Alone 2

135 37 2
                                    


*Kira POV*

Nakaupo lang ako sa back seat ng kotse namin at nakatingin sa labas ng bintana papunta nako sa paaralan. Hindi ko maiwasan na maalala ang nangyari sa Ate Lira ko 4years old palang ako ng mangyari yon at 10 years old naman si Ate.

"Lira bantayan mo muna ang kapatid mong si Kira bibili lang ako sa store nayon ok at kung darating na daddy mo at si Justin mauna na kayo sa park ok"

"Yes mom" sagot naman ni ate at tumawid na si mommy sa kabilang kalsada para bumili sa store

"Ate taan pupunta ti mommy?"tanong ko kay ate bulol pa kasi ako noon dahil 4years old palang ako pero natatandaan ko na ang mga nangyayari.

"She's going to buy something baby so dapat behave kalang kay ate huh?"

"Okey dekey"

"Hahaha. My little sister is so cute" nakangiting sabi sakin ni ate. I love seeing my sister smile its full of happiness

*cring cring cring*

Napatingin ako sa nagtitinda ng ice cream sa kabilang kalsada

"Ate bili tayo ice cream" masaya kong sabi sa kanya

"Huh? Later na baby wala pa sila daddy eh saka tignan mo nasa kabilang kalsada yong nagtitinda" ate said

"No ayoko, I want to buy  ice cream bahala ka shashawid nako bye bye" Nasa gitna nako ng highway ng bigla nalang my pararating na sasakyan papunta sakin tinitigan ko lang yon. Sa oras na yon parang hindi ako makagalaw nakatitig lang ako sa sasakyang papunta sakin..

*peep peep peeeeeeep*

"Kiraaaaaaaaaaaaaaaaa"Tinulak ako ni ate patungo sa kabilang kalsada at siya ang nasagasaan

"Liraaaaaaaaaa anak" iyak ng iyak lang ako sa oras na yon ang tanga tanga ko.

"Iha nandito na tayo" natigil lang ako sa pag-iisip nang nag salita si manong, diko namalayan nandito na pala ako sa school pinunasan ko muna ang mga luha ko sa pisngi bago ako lumabas ng kotse ayokong makita nilang mahina ako kaya nagpapanggap akong malakas ang loob ko.

"Maraming salamat po manong Reto"

"Walang ano man mag iingat ka lagi. Aalis nako"

"Sige po ingat din po kayo" pagpapaalam ko kay manong Reto personal driver namin siya at masasabi ko lang ang bait nila sakin ng asawa niya si manang Ina. Isa sila sa mga taong nagpapahalaga sakin. Kaya napaka thankful ko dahil nakilala ko sila.

"Good morning Kira" I smiled when someone's greet me.

Habang naglalakad ako patungo sa classroom marami akong naririnig na mga bulungan. Well sanay nako sa mga ganyan medjo sikat kasi ako dito sa school because they know na anak ako ng isang Davenport.

"Ang ganda talaga niya no."
"Oo nga at saka ang bait pa"
"Yeah. And matalino pa."  isa iyan sa mga sinasabi ng mga nadadaanan kong studyante.

"Besssssssssssssss"Napatingin ako sa sumigaw boses palang kilala ko na. Tumigil naman ako sa paglalakad.

"hooo. Kapagud tumakbo"

"Haha but ka kasi tumakbo"

Siya nga pala si Mera Park half Korean half Filipina maganda, mayaman ,matalino, sweet at sobrang clingy sakin. Siya lang ang nag iisang bestfriend ko at nakakaintindi sakin kaya Mahal na Mahal ko siya. Ayoko nang maraming kaibigan lalo na kung nakikipagplastikan lang sakin dahil alam ko naman ang habol nang ibang tao sakin pera at kasikatan lang gusto nila. But I know Mera is not like that cause I know her a lot dahil simula bata pa kami magkakilala na talaga kami.

AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon