CHAPTER 2

210K 3.9K 135
                                    

Still fighting

Alas dose na pero hindi parin ako makatulog.

Bukas magsisilipat na lahat ng nadagdag sa section namin at patay!

Kung anong iwas mo nga naman sa taong ayaw mong makita doon pa lalong nangungulit ang mapaglarong tadhana.

Kahit na anong gawin kong pwesto sa aking kama ay hindi parin ako makatulog.

Paano kaya kung hindi nalang ako pumasok bukas? Sabihin kong lalagnatin ako for one week?

O kaya namatay yung pusa ko and I'm grieving, I'm in pain, though I hate cats at wala ako 'non.

O kaya walang magbabantay sa bahay namin baka mawala?

O kaya lbm?

O kaya...

Uhg! Ano bang gagawin ko? nakakainis naman kasi e! Dapat hindi ko ginalingan para ako nalang ang nalipat ng ibang section.

Kahit section one hundred pa huwag ko lang makasama at makita yung taong 'yun!

Alam ko na. Sasabihin ko nalang na uuwi si Mommy bukas kaya hindi ako makakapasok. Tama! Ang galing ko talaga!

Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko kaya naputol ang oplan hindi papasok bukas na pag-iisip ko.

Kaitlyn:

"Bes pumasok ka bukas ha! Kung hindi, ako mismo ang papatay sayo wag ka nang mag-isip ng dahilan para hindi ka makapasok bukas okay?!"

Wow, may pagka madam Auring yata 'tong babaeng 'to! Grabe. Para talaga kaming magkapatid. Lahat ng naiisip ko ay ganun din ang nasa isip niya.

Para kaming may open bluetooth na nag tatransfer ng transparent files na kaming dalawa lang nakaka-alam.

And I'm so lucky to have someone like her.

Ako:

"Actually, lalagnatin ako for one week!"

Kaitlyn:

"Eh kung tuluyan na kaya kita Hailey Harper Thompson?!"

Ako:

"Okay fine! Meet me sa gate! 7am sharp. Sa GATE! Okay?!"-

Ako:

"Fine goodnight! Iloveyou!"

Kaitlyn:

"Iloveyou too Kaitlyn Railey Harris!"-

Ganito kami ka sweet sa isat-isa. Kulang na nga lang ay magpakasal na kaming dalawa eh. Mahal na mahal ko ang taong 'yun.

Kahit na minsan may pagka mahina ang loob, at minsan ay hobby niyang i-down ang sarili niya.

She's been here since elementary palang kami at talaga namang siya ang one great friend ko.

Our parents are good friends too that's why super close our family is super close to each other.

She has a brother, Si kuya Kramer Rein.

And I've got none.

My life is pretty plain and simple. I'm an only child, I grew up alone but thanks to Kaitlyn and her family.

Yung Mom ko kasi since grade four palang ako ay nasa abroad na. Non-stop work sa business niyang isang clothing line sa UK.

Noon ay sobrang malapit kami sa isa't-isa pero ng mag desisyon siyang ipagpatuloy 'yon sa ibang bansa, medyo naging busy na siya. Hindi na kami ganoon kadalas nag-uusap kaya tanging si Nanay Elsa at Tatay Duke nalang ang kasama ko.

The Unforgettable Ex (Campbell University Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon