The Birthday Gift

5 0 0
                                    

↞ ✾ ✿ ✾ ↠
The Birthday Gift


Keanna's POV

“BESH nabalitaan ko. Okay ka lang?” tanong saakin ni Alexis. Nandito kami ngayon sa simbahan ng ospital.

Umiling ako bilang sagot at saka umiyak ulit. “Hindi ko maintindihan, bakit ganito? Una si Angel at Clark, pangalawa si Mama” mangiyak-ngiyak kong sinabi kay Alexis.

Niyakap niya naman ako kaya niyakap ko siya pabalik. “Alam mo Besh, lahat ng nangyayari ngayon ay may dahilan. Kaya tumahan ka na, balikan na muna natin si Tita,” sinabi saakin ni Alexis.

Bumitaw na ako sa pagka-kayakap at saka pinunasan ang mga luha ko. Tumayo na siya kaya tumayo narin ako mula sa pagka-kaupo.

“Magiging okay ang lahat, besh”

OKAY naman daw si Mama sabi ng doctor, kelangan niya nalang daw mag-pahinga.

“Anak, sorry kung gan'to ang nangyari sa kaarawan mo ha?” malungkot na sinabi saakin ni Mama. Tinanguan ko nalang siya.

“Okay lang ma, alam ko naman na may dahilan kung bakit nangyayari saakin ‘to e.” sinabi ko sa kanya nang naka-ngiti.

“Anak, nabalitaan ko yung tungkol kay Cl—” pinutol ko ang sasabihin ni Mama. “Mama, ‘wag mo na ‘yon alalahanin. Okay naman ako.”

“Alam mo Keanna, 5 years na kayo ni Clark tapo biglang gano'n. Syempre masakit ‘yon”

“Okay lang talaga ako, ma”

Biglang may kumalabit saakin mula sa likod, kaya napalingon para malaman kung sino ‘yon. “Kuya kurt? Bakit?”

“Kelangan mo ng space?” tanong saakin ni Kuya Kurt. Bigla naman akong nag-taka. “Ha?”

“Alam naming masakit, Keanna. Kaya pa-payagan ka namin na magmuni muni muna, kami na bahala nila Kurt dito” naka-ngiting sinabi ni Kuya Klyde.

“Ha? Hindi pwede, kelangan kong bantayan si Ma—” pinutol ako ni Alexis.

“Besh, ‘wag nang maarte.” nakangiting sinabi ni Alexis. Inirapan ko naman siya at saka ngumiti.

May biglang humawak sa pisngi ko. “Sige na anak, masyado nang madami ang magba-bantay saakin. Over fatigue lang ‘to.” naka ngiting sinabi ni Mama.

Biglang may tumulong luha sa mga mata ko. Niyakap ko sila isa isa. “Thank you. Ingatan niyo si Mama ha?” sinabi ko habang umiiyak.

Ang swerte ko, napaka-supportive nila saakin.

“Oo na, chupi!” natatawang pagta-taboy saakin ni Alexis.

Tumango lang ako at saka tumakbo palabas ng kwarto, hanggang makalabas ako sa Ospital.

Nagpara naman ako agad ng taxi nung may dumaan. “*** Park nga po.”

Andrew's POV

NANDITO ako sa isang bench sa *** park.  Dito muna ako magmu-muni muni.

Napapikit ako. Nararamdaman kong may tumutulong luha sa mga mata ko. Hindi ko ‘yon pinunasan at hinayaan iyon.

Nagulat ako nang may nag-punas sa mukha ko, kaya napa-dilat ako. Napa-tingin ako kung sino ‘yon.

“Keanna?” gulat kong tanong. Nginitian niya ako at sinabing, “Hi. Andrew right? Yung manliligaw kay A-ange—demonyo naman ‘yon!” pagalit niyang sigaw.

Paasa ‘din siya. Yah.

“Ha? Bakit naman?” tanong ko sa kanya. Nagulat naman at nataranta ako nang bigla siyang umiyak.

Birthday Gift [A Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon