chapter 11

124 17 8
                                    


*Kira POV*

Parang hangin ang panahon napakadaling lumipas ng hindi mo namamalayan. At syempre mas pinapalapit nito ang katapusan ng buhay ko.

Dalawang linggo nadin ang nakakalipas simula nong sinampal ako ni mommy hanggang ngayon hindi ko parin sila nakakausap at nakikita dahil lumalabas lang ako sa kwarto ko kapag wala na sila. Nakatingin lang ako sa salamin.

Masyado nakong nanghihina at namamayat at para na akong isang vampire na hindi na nakakainom ng dugo dahil sa kaputlaan hindi narin kasi ako nagpapa-araw nandito lang ako sa kwarto nagkukulong minsan nalang din ako kumakain dahil nawawalan nako ng gana at hindi ko narin iniinom ang gamot na binigay ni doctor Lei lagi din siyang tumatawag pero hindi ko sinasagot.

Kinuha ko ang cellphone ko saka tinawagan si Mera ilang minuto lang din naman sinagot niya na.

"Hello bessy. Napatawag ka?" Agad niyang bungad sakin.

"Namiss lang kita" nakangiti kong sagot kahit na alam ko namang hindi niya makikita

"Aww. Ang sweet ng besty ko I miss you too. May nangyari ba jan? okay ka lang ba? Teka umiiyak kaba?" pinigilan kong hindi mapahikbi dahil ayokong marinig niyang nasasaktan ako ngayon.

" wala naman miss lang talaga kita at saka tears of joy lang to kasi finally narinig ko nanaman ang boses mo" pagsisinungaling Ko

"Gaga to pwedi naman tayong mag-usap araw araw eh"

"Bess may sasabihin ako sayo" 

"sige ano yon?"

"Lagi kang mag-iingat jan ha mahalin mo yong pamilya mo, be good to them okay. Wag kang magkakasakit, lagi mong isipin na kahit na hindi moko nakikita lagi akong nasa tabi mo. Thank you sa lahat na ginawa mong kabutihan sakin wag mokong kakalimutan ha.Thank you for standing by my side when times get hard for me, thank you for making me laugh when I didn't even want to smile.Thank you for coming to my life you don't know how much I miss you right now. Mahal na mahal kita. Paki sabi nadin kina tita at Tito mag-iingat sila" mahaba kong sabi sa kanya,pinipigilan ko lang na mapahikbi at nagsimula nanamang sumakit ang dibdib ko

"*sobs* mahal na mahal din kita Bessy *sobs* bakit mo ba yan sinasabi feeling ko iiwan muna ako. May nangyari ba jan hah. Are you sick? Sabihin mo lang sakin uuwi agad ako jan." umiiyak niyang sagot.

"Hahaha . Ano kaba okay lang ako I'm just missing you that's why basta mangako ka na magiging masaya ka jan"

"*sobs* pangako. Basta kapag may problema ka. I'm always here for you basta wag mokong iiwan ha. Nangako ka sakin noon na no matter what happened you never leave me"

"Opo. sige papatayin ko na.. Take care to your self"

Hindi ko na siya hinintay na sumagot agad agad ko nang pinatay dahil di ko na mapigilan ang hikbi ko.

" *sobs* I'm sorry hindi ko *sobs* matutupad ang pangako ko I'm sorry"

*ring ring ring*

*Mera calling*

Pinabayaan ko lang na mag ring ang cellphone ko ayokong mahirinig niya na humihikbi ako. Tumayo nako at dumiretso sa Cr gusto kong makasabay ngayon ang pamilya ko gusto kung eenjoy ang araw nato I want to be happy this day because its my birthday thank God dahil pinaabot niya pa ako sa debut ko.

Nang matapos nakong mag-ayos syempre kailangan ko talagang ayusin ang mukha ko dahil ayokong nakikita nila akong mahina.Lumabas nako ng kwarto at dumiretso sa kusina alam ko namang nanjan pa sila daddy dahil 7am palang naman at mukhang wala namang lakad ngayon si kuya.

AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon