Hailey Harper Thompson
"Hailey! Gising na. Ilang araw ka ng nakakulong diyan sa kwarto mo... Pakiusap naman Hija. Lumabas kana at pagagalitan na talaga ako ng Mommy mo..." Nagising ako sa pambubulabog ni Nanay Elsa.
Ang ingay nya talaga kahit kelan, pero mahal na mahal ko 'yan. She's like my second Mom ever since my Mom worked overseas.
"Opo Manang tatayo na po..." Nasabi ko nalang.
Pero ang totoo ay ayaw kong kumilos.
Para bang ang sama sama ng pakiramdam ko.
Para bang tuwing gumagalaw ako ang sakit sakit. Buong katawan ko nararamdaman 'yung sakit nang puso ko.
Ganito pala ang pakiramdam ng broken hearted.
'Yung pakiramdam na parang ibinagsak sayo ang lahat ng planeta.
'Yung bang feeling mo ikaw na 'yung pinaka malas, masama, mataba at pinakapangit na tao sa mundo. Dahil 'yung isang taong pinakamamahal mo. Na binigyan mo ng sobra sobrang pagmamahal ay hindi kana gusto?
Na iniwan kana.
Na ayaw na sayo.
Na hindi na muling babalik pa.
Sabi nila "Ang dami daming lalaki dyan! cheer up! Bata ka pa marami pang darating sa buhay mo."
'Yun na nga e! Ang dami dami nga nila pero ang isang taong ginusto mong makasama habang buhay, ayaw ka.
'Yung minsan ka nalang magmahal, nawala pa.
'Yung feeling na, kahit na comedy 'yung pinapanuod mo umiiyak ka.
'Yung feeling mo, okay kana tapos narinig mo lang 'yung pusong bato naalala mo na naman siya.
'Yung feeling na, sinabi mo sa sarili mo na kaya mong wala siya, pero araw araw mo namang tinitignan ang facebook niya.
'Yung naiisip mo palang na may mahal na siyang iba, feeling mo tinuturukan ka na ng lethal injection.
At ang pinaka masakit sa lahat,
'Yung naiisip mo 'yung mga bagay na ginagawa niya sayo dati, sa iba na niya ginagawa.
'Yung dati sobrang sweet nyo, ngayon back to strangers.
Strangers with some memories.
Ang sakit sakit lang.
Gusto ko ng mamatay.
"Sige na Hija. Halika na't mahuhuli kana sa klase mo tanghali na. Alalahanin mo at lunes na ngayon. Ilang araw ka ng liban sa klase. Ano bang nangyayari sayong bata ka?" Putol ni manang sa pagdadrama ko.
Manang... I sighed.
Sinulyapan ko ang aking alarm clock. Alas sais palang naman ng umaga. Saktong oras lang ng gising ko. Itong si Manang talaga. Palagi niya nalang akong ginigising na daig pa ang orasan ko. She even have a snooze button, dahil kapag hindi pa ako bumabangon ay kakatukin niya ulit ang kwarto ko.
Is that a sign of aging? But she aged already.
Wala sa sariling napangiti nalang ako sa isiping may isang tao paring nagtatiyaga sa'kin at mahal na mahal ako.
Napukol ang tingin ko ng tumunog na ang aking alarm. Right, ngayon palang ako dapat bumangon!
It's Monday. Simula na naman ng hell week ko kahit na hindi pa naman exam. I don't know how it all started. When did I feel this excruciating pain inside me, the pain that never goes away. It's endless...
BINABASA MO ANG
The Unforgettable Ex (Campbell University Series 1)
RomanceThe saddest thing in the world, is loving someone who used to love you. Yes, I still love him, still thinking about him. His face, his laugh, his love. Pero yung thought na ayaw na niya sa'yo? It feels like your heart is getting ripped out and sto...