CHAPTER SEVEN: GUESS WHO?
"SUOTIN MO 'TO!" Hindi lang naman binigay sa kanya ni Gino ang mga paperbag kundi patapon itong inilagay sa backseat. Itinaas niya ang kanang kamay na tila susuntukin niya ito nang biglang humarap ito sa kanya. Kaya umarte siya na tila nagjajumpshot at nginitian ito.
"Nakakamiss lang kasi pinapanood ko kasi ang mga laro ng Boston."
"Magbihis ka na." Prente itong nakaupo kaya napanganga siya. Paano siya magbibihis kung nandito pa ito? Kaya hindi siya gumalaw. Kanina pa siya naghihintay sa parking lot ng mall dahil may bibilhin raw ito. Pinagbawalan pa siya na lumabas baka may makakita sa kanya.
"Are you numb, magbihis ka na para makapasok na tayo sa pent house."
"Akala ko ba sa condo mo? Bakit sa penthouse na?"
"Kung sa condo unit ko for sure iinspeksyunin ka, pero pag sa penthouse ka they won't. I own the whole building."
"Yabang. Bakit magbibihis pa ako, hindi naman pala ako iinspeksyunin?"
"They won't but they can buzz up that you're with me."
"Ay, sorry gold pala ang pangalan mo." Pahablot niyang kinuha ang paperbags at nakapaloob ang isang malaking jacket, tattered shorts, bucket hat at sunglass.
Wow lang parang si Lee Sung Kyung nang magdate sila ni Nam Joo Hyuk.
"It's not like I'm protecting my name. Ayoko lang na mahusgahan ka na naman nila after disappearing for almost two months." Napahinto siya sa pagbukas ng butones ng maid uniform niya dahil sa sinabi nito. Napakagat siya ibabang bahagi ng labi niya dahil parang gusto niyangngumiti ng napakalaki. "Ako lang ang dapat na manghusga sa iyo. Remember, I saved you."
"Langya ka talaga." Lumabas na ito sa sasakyan kaya hindi niya mapigilang ngumiti at hinampas ang glovebox gamit ang paperbag. Napahinto nalang siya nang makarinig siya na tila may nabasag. "Shocks, yung sunglass."
Tapos na siyang magbihis kaya tatawagin na sana niya si Gino nang makita niyang may lumapit rito na babae. May naisip siyang ideya kaya sinuot niya ang bucket hat at ang medyo may crack ng sunglasses.
"Babe, let's go?" tanong niya kay Gino na nagulat dahil sa paglapit niya at pagkabit ng kamay niya sa braso nito. Nang tiningnan niya ang babae ay tila nawalan siya ng lakas mabuti nalang at nakahawak siya kay Gino.
Fck Chrrynn. Sana hindi matandaan ng babae ang boses niya.
Agatha Hontiveros, a well-known TV host in the Philippines. Minsan na siyang nainterview nito pero binabaliktad niya ang sagot sa lahat ng tanong nito at minsan pa'y binabalik niya ang taong rito.
"Did she called you babe? She's your girlfriend?" tanong nito.
"Ah. Yeah," sagot ni Gino. Inilapit nito ang bibig nito sa tenga niya. "I can take care of her kung hindi ka lumabas."
"I didn't know it's her," she whispered back but still smiling in the woman. "Hi." "Hello. What's your name?"
"You're making a conversation on her right now," he whispers.
"What? My name? Well--" Ngumiti siya kay Edward at inilibot ang ngiti na 'yon hanggang sa harap ni Gino. Tinaasan niya ng kilay ito upang sabayan siya sa sasabihin niya. "I'm Yna, Yna Macaspac."
"Oh really? It's quiet a rare one that your name is Yna and your surname is Macaspac." Tiningnan siya nito galing sa paa hanggang sa mukha niya. Naalala tuloy niya na may peklat pala siya sa hita. Kinurot niya si Gino sa braso at gusto niyang matawa nang umubo lang ito.
BINABASA MO ANG
PERFECT HATE
General FictionHow can you love a girl who killed your sister? Would you still let yourself dive right unto her? Just one night nagbago na ang buhay at pananaw ng mga tao kay Chrrynn Versoza, a well-known international model. Sino nga bang hindi, if she sleep toge...