CHAPTER EIGHT: REUNITED

5 0 0
                                    

CHAPTER EIGHT: REUNITED 

"TEKA LANG GRABE ka naman, nagsabi na ba ako ng go?" sita niya kay Gino na siyang magooperate ng spraying machine para maging tan na siya ultimately. Hindi pa kasi siya nakakapikit nang biglang nagsimula na ang machine, magmumukha na siyang tuod kung pati ang mata niya ay kayumangi na. 

Ayaw kasi ni Gino na may ibang makakaalam sa mga plano nila kaya ito na raw ang gagawa ng pagtatan niya. Nagulat nalang siya ng may biglang nagdeliver ng malaking machine rito sa loob ng penthouse nito. Wala siyang pake kung ito ang gagawa, ang tanong lang ay may kaalaman ba ito? 

"You're so noisy!" 

"Noisy ka diyan! Make sure na okay 'to ah!" 

"Fine Ynaasam ko." Nakangiting sagot nito kaya napairap siya. Kanina pa siya nitong inaasar sa pagtawag sa kanya ng 'Ynaasam ko' nang lumabas siya sa kwarto na tanging suot lang ay underwears. Sino ba namang magpapatan na nakapantalon at jacket diba? She also suggested na siya nalang ang gagawa in the old process of tanning, pero sabi nito ay magtatan machine nalang raw kasi matagal raw itong mawala. Kahit na maligo siya ng isang libong litro ng tubig ay hindi ito mafifade. 

"Let's start Ynaasam ko para madali tayong matapos." Hindi na siya nagsungit pa at pumikit nalang. Narinig niyang pagsimula ng tunog ng sprayer hanggang nararamdaman niya na ito sa balat niya. Mga tatlong minuto lang ay natapos rin at pagdilat niya ay-- 

"Jesus!" Nagulat siya nakita niya agad ang sarili dahil iniharap ni Gino ang salamin sa kanya. 

"The bestway to scared yourself is looking at the mirror." 

"I'm not scared for your pathetic information, nagandahan lang ako. G?" Ginaya lang ni Gino ang pagsalita niya ng G bago umalis sa harap niya at inilagay sa mesa ang salamin. Tiningnan niya ang braso, hita at buong katawan niya. 

I'm a morena girl. 

 "Ano di ka pa bababa diyan? Gusto mo ng mas maitim pa?" May pinindot ito kaya mabilis na kaalis sa gitna ng machine at lumapit kay Gino sabay bangga ng balikat nito at patay ng makina. 

"Hoy, mag-aayos ka ha!" sita na naman niya rito habang lokong nakangiti lang sa kanya. Naasiwa siya bigla nang tiningnan siya nito mula paa hanggang sa mukha niya at kinagat pa ang ibabang labi nito. 

"Maniac ka talaga!" 

"I'm not a maniac, I just adore an aesthetic." 

"But too much adoring is a sht." Tumalikod siya rito sabay taas ng kamao niya na tila binabantaan si Gino sa kung ano'ng plano nito sa kanya. 

"OKAY WE'RE HERE." Napatingin siya sa harap ng isang mansyon kung saan ang magiging first exposure niya bilang Yna Macaspac. Lalabas na sana siya nang hinila siya ni Gino kaya nakataas na kilay ang iniharap niya rito. "Ilagay mo sa utak mo, you'll be acting like Maria Clara." 

"Oo naman, aking iniibig na Crisostomo Ibarra." 

"Dapat ganyan nga aking iniibig na Maria Clara," nakangiting wika ni Gino habang titig na titig sa kanya. Sa loob ng ilang buwan at araw na nakasama niya ito ay ngayon lang siya napatitig sa mga mata nito. Bigla nalang sumikdo ang dibdib niya kaya napahawak siya ritona tila may anong mabigat na nasa loob. Nasilayan niya ang paglalim ng dimples ni Gino at pagguhit ng matamis ng ngiti nang dahang-dahan lumalapit ang mukha nito sa kanya. Naloloka na yata siya dahil tila sumasabay ang panginginig ng kamay niya at pagtambol ng puso niya. 

"Yna." 

"Dalagang Filipina ako Crisostomo." Tinampal niya ang noo nito sa hiya dahil sa mga naiisip niya at mabilis na lumabas ng sasakyan. Isang mura lang naman ang nadinig niya galing kay Gino sa ginawa niya. Tumayo siya ng matuwid at hinawakan ang pouch na tila ba isa nga siyang mahinhin na babae. Lumapit sa kanya si Gino at gaya nang unang araw na dinala siya sa penthouse nito ay hinawakan nito ang baywang niya. 

PERFECT HATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon