His'

6 0 0
                                    

↞ ✾ ✿ ✾ ↠
His’

Andrew's POV

“Sure ka ba diyan, dude?” tanong saakin ng kaibigan ko simula pagka-bata.

Nandito kami ngayon sa mall para bigyan si Angel ng teddy bear, chocolate at flowers. Si Angel ang nililigawan ko.

“Oo at ‘wag ka na mangealam,” sinabi ko sa kanya at saka ko kinuha ang ang isang teddy bear na malaki.

“Paasa naman ‘yon e— Si Angel ba ‘yon?” bigla akong napa-lingon sa kanya at tinignan ang direksyon kung saan siya naka-tingin.

Si Angel nga! Kasama niya yung mag kaibigan niya, si Alexis at Keanna.

6 years ko nang nililigawan si Angel. Simula nung college nililigawan ko na si Angel, hindi naman niya ako pinagba-bawalan at sa tingin ko may pag-asa ako sa kanya.

“Andyan naman si Alexis oh, maganda, sexy, matalino ‘rin naman, mabait, etc. Maingay nga lang,” sinabi saakin ni Jameson, kasama ko simula noong una ko palang niligawan si Angel hanggang ngayon.

“Ang tibay mo! Biruin mo 6 years ka nang nanliligaw kay Angel pero hindi ka parin sinasagot. Iba na ‘yan pre” dagdag pa niya.

“Huwag ka na nga kasi mangealam. Kung gusto mo sayo na si Alexis. Saka alam ko naman na may pag-asa ako kay Angel” sinabi ko sa kanya.

“Pre, sayang ka. Pogi ka naman, ang daming lumalapit sayong babae, nagkakandarapa—” pinutol ko ang sasabihin niya.

“Teka nga, bakla ka ba?” panga-asar ko sa kanya. Nabigla naman ako nang bigla niya ako batukan.

“Sa gwapo kong ‘to! Ang point ko ay madaming ibang babae, hindi lang si Angel” sinabi niya saakin. “Bahala ka na nga diyan, palaki ka muna ng ano bago ka mag ga-gaganyan” pang aasar ko sa kanya.

“Loko! Kapag nakita mo ‘to baka mabakla ka,” sinabi niya saakin ng mayabang habang natatawa-tawa.

“Pre, nakita ko na ‘yan. Wala talaga” bigla na naman niya akong binatukan. “Gago!” sigaw niya saka tumawa.

NANDITO kami ngayon, sinusundan si Angel at ang kanyang mga kaibigan.

“Pre, ang gwapo naman nating stalker. Tama na ‘to, nagugutom na ako oh!” pag-reklamo ni Jameson sa tabi ko.

“Bahala ka diyan, basta ako babantayan ko lang sila”

“Teka anong petsa na ba ngayon? At patay na patay ka parin kay Angel” naiirita na sinabi ni Jameson.

“February 13!” pangba-bara ko. Pero natigilan naman ako. “Birthday mo na pala bukas pre! Happy birthday! Pa-shot ka naman diyan!” sigaw niya.

Bigla ko tinakpan ang bibig niya. “Shh! Ang ingay mo! Baka marinig tayo!” sinabihan ko siya.

“Sorry naman! Pa-shot ka na kasi diba?” sinabi niya. “Naubos na pera ko dahil sa mga binili natin, ‘wag ka nang umasa.”

“Kuripot mo naman!”

Saka hindi ako pwedeng mag-saya. Paano ako sasaya kung ang mga magulang mo laging nag a-away at ikaw pa ang dahilan. Kaya nga si Angel nalang ang nagpa-pasaya saakin.

NANDITO ako ngayon sa harap ng bahay nila Angel. Iniwan na ako ni Jameson, pagod na daw siya.

Biglang lumabas si Angel kaya nataranta naman ako. “Oh, Andrew! Anong ginagawa mo dito?” tanong niya.

Ang ganda talaga niya, mabait pa.

“Huy! Anong nangyari sayo?” sinabi ni Angel sabay tapik sa balikat ko.

Pinagpawisan naman ako. Napa-tulala pala ako sa kanya. “Ah e. Napadaan lang kaya naisipan kong tignan ka,” bigla ko naman napansin na naka-bihis siya na pang alis.

“Saan punta? Gabi na ah,” tanong ko sa kanya.

“Ah, ano wala lang. Dadaan lang ako sa bahay ng kaibigan ko” sinabi niya ng naka-ngiti.

“Ah gano'n ba? Hatid na kita” pag-presinta ko.

“Nako, huwag na. Mag ta-taxi nalang ako. Sige mauna na ako ha? Babye” sinabi niya at saka tumalikod na at nag-para ng taxi.

Bakit kaya nagma-madali ‘yon?

Nag-kibit balikat nalang ako at saka pumasok na sa kotse ko. Pinaandar ko narin iyon.

“IYANG anak mo gabi nanaman umuwi!” sigaw ng tatay ko sa nanay ko.

Hay... Bungad ba bungad talaga. Nag a-away nanaman sila.

“Anak, pumasok ka muna sa kwarto mo” sinabi ng malumanay saakin ni Mama. Napa-buntong hininga nalang ako.

“Opo ma” tanging sagot ko at saka umakyat na at pumunta sa kwarto ko.

Nagbihis na ako ng pantulog at saka nag-muni muni.

Bakit ba gan'to buhay ko? Naalala kaya nila na birthday ko bukas?

Si Angel kaya tanggap ako? Hay... Sa totoo lang sa tingin ko wala talaga akong pag-asa pero lumalaban parin ako.

Birthday Gift [A Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon