Alone 3

95 35 3
                                    


*Kira POV*

Nandito lang ako ngayon sa kwarto ko nag babasa ng mga books ito naman kasi palagi yong ginagawa ko eh linggo kasi ngayon kaya nandito lang ako sa kwarto ko.

*Knock knock knock*

napatigil naman ako sa pag babasa ng may kumatok sa labas ng kwarto ko.

"Ma'am kakain na daw po kayo" sigaw ng maid namin sa labas ng kwarto ko.

"Ah. Sige yaya susunod nalang ako"

Iniligpit ko na ang mga libro na binasa ko at lumabas na ng kwarto at pumunta na ng dining Area namin

"Goodevening dad, mom and kuya" nakangiti kong bati sa kanila pero as usual wala paring respond bakit ba hindi pako nasanay kainis.

Umupo nalang ako sa upuan ko at nag simulang kumuha ng pagkain.

Tahimik lang kaming kumakain.

"So kamusta naman ang pag aaral niyo?" Tanong samin ni daddy

"Fine. Graduation napo namin sa Friday at kailangan ko kayo don" napatingin naman ako kay Kuya sabay pala kami ng graduation so ibig sabihin walang pupunta sakin.:-(

"Really son. Don't worry nandon kami ng daddy mo" nakangiting sabi ni mommy kay Kuya. Nalungkot ako sa sinabi ni mommy ibig sabihin nandon silang dalawa ni daddy sa graduation ni kuya, pano naman ako?sino ang magsasabit sakin? Wala pa naman dito si manang.

"How about you Kira?" Tanong sakin ni daddy pero in a cold voice.

"Okay lang din po yong sakin pero maaari po ba kayong pumunta bukas sa school?" Kahit na alam kung hindi sila pupunta don umaasa parin ako

Napatigil naman sila sa pag kain at tumingin sakin

"Akala ko ba maayos lang pag-aaral mo bakit kailangan naming pumunta sa school niyo?" Pagalit na sabi ni daddy

"May ginawa ka nanaman sigurong kabulastugon no!?"

"Ahh hindi po daddy may--"

"I am really disappointed with you Kira" pagpuputol niya sa sasabihin ko sana. Sina mommy't kuya naman tahimik lang na nakikinig samin

"Nagkaka--"

"Hindi kami pupunta sa paaralan mo nakakahiya ka. Kung sana si ate mo ang nandito panigurado hindi niya ipapahiya ang pamilya nato" pagpuputol ulit ni daddy at tumayo na siya sumunod naman sina mommy't kuya kaya naiwan nalang akong mag isa dito. That was hurt mesmong kay daddy na nang galing ang salitang mas nanaisin pa nilang ako nalang ang namatay kisa kay ate. It was hurt.

Napayuko nalang ako kinakahiya talaga nila ako hindi naman dahil sa may nagawa akong kasalanan sa school kaya sila pinatawag.. May meeting kasi bukas ng umaga dahil nalalapit na ang graduation namin at ako ang Valedictorian sa school namin kaya sila pinapatawag. But ganon? Di manlang nila ako binigyan ng pagkakataon na maipaliwanag yung side ko? But lagi nalang akong mali? Ang sakit naman.:(

Tumulo nalang bigla ang mga luha ko bakit ba hindi nila magawa na pakinggan ako puro nalang kahihiyan ang tingin nila sakin.

Habang sumusubo ako nang kanin patak naman ng patak ang mga luha ko. Ang sakit sakit palagi nalang ganito bakit ba hindi pako nasasanay ilang years na nila itong ginagawa sakin pero nasasaktan parin ako kung pano nila ako tratuhin.

Naalala ko nong graduation ko din nong elementary ako hindi nila ako sinupot buti nalang nanjan si manang Ina she's the one who was there for me. Kahit na tapos na yong graduation namin hinintay ko parin sila baka kasi na traffic lang sila. Pinipilit nakong umuwi nina manang pero desidedo talaga akong hintayin sina daddy eh dahil yon ang sabi nila na pupunta sila kahit na alam kung napipilitan lang sila dahil sa kakulitan ko.

AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon