Arghh! Ang sakit ng ulo ko, hindi talaga maganda tong pag iinom na ginagawa namin e. Pagmulat ko ay nandito ako nakahiga sa sala. Nag unat unat ako at nag nasa wisyo na ko umakyat ako ng kwarto ko. Mukang di nanaman ako makakapasok sa sakit ng ulo ko."Oh anak gising ka na, magbihis ka na." Sabi ni Mama.
"Ma di ako papasok." Sabi ko at papasok sana ng kwarto.
"Stop Era pumasok ka lagot ka sa Daddy mo!"
"Ma, please sakit ng ulo ko."
Bigla namang nag ring yung phone ko sumenyas ako kay mama na mamaya nya ko pagalitan.
"Asan ka na Era?" Sabi sakin ni Joseph ng pagsagot ko.
"Myghad Joseph ang sakit ng ulo ko, sunduin mo naman ako." Sabi ko sakanya agad ko naman syang binabaan at inayos na ang sarili ko.
After 30 mins na pag aayos ay natapos din ako.
"Di ka na ba kakain?" Tanong ni Mama.
"Hindi na ma. Alis na ko bye." Sabi ko at lumabas na dahil naghihintay si Joseph.
"Sorry." Sabi ko pagka sakay ko sa sasakyan nya.
"Ayos lang." Sabi nya at agad namang nagmaneho.
"Kamusta pala kagabe wala nanaman akong maalala." Tanong ko sakanya.
"Well syempre madami, malakasan pala sa inuman si Roselyn." Sabi nya.
"Ay ganun sino naghatid don?" Tanong ko.
"Si Matt ata?"
"What?!" Nagulat ako baka kung ano nang ginawa ni Matt don sandamukal na manyakis pa naman yung lalaki yon.
"Joke! Sya nga naghatid sayo e. Sya nag drive ng motor mo kasi di mo na kaya kagabe, eh sabi nya malapit lang daw bahay mo sakanila kaya sya na yung nag insist na maghatid sayo."
"Akala ko naman si Matt talaga eh." Sabi ko at bumaba na ng kotse nasa school na kasi kami e.
"Dalian mo na, baka malate na tayo ng sobra." Sabi nya at nagmamadali na kaming maglakad sa classroom. Pag dating namin ng classroom wala pa namang teacher pero nagtaka ako bat si Nicki na yung nasa upuan ni Mikee na katabi ko.
"Goodmorning." Sabi ni Nicki pagkaupo ko.
"Goodmorning den." Sabi ko at kunyaring kinalikot na lang yung phone, kumpleto na kami tinignan ko si Roselyn at nginitian nya ko.
"Nag breakfast ka ba?" Tanong ni Nicki sakin.
"Hindi e, late na ko nagising. Ikaw?" Sabi ko.
"Hmm hindi din sakto napa drive thru ako kanina ng mcdo oh share tayo." Sabi nya at nilabas yung paper bag ng mcdo.
"Bawal kumain dito eh." Sabi ko.
"Tara sa cafeteria?" Yaya nya sakin.
"Hmm mamaya na lang siguro baka dumating yung Prof natin e." Sabi ko sakanya tumango naman sya. Pansin kung ang tahimik tas yung mga kasama kagabi puro tulog sa dulo.
"Roselyn!" Tawag ko kay Roselyn naka earphone kasi sya e.
"Yoo." Sabi nya sabay alis ng earphone sa tengga nya.
"Thank you pala ha." Sabi ko sakanya at ngumiti.
"Wala yon!" Sabi nya at tumango.
Sakto namang dating ng Prof namin.
-----
Lunch Break na at agad naman akong niyaya ni Nicki sa cafeteria at sumunod ka naman ako, ililibre ko sana si Roselyn eh kaso kasama nya sila Mikee at Monique.
BINABASA MO ANG
Beautiful Trauma (gxg)
RandomBasa na lang para malufet mga peeps. luv lots mga peeps xoxo