Janina's POV
Few weeks later
Nandito ako ngayon sa labas ng gate namin hinihintay si Cloud. Sabi niya kase na susunduin niya ako dahil magpapa enroll rin siya
"Oh ba't nandito ka sa labas?" Sabi saakin ni auntie
"Pupunta na po ako sa school na papasukan ko"
"Sa Kishola High?"
"Umm... Hindi po"
"Duon ka diba mag aaral, nagsisinungaling kana ba saking bata ka ha!!! " sabi ni Auntie habang marahas na hinawakan ang braso ko
"H-hindi po Auntie" habang pilit na inaalis ang braso ko sa pagkakahawak niya.
Gosh ang sakit sigurado akong mamamaga ito mamaya
"Good" at binitawan na ang braso ko
"Siguraduhin mong uuwi ka kaagad sasamahan mo pa sila Kat at Katrina sa Devon University"
"Umm... Auntie duon rin po kasi ako mag aaral"
Ng dahil sa sinabi ko napatawa si Auntie with sabay luha at pahawak sa tyan effect pa yan ah na parang may sinabi akong nakakatawang joke
"Ang galing mo talagang magbirong bata ka"
"Totoo po Auntie"
"Saan kana man kukuha ng perang panggastos mo sa elite school na yon"
"Mag aaply po ako ng scholarship"
"Matagal ko ng gustong sabihin sayo toh, your not very pretty and your not very bright, im so glad we have that talk" sabi niya at nag walk out
Susss gaya gaya tong si auntie sa isang movie (comment if you know the movie preference 😂😂) well ang buhay ko naman parang cinderella yun ngalang pangit version
Maya maya lamang ay dumating na si Cloud dala ang kanyang Lamborghini. Therefore i conclude mayaman nga ang lalaking toh paiba iba ng sasakyan eh mamahalin pa
"Kanina kapa ba diyan?"
"Hindi naman"
Pinapasok niya muna ako sa kotse niya as always tsaka siya naman ang pumasok at pinaharurot na ito papuntang Devon University
"Ready kana ba sa entrance exam mo? " tanong niya ng makababa na kami sa malaking parking lot ng Devon U
Ng papasok kami halos malula ako sa laki ng gate ng paaralang ito. Nakaukit sa taas ang pangalan ng school at ang logo nito na parang shiled at nasa gitna nung shield yung initials ng school
"Oo naman super pinaghandaan ko toh"
"Alam kong kayang kaya mo yan"
Grabe noh nakapagtataka ang feeling close ko masyado pero parang wala naman yun sakanya kaya gora nalang 😂😂
Mas lalo akong namangha sa paligid ng school na toh malawak siya as in tapos imbes na yung normal school ang itsura neto nagmumukha siyang palasyo pero in a modernize way. Akala ko nga kaharian toh o isang mansyon imbes na paaralan
Dinala ako ni Cloud sa second floor at pinapasok niya ako sa isang kwarto na malawak at sa loob ng kwartong yun may isa pang pintuan na may nakasulat na examination area. And idadagdag ko lang na maginaw dito kasi naka aircon oh dba sosyal sa Kishola High nagtitiis kami sa init at electric fan or ceiling fan lang ang naging pamilyar sakin eh dito halos lahat ng kwarto may aircon
![](https://img.wattpad.com/cover/143491686-288-k923358.jpg)
YOU ARE READING
How To Date A Bully
JugendliteraturSi Janina Therese Potranes isang babaeng mahirap, hindi naman kagandahan pero kapag naayusan diyan lumalabas ang tunay niyang ganda, Glasses is Life para sa kanya, at higit sa lahat ito ay ubod ng tapang. Si Marco Skye Devon Ang ultimate bully ng...