"Ang araw na tayong dalawa ay nagsimula
Ang araw na ang salitang mahal ay nabigyan ng kahulugan.
Ang saya't galak na dinulot nito sa ating mga puso
Na naging musika ng ating buhayIkaw at ako ay naging kahulugan ng salitang tayo
Na naging dahilan para tayong dalawa ay lumaban
Mga pangakong nagbigay ng lakas sa ating dalawa
At naging dahilan upang maging matatag tayoPero sa isang iglap ika'y lumisan
Iniwan akong nag-iisa at nagtatanong
Ano nga ba ang dahilan? Bakit ako'y nilisan
Lumuluha ang aking mga mata, binibiyak ang aking pusoSabi mo walang iwanan, pero ano ang iyong ginawa?
Ako'y nagsusumamo sa iyo
Mga tanong na hindi mo nasagot dahil bigla kang lumisan
Nagdusa ako, pero wala ka para damayan ako.Ang araw ay lumipas ngunit ang sakit na dulot nito ay sariwa
Masakit, nakakabaliw, nakakapagod
Ang unan kong naging saksi sa aking mga luha
Panibagong araw ay darating
ngunit walang panibagong pag-asa para sa akinPero isang araw, nagising ako sa katotohanan
Na ang ikaw at ako ay wala na
Na ang mga puso natin na minsan naging isa ay wala na
Ang pagsasama natin ay naging isang magandang alaalaMasaya ako at ika'y nakilala
Na minsan sa aking buhay ay nabigyan ng isang katulad mo
Na pinaramdam sa akin ang pagmamahal
Ang pagmamahal na hindi ko makakalimutanNgayon, kailangan ko nang magsimula
Na wala ka, walang tayo, ako na lamang
Babagon para sa aking sarili
At isang araw, sa tamang panahon ako'y magmamahal muli."Ibinaba ko ang mikropono at tumingin sa kanya. Ngumiti kahit masakit. Nagpalakpakan ang mga manunod, rinig ko ang mga sigawan nila lalo na ang aking kaklase. Bumaba ako sa intablado at tinaggal ang singsing na ibinigay niya, kasabay nang pagtanggal ko sa mga alala naming dalawa.