Nauna akong magising kay Rori kaya agad naman akong nag toothbrush at nag hilamos pagbalik ko ng kama ay nag uunat na sya.
"Good morning." Bati ko sakanya.
"Good morning anong oras na?" Sabi nya habang nag uunat.
"8 na, bakit?"
"Wala naman medyo sumakit likod ko eh." Sabi nya kaya lumapit naman ako sa kanya at pumwesto sa likod nya agad ko naman syang minasahe sa likod.
*knock knock*
"Era kakain na, baba na lang kayo ha." Sigaw ni Monique.
"Hilamos lang ako." Sabi ni Rori at tumayo na dumiretso sa c.r ako naman kinuha ko na yung jacket at camera ko.
"Tara." Sabi nya pagkalabas nya ng c.r kaya lumabas na kami at bumaba.
"Kamusta tulog besh?" Tanong ni Jen.
"Ok lang." Sabi ko at pinaupo si Rori sa tabi ko.
"Era oh bacon gusto mo?" Sabi ni Rori at lagay ng bacon sa plato ko. "Pancake?" Tanong nya at tumango naman ako.
"Wow naman." Sabi ni Monique. "Lakas maka couple ha naiinggit ako. Paulo tayo nga din." Sabi ni Monique at lumingkis kay Paulo.
"Ano ba girl nakakasuka ka!" Sabi ni Paulo.
"Wow ha, ikaw pa may ayaw sakin." Sabi ni Monique.
"Girl di tayo talo." Sabi ni Paulo.
"Nako Paulo if I know nagagandahan ka sakin." Sabi ni Monique.
"Hanggang don lang yon." Sabi ni Paulo at kumain na.
"Tigilan nyo na nga yan kumain na kayo." Sabi ni Joseph.
"K." Sabi ni Monique at kumain na.
After naming kumain naka toka ako sa pag walis si Rori naman at Monique sa paghuhugas ng plato.
"Era di mo ba talaga type si Roselyn ang ganda kaya nya." Sabi ni Dan sakin habang nag yoyosi kami sa may terrace.
"Hindi ko pa masabi ngayon eh, pero malay mo hindi man ngayon pero soon. Kasi di mo ko masisisi kasi ang ganda tsaka ang bait nya." Sabi ko.
"Sinabi mo pa pre, ingatan mo yan ginto yan kaya hangga't maaga iwan mo na si Nicki." Sabi ni Joseph.
"Wala namang meron samin ni Nicki kaya wala kung dapat linawin sakanya." Paliwanag ko sakanya.
"Sayo wala sakanya meron." Sabi ni Jen.
"No way?! So anong gagawin ko?" Tanong ko.
"Landian lang naman diba so baling mo na sa iba atensyon mo." Sabi ni Matt.
"Bakit pa, masaya pa ko sa set up namin e masaya pa kung naglalandian kami." Sabi ko.
"Wag kang mag stay sa landian lang." Sabi ni Paulo.
"Ayoko kasi ng commitment alam nyo yan." Sabi ko sakanila.
"Well edi stop flirting." Sabi ni Jen.
"I can't masaya pa ko." Sabi ko.
"Hindi pwedeng isa lang yung masaya." Sabi ni Joseph.
"Hays i'll try na pag uwi natin malinaw na sakanya." Sabi ko.
"Dapat lang." Sabi ni Rori.
"Bilis nyo naman matapos." Sabi ni Dan.
"Aba syempre tinapon na lang namin para di na huhugasan." Natatawang sabi ni Monique.
BINABASA MO ANG
Beautiful Trauma (gxg)
De TodoBasa na lang para malufet mga peeps. luv lots mga peeps xoxo