang huli niyang sinabi.

“Alam mo naman kasi Alexis na wala akong panahon sa mga ganyan ganyan, shopping shopping na ‘yan. Madami pa akong aasikasuhin, alam mo naman na may sakit si mama,” mataray kong sinabi sa kanya.

Biglang may humila saakin patayo mula sa pagka-kaupo ko. “Nako Keanna, ‘wag kang masyadong mai-stress! Enjoy yourself too! Alam mo, dahil birthday mo bukas ililibre kita ngayon!” sinabi saakin ni Angel na para bang sobrang excited.

“Hay nako! At dahil maganda ako at ako ang bestest friend mo, lilibre nadin kita ngayon! Bilhan nadin natin si Tita,” sinabi ‘din saakin ni Alexis at saka siya tumayo.

Ang babait talaga ng mga kaibigan ko. Sana habang buhay kaming gan'to, magka-kaibigan.


ANG bigat ng mga dala ko ngayon. Ang dami kasing pinamili ni Angel at Alexis saakin. Nako, panibhasa nag ya-yaman. Mayaman ‘din naman kami pero kuripot kasi ako. Ayan ha! Inamin ko na!

“Oh besh, nag-enjoy ka ba? Ingat pauwi ha?” sabi saakin ni Alexis.

Nandito kami sa parking lot, sinusundo na ako ng boyfriend ko. Ginabi nadin kasi kami.

“Oo naman. Saka gabi na, gusto niyo sumabay?” pag-presinta ko sa kanila.

“Nako Besh! Nakakahiya! ‘wag na!” natatarantang sinabi saakin ni Angel. Napakunot naman ako ng noo. Bakit naman ‘to natataranta?

“Ay hindi na! Sige na, pumasok na kayo. Ako na magsa-sabi.”

NAUNA na namin nai-hatid si Alexis. Siya kasi una namin nadaanan ang bahay.

Kanina pa tahimik ang atmosphere sa loob ng sasakyan, at kanina pa ako may napapansin. Kanina ko pa kasi napapansin na nagti-tinginan si Clark, ang boyfriend ko, at si Angel.

Hindi kaya?... No, trust him Keanna.

Biglang huminto ang sasakyan, at ngayon ay nasa-tapat na kami ng bahay ni Angel.

P-paano niya nalaman ang bahay ni Angel?

Nakita kong kinuha na ni Angel ang mga pinamili niya at saka siya bumaba ng sasakyan.

“Goodbye Keanna. Advance Happy birthday. Ingat pala ha? Baka kasi may umagaw sa boyfriend mo,” pagka-sabi niya no'n ay sinara na niya ang pinto.

A-anong ibig sabihin niya?

Nagulat ako ng bigla akong halikan ni Clark sa leeg at hinawakan niya ang malulusog kong hinaharap.

“Clark! Ano ba?! ‘diba sinabi ko na sayo na hindi pa ako handa?!” singhal ko sa kanya at saka siya pinagtu-tulak.

Napa-upo siya ng maayos sa driver's seat at hinilamos niya ang mukha niya gamit ang mga kamay niya.

“This is bullshit Keanna! 5 years na tayo pero ayaw mo parin ibigay saakin ang virginity mo!” pagka-sigaw niya no'n ay bigla niyang hinampas ang manibela.

“I-I'm sorry, p-pero—” he cut me off. “Shh. Dont, I'm sorry baby” pagka-sabi niya no'n ay pina-andar niya na ulit ang kotse.

Napa-tingin ako sa labas ng bintana. Should I give my virginity to him?

NAGING awkward ang atmosphere sa kotse matapos mangyari iyon. Nandito na ako sa kwarto ko at nagmu-muni muni.

“Baka kasi may umagaw sa boyfriend mo,”

“Baka kasi may umagaw sa boyfriend mo,”

Iyang mga katagang ‘yan ay kanina pa hindi mawala wala sa isip ko. Anong ibig sabihin ni Angel doon? Ayoko naman isipan ng masama si Angel dahil Bestfriend ko ‘yon.

Bukas na ang birthday ko and I think ibibigay ko na sa kanya.

Ibibigay ko na kay Clark ang virginity ko.

Birthday Gift [A Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon