Chapter 1

16.5K 173 9
                                    

"Era! Swimming naman tayo! Kanina ka pa dyan nakaupo magtatago na ulit yung araw oh." eksahera talaga tong si Jennifer.

"Onga Era tara na!" Sigaw ni Joseph.

So no choice ako kung hindi sundan sila. Nagtatampisaw sila sa dagat while ako nakaupo lang sa seashore uy naks seashore. Pero nilibot ko yung place gamit mata ko oh naks super power lol. Sobrang ganda lang dito di gaano kadami yung tao pero madaming maganda kanina pa ko nakakita e. Bigla namang may pumukaw ng atensyon ko isang babaeng naglalakad na parang lasing kaya agad naman akong tumayo at sinundan sya pero di ko nilapitan baka kung ano lang ginagawa, pero may mga grupo ng lalaking lumapit sakanya.

"Hi Miss. Baka pwede sisidin kita." guy 1 sabay tawanan silang mag ttropa.

"Ano bah! Vitawan nyo ngah koh." Sabi nung babae talagang may H mga repa lasheng e.

"Di ka pa nga namin hinahawakan e!" sabi nung isang lalaki.

"Ay hindeh pah bah." Natawa naman sya.

"Ngayon palang." Sabi pa ulit nung isa.

"Hoy anoo ba!" Sigaw nya kaya naman umenter na ko baka ano pang mangyare kargo de konsensya ko pa to.

"Hoy wag yang kaibigan ko!" Sigaw ko kaya takbuhan naman sila. Napatingin naman sakin yung babae.

"Uy friend tenkyuh ha!" Sabi nya sabay hawak sa braso ko. "Bango mo ah, wala kung kaibigan na ganyan amoy. Sino ka?" Sabi nya at pinilit na nagmulat ganda ng eyes shit.

"Era, ano bang hotel room mo? Hatid na kita?" Sabi ko at hinawakan sya sa bewang pagewang gewang na kasi sya.

"Ayako pa, inom muna tayoh." Sabi nya at nilagay yung muka nya sa tenga ko omg hormones ko nabubuhay!!

"I don't drink miss." Sabi ko.

"Miss kah dyan Roshelyn nah lang!" Sabi nya.

"Ok, so hindi nga ko nag iinom. Iiwan na kita dito ha." Sabi ko at akmang bibitawan sya pero pinigilan nya ko.

"Wait no, wag mo munah ko iwan. Usap naman tayo niligtas mo ko don sa mga manyakol boys eh." Sabi nya at umupo sa sand tumabi naman ako sakanya.

"Bakit ka ba kasi nag iisa dito? Wala ka bang kaibigan man lang na kasama?" Tanong ko sakanya.

"Maituturing mo pa din bang kaibigan yung kaibigan mong matagal pero pinatulan pa din yung boyfriend mo?" Natuwid ang salita ng ate girl mo.

"Ouch sakit naman nun." Sabi ko tinitignan lang namin yung malalakas na alon ng dagat.

"Sobra." Medyo humina yung boses nya at nakita ko namang umagos ang luha nya.

"O M G. No please don't cry." Sabi ko at medyo nataranda kaya hinarap ko yung muka nya sakin at pinunasan ang luhang pumapatak sa mata nya gamit yung dalawang thumb ko.

"Jusko wala to! Lalaki lang yon." Sabi nya at humarap ulit sa dagat.

"Oo nga." Wala kung masabi mga besh.

"Alam mo bang 3 days pa ko dito, bukas pag di na ko lasing kita tayo." Sabi nya.

"Sure." Sabi ko.

"Teka pala eh ikaw wala ka bang kasama?" Tanong nya.

"Meron pero alam mo yun para silang couple na ayaw umamin na gusto nila yung isa't isa." Natatawa kung sabi kay Jennifer at Joseph.

"So third wheel ka pala." Napatawa sya ng bahagya.

"Yes, eh ikaw asan mga kasama mo?" Tanong ko.

Beautiful Trauma (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon