The Birthday Celebrant

4 0 0
                                    

↞ ✾ ✿ ✾ ↠
The Birthday Celebrant

Keanna's POV

“Anak, kamusta trabaho?” tanong saakin ni Mama.

“Okay lang naman, Ma. Buti nga at mabait ang boss ko, pinayagan akong magleave kahapon at ngayon.”

Isa akong sekretarya sa isang sikat na company. Laking pasasalamat ko na mabait ang CEO namin.

“Gano'n ba anak? Nga pala, paki kuha nga ako ng itlog diyan sa ref, scramble egg nalang umagahan natin” utos saakin ni Mama.

Agad ko naman sinunod iyon. Pero pag-bukas ko ng ref ay nagulat ako.

“HAPPY BIRTHDAY INDAY!” Sigaw ng mga kuya ko mula sa likod ko.

May isang dedication cake na medium size sa ref na may pangalan ko.

“Nako! Nag-abala pa kayo!” sinabi ko sa kanila at saka sila niyakap.

Kinuha na ni Mama ang cake ko at saka nilagay iyon sa lamesa. Nag-lagay siya ng candle doon at saka sinindihan ng apoy.

“Oh nak! Mag-wish ka na!” sinabi saakin ni Mama.

Kung nagta-taka kayo kung bakit wala ang tatay ko, matagal na kasi siyang nawala sa mundo. Limang taong gulang palang ako nang sumakabilang buhay siya.

“Hoy! Inday, mag wish ka na daw!” sigaw saakin ni Kuya Klyde, panganay saamin.

“I-wish mo inday na gumanda ka na at hindi na mag mukhang manang” panga-asar saakin ni Kuya Kurt, pangalawa namin. Ako naman ang bunso.

“Mga ano kayo! Huwag niyo na nga asarin ‘yang kapatid ninyo. Birthday niyan e!” natatawang suway ni Mama.

“Mag wish ka na nga inday!” natatawang sinabi saakin ni Kuya kurt.

“Ingay niyo kasi e!” natatawa kong pagre-reklamo.

Sana maging masaya at maayos na ang lahat.

Saka ko bin-low ang candle.

“Yehey!” sigaw nilang lahat. Napatawa naman ako. “Happy 24th birthday Keanna!” bati nila saakin habang pumapalak-pak.

Nginitian ko sila at sinabing, “Thank you”

Andrew's POV

“HAPPY birthday anak!” bungad nila Mama at Papa pagka-pasok nila sa kwarto ko.

Bigla akong napa-balikwas sa kama.

“Happy birthday to you~” pag-kanta nilang dalawa habang sinu-sway ang cake ko.

Napa-ngiti naman ako.

Biglang may pumasok sa kwarto ko na lalaki. “Happy birthday dude!” sigaw niya saka niya tinaas ang dalawa niyang kamay.

Para siyang tanga kaya napa-tawa kami.

Si Jameson tuluyan nang umupo sa kama ko habang may hawak na regalo. “Dude regalo ko!” masaya niyang banggit.

Si Mama naman ay ibinigay ang cake kay Papa. “Kami ‘din ng papa mo, meron” sinabi ni Mama at saka lumabas para kunin siguro ang regalo ko.

“Dude! Buksan mo na!” sigaw saakin ni Jameson. “Ingay mo!” sigaw ko sa kanya.

Binuksan ko ang kulay green na box at nang makita ko ang laman ay ibinato ito kay Jameson. “Bakit?” natatawa tawang tanong ni Jameson. “Gago!” sigaw ko sa kanya.

Paano ang laman ay condoms.

“Ay nako! Jameson tama lang ‘yang ibinigay mo” natatawang sinabi ni Papa kay Jameson.

Bigla naman pumasok si Mama na may hawak na maliit na box. “Nako! Tama na nga muna ‘yan, oh ‘eto na ang regalo namin, nak” sinabi ni Mama at saka ito binigay saakin.

Binuksan ko iyon ng mabilis at nakita ko ay isang maliit na kwintas na may dalawang singsing.

Hindi ko alam kung bakit nandoon ang mga singsing nila Papa at Mama perk hindi na ako nag-tanong. “Thank you Mama at Papa”

Sinabi ko at saka niyakap si Mama. Nakita ko na ibinaba ni Papa ang hawak niyang cake sa lamesa ng kwarto ko at saka kami niyakap ni Mama.

“Teka! Paano naman ako?!” Pagka-sabi no'n ni Jameson ay yumakap narin siya saamin.

Birthday Gift [A Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon