Janina POV
"Hoy Janina gumising kana diyan!!" tawag ni auntie.
"Andiyan na po" sagot ko pabalik sa kanya.
Ano banamang yan si Auntie palaging bad timing malapit ko ng makuha ang first kiss ko kay Jack Dawson tapos nagulat nlng ako ng tinatawag neto ang pangalan ko hanggang sa boses ni Auntie ang naging boses ni Jack myloves at hanggang sa napalitan na nga ng mukha ni Auntie ang beautiful face ni Jack hayyy.
Bumangon na ako sa kama kong kawayan at inayos ko na ang sarili ko para pagsilbihan ang mga bruha ng mala diyosa kong buhay.
Pagtingin ko sa salamin agad akong napangiwi dahil parang sabog ang mukha ko, ang birds nest kong buhok ang mata kong namumugto kakaiyak kagabi dahil sa panonood ng Titanic na pinaheram lang sa akin ni beshy wap na parang naka save sa laptop niya. Ang mga tigyawat na parang ang motto eh go forth and multiply haysss.
Agad agad kong hinubad ang mga damit ko at naligo na. Maya maya eh natapos na ako sa pagaayos, sinuot ko na ang glasses ko at dali dali ng bumaba papunta sa mga wicked witches in the house.
Pagbaba ko as expected puro utos dito utos doon ang ginawa nila saken habang sila'y manicure dito paayos ng buhok doon. Cellphone dito, cellphone doon.
Habang ako nama'y linis dito linis doon, luto dito laba doon, hayss hanggang sa matapos ko na ang mga gawain ko
"Janina kunin mo nga ang mga nireserve kong uniform para sa mga pinsan mo, bumili ka na rin ng mga school supplies" sabi niya at ibinigay na ang pera pambili at chinupe na ako sa bahay.
Habang naglalakad ako bitbit ang mga uniporme ng mga bruha kong pinsan dumiretso na agad ako sa NBS para bilhin ang mga school supplies nila nagdala rin ako ng extrang pera para sa pambili ko rin ng sarili kong supplies. Alangan namang hihingi ako kay Auntie eh kahit kape nga na iinomin ko halos ipagdamot niya saken kahit yung sa stick nlng hindi nga niya maibigay, school supplies pa pero okay lang tiis tiisin ko nalang muna hanggang sa bumalik si itay at kunin na ako sa imyernong yun.
Matapos kong kunin lahat ng mga supplies nila pati narin ng mga supplies ko magbabayad na sana ako ng may nakita akong libro na matagal ko ng hinahanap kaya dali dali ko muna itong nilapitan
*0*
Kukunin ko sana iyon ng may biglang kumuha rin neto so in the end ang kamay ko at ang kamay niya ay nakahawak sa libro
Nagulat ako ng makita ang isang gwapong lalake na naka glasses, pero mas lalo lamang nadagdagan ang kagwapuhan niya dahil sa glasses niya. Brown eyes, clean cut hair, ang tangos nitong ilong, kissable lips, moreno
" Miss kukunin mo ba?" hindi ko namalayan na napatulala na pala ako sa kanya
"Umm... no tinitingnan ko lang"
"So you like Rick Riordan books?"
"Yes gusto ko kasi ng Greek Mythology"
"Woah same here" yieee same kami ng favorite ka meant to be ko na ba toh. Hayaan niyo na libre namang mangarap eh😂😂
" So who are your favorite Greek Gods or Goddesses?"
"Well Eros and Psyche, Thanatos, Hades and Persephone"
" Ohhh you left Thanatos hanging alone with the two couples" sabi niya habang natatawa nakitawa narin ako
" Btw I'm Cloud Jaze" sabi niya at inilahad nito ang kamay niya na tinanggap ko naman
"Janina Therese"
"So are you going to buy this book ibibigay ko nalang muna toh sayo" sabi niya at iaabot sana ang libro
"No I won't buy that book tiningnan ko lang wala pa akong pera pambili niyan eh"
"Well then I can buy this and you can borrow it" sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko
"For real?"
"Sure para kasing gustong gusto mo eh"
"Thank you so much"
"No problem halika na cash out na tayo" ohhh diba may kami😂😑. Don't mind me gumagana nanaman ang mga imahinasyon ko😑
Pagkatapos naming mag cash out tinulungan ako ni ulap na dalhin ang mga school supplies
"Uuwi kana?" tanong ni ulap
"Oo eh baka mapagalitan pa ako samin pag natagalan ako"
"Ahh ganun ba hatid nalang Kita sainyo" paanyaya niya
"Naku wag na kaya ko naman eh" kahit naman crush ko toh pakipot muna tayo😂
"I insist may sasakyan naman ako eh kaya hindi ako mahihirapan"
"Okay sabi mo eh"
Pinauna niya muna akong pumasok sa BMW niya oh diba bigatin si kuya at pumasok narin siya sa driver seat at sinimulan ng mag drive
Tinuro ko naman sa kanya ang direksyon pero pinatigil ko siya sa may eskinita
"Dito nalang ulap"
"Hatid nakita sa bahay niyo at ulap hmm??" sabi niya habang natatawa
"Mahirap ng magmaneho papasok samen at sorry for calling you ulap"
"No its fine well then ingat ka Janina"
"Ikaw rin ulap byee"
"I hope to see you again uhh can I have your cellphone number" sabi niya na parang nahihiya. awwww ang cute ni crushie
"sure" inabot niya saken ang phone niyang iPhone X. Weww halatang mayaman ah pagdating sa kotse sa damit sa cellphone at sa tindig nito halata eh
"I'll text you as soon as possible by the way here" sabi niya at iniabot ang libro
"Thanks bye ulap" sabi ko kumaway naman siya pabalik at umalis na
Pumasok na ako sa bahay at nagsimula ng i unpack ang mga pinamili kong school supplies
"Sino yung lalakeng kasama mo ha?!" bulagta saken ni Katrina isa sa mga pinsan ko
"Saang bar mo siya nasungkit malandi ka!!" sabi ni Katty kapatid ni Katrina
"May oras pa ba akong pumunta sa bar sa dami ng gawain ko dito siguro pag kayo maniniwala pa ako" sabi ko sakanila at umalis na duon
Aba napagkamalan pa akong malandi eh ni hindi na nga ako lumalabas ng bahay eh
Kumuha ako ng magazine na kinuha ko sa sala sa baba at nagulat ako ng makita si Cloud na nag momodel sa isang sikat na brand ng clothing line
Tulo laway ang pandesal niya mga bes. Ang galing niyang mag model grabe. Ang gwapo niya pag walang salamin pero bakit iba ang mga mata nito kulay abo. Siguro naka contacts toh basta ang gwapo ni Cloud
*0*
Modelling for the Grandeur Internationals clothing line Marco Skye Devon
Wait Marco Skye diba dapat Cloud Jaze what??
***
A/n: yoww guys hope you like this story so far
Plss.. Vote and comment that would be greatly much appreciated 😘😘
Lav ya readers😍😘-ColorGrayish
YOU ARE READING
How To Date A Bully
Teen FictionSi Janina Therese Potranes isang babaeng mahirap, hindi naman kagandahan pero kapag naayusan diyan lumalabas ang tunay niyang ganda, Glasses is Life para sa kanya, at higit sa lahat ito ay ubod ng tapang. Si Marco Skye Devon Ang ultimate bully ng...