Chapter 12

3.4K 75 4
                                    

"Era bilisan mo naman sa pag impake baka mainip na sila Dad." Sabi ni Rori sakin dahil ngayon na yung outing nila well friday naman kaya ok lang saturday ng gabi uuwi din daw kami.

"Ito na kumalma ka lang kasi." Sabi ko at pinasok na yung charger sa bag ko.

"Oh sapatos mo." Sabi ni Rori at inabot sakin ang maroon ko na vans.

"Ayako nyan di bagay." Sabi ko.

"Reklamo ka pa! Sige na yan na para makaalis na." Sabi nya medyo inis na sya kaya sinuot ko na lang agad, pagkatapos kung ayusin yung sarili ko ay kinuha ko na yung earphone at phone ko.

"Tara na." Sabi ko pagkakuha ko sa bag ko agad ko syang hinawakan sa kamay at sabay kaming lumabas ng bahay wala nang paalam paalam wala din namang pake sakin haha.

"Wala ba don si Tita?" Tanong ni Rori nung naglalakad na kami papunta sakanila.

"Ewan di ko nakita e." Sabi ko.

"Di ka man lang nag paalam."

"Nag paalam ako kagabe."

"Sus pano kung tawagan ko ngayon?" Sabi nya at tinaasan ako ng kilay.

"Wala kang number nun!" Sabi ko.

"Meron!" Sabi nya at pinakita sakin may mga text na sila ni Mama.

"What the?! How?" Tanong ko sakanya.

"Secret." Sabi nya at pumasok na sa loob ng bahay nila sumunod naman ako nasa living room naman sila Tita at Tito.

"Maganda hapon po Tito, magandang hapon po Tita." Sabi ko at nagmano sakanilang dalawa.

"Magandang hapon din." Bati nila sakin.

"So ano tara na?" Tanong ni Tito.

"I'm ready na." Sabi ni Tita.

"Tara po." Sabi ni Rori at nauna na kaming lumabas at sumakay sa sasakyan dahil may kinuha pa si Tito.

"Galit ka?" Tanong ko kay Rori dahil tahimik sya.

"Nope, medyo inaantok lang ako." Sabi nya at umupo na nang ayos.

"Tulog ka muna." Sabi ko at hinawakan ko sya sa ulo at inalalayan ilagay sa shoulder ko.

"Antukin talaga ng batang yan." Sabi ni Tita.

"Ano bang bago dyan sa anak natin?" Sabi ni Tito.

"Buti nga po sa school hindi eh." Sabi ko.

"Mabuti naman." Natatawang sabi ni Tita.

"Manong let's go." Sabi ni Tito at tinapik sa braso yung driver tumango naman yung driver at nagsimula na mag maneho.

Tahimik yung byahe si Tito at Tita nakatulog na din ata ito namang si Rori tulog pa din kaya niyakap ko sya. Nakatingin lang ako sa daanan habang nakikinig ng music galing sa earphones ko, tinignan ko yung mahimbing na natutulog sa mga braso ko ito yung babaeng gusto ko, gusto ko makasama, gusto ko mahalin, gusto ko ipagmalaki. Basta gusto ko sya. Sobrang ganda nya talaga hindi ako mauumay tignan ang muka nya. 

"Matunaw ako." Nagsalita sya medyo gulat naman si ako ng bahagya.

"Tulog tulugan eh!" Sabi ko sakanya.

"Di no nagising lang ako." Sabi nya at yumakap sakin ng mahigpit yung muka namin sobrang lapit.

"Sabi mo eh." Sabi ko sya naman ay pinatong yung ulo nya sa dibdib ko.

"Era?" Tawag nya sakin.

"Hmm?"

"Thank you." Sabi nya di ko alam kung para san.

Beautiful Trauma (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon