Janina POV
Patuloy ko paring binabasa ang magazine kung saan na fefeature ang lalaking nangangalang Marco Devon na kamukha ni Cloud. Mas lalo akong humanga sa mga nalaman ko sa kanya.Siya lang naman kasi ang tagapagmana ng Devon Group of Companies at nung ginoogle search ko, Devon Group of Companies is one of the richest companies not just in Asia but also in Europe and Northern America.
Ang companya nila ay nagmamay ari ng shipping lines, airports, nag susupply ng oil, malls, jewelries, restaurants, hotel chains, In short they are filthy rich and some of it ay mamanahin ni Marco Devon, with his devilishly handsome looks, maraming babae ang mapapaluhod para lang mapansin nito dahil hindi siya tulad ng iba na womanizer, cold ito at suplado.
At nalaman ko rin na sila rin pala ang nagmamay ari ng Devon University, one of the elite schools in the world at nalaman ko rin na duon rin nag aaral ang Marco Devon na yun
Unregistered number
calling
Hmm?? baka si Cloud toh
Hello??
(Janina si Cloud toh)
Ohh hi Cloud napatawag ka
(Itatanong ko lang sana kung saan ka nag aaral?)
sa Kishola Highschool
(Nakapag enroll kana ba?)
Hindi pa eh next week pa ang enrollment pero nakabigay na sila ng mga kakailanganin para sa darating na pasukan
(Ditch that school lipat ka sa Devon University)
Ano?! Devon University??!! ayoko nga wala akong pera pambayad diyan noh tsaka hindi ako nababagay diyan
(Chill nakakadamage ka sa eardrums ko, may scholarship naman ang school na maioffer sayo and im sure that you can pass that, I will help you dont worry)
When ba ang entrance exam diyan?
(Next next week panaman kaya may oras kapa para mag aral)
Sige susubukan ko makapasa diyan
(Good, ihahang up ko na toh Janina see ya)
Ge bye
Iniisip ko parin kung tama ba ang desisyon ko na pumasok sa Devon University. Kanina lang nung sinearch ko ang tungkol sa mga Devon ngayon kukuha na ako ng exam duon. Ayoko namang paasahin si Cloud, Hayyy wala namang mawawala kung susubukan ko, baka machambahan pa at makapasok ako duon, hindi na ako mahihirapang makahanap ng pagtatrabahuhan kasi graduate ako ng Devon University, mapagkamalan akong mataas ang pinag aralan kaya easy lusot sa trabaho
Kinuha ko na ang mga libro ko nung 3rd year ako at sinimulan ko ng magbasa. Shocks?! hindi ko na tanong kung ano ang mga subject sa exam na yun hayyyssss. Itetext ko nangalang siya
To: Cloud
Hi Cloud ano pala ang mga subjects na lalabas sa exam?
Sent*
Habang naghihintay ako ng reply niya pinag aralan ko nalang muna ang mga formulas, equation etc.
"Janina linisin mo nga ang kwarto ko!!" sigaw ni Katrina at Katty, buti nalang nasa loob ako ng kwarto ko kung hindi eh basag na ang eardrums ko pagnagkataon kawawa naman, panget na nga ako eh bingi pa hayysss
Ang tatamad,ni kwarto nangalang nila hindi pa malinis linis, I felt pity sa makakatuluyan nilang dalawa
Kaya lumabas na ako sa kwarto ko at pumunta na sa kwarto ng mga bruha kong pinsan
"Anyare dito Katrina, Katty bakit parang dinaanan ng bagyo tong kwarto ninyo may tumama ba ritong buhawi oh dinaanan ng hanging habagat ng hindi namin nalalaman, sana ni weather forecast na dito tatama sa kwarto niyo di kayo tuloy nakapag evacuate"
"Shut up b*tch magsimula kanang maglinis" sabi ni Katty
Tinarayan ko nalang sila at nagsimula ng linisin sinimulan ko munang linisin ang kama ni Katrina na parang hinigaan ng 2 baboy ang lukot tapos punit na unan, kumot haysss nilagay ko muna ang mga iyon sa basket at nagsimula ng linisin ang bed sheet ng may nakita akong red stain. Ewwww nakakadiri naman tong babaeng toh hindi marunong maglinis pag nagka regla langya, Naawa na talaga ako sa mapapangasawa niya. Kaya kinuha ko ang bed sheet at pinalitan iyon ng bago
Pagkatapos kong linisin ang kama ni Katrina sinunod ko naman ang kama ni Katty at nakita ko rin ang punit nitong unan at kumot kinuha ko rin ang mga iyon at laking gulat ko na may nakita rin akong red stain.
Fudge?! nagkaroon na ba ng mga paa ang regla at nagsisimula na itong maglakbay sa isang kama papunta sa isa pang kama Regla the Explorer lang ang peg, alam ko kasing hindi sabay ang regla ng dalawang yun eh
Kaya pinalitan ko rin ang bed sheet ni Katty. Sunod ko namang nilinis ang sahig na may nagkakalat na lollipop stick, mga undergarments nila, socks, mga damit nila. Nilinis ko rin ang sa ilalim ng kama ni Katrina ng may nahawakan akong rubber na pahaba kaya kinuha ko ito at laking gulat ko ng napagtanto ko kung ano itong hinawakan ko
CONDOM?!!
Dali dali ko itong nilagay sa basurahan
Shet?! bakit naman may condom sa kwartong toh. Di kaya??!!
Naku lagot na baka yung red stain na yun eh nagpapahiwatig na wala na ang V card niya. Packing Tape???!!!
Nandidiri ako sa nahawakan ko buti nalang eh naka gloves ako.
Itinuloy ko nalang muli ang paglilinis at sunod ko namang nilinis ang ilalim ng kama ni Katty. Kinuha ko ang mga nagkalat duon tulad ng undergarments niya at Brie-
Brief??!!
Bakit may brief dito don't tell me ginagamit toh ni Katty eh hindi naman siya lalake.
Packing tape naman oh??!
Wag mong sabihin na nawala narin ang V card niya dahil rin sa red stain sa kama niya.
Fudge??!!
Sabay ba silang dalawa ni Katrina nakipag chuchuga kasama ang mga lalake nila sa iisang kwarto pa. Nakakadiri naman toh
Tinapon ko na ang brief. Tshh bahala na ang lalakeng nagmamay ari nun. Tinapos ko na ang paglilinis ko at niligpit na ang mga cleaning tools na ginamit ko.
Napatingin ako sa kabuuan ng kwarto at nakaginhawa rin ng makita itong nasa mapayapang kalagayan na
"Mabuti naman at natapos mo na agad" sabi ni Katrina
"Lumabas kana duon b*tch" sabi ni Katty
Lumapit muna ako sa kanila at ngumiti ng nakakaloko
"Nasarapan ba kayo sa pakikipag chuchuga at nagkalat pa ang mga condoms at brief ng mga lalakeng pumatol sainyo, ano kaya ang magiging reaksyon ni Auntie pag malaman niyang nakuha na ang V card ng mga 'masunurin at responsableng' mga anak niya naku naku"
"Wag mong sasabihin kay mama kung hind-" sabi ni Katty
"Kung hindi ano, tsk ako ang may alas dito kayo wala kaya wag kayong magbanta ng kung ano sakin, dapat nga ako pa ang magbabanta sa inyo eh, Bye Cousins" sabi ko at nag walkout na. Wahahahaha akala nila matatakot nila ako sa mga banta bantang yan
Inilagay ko na ang mga cleaning tools sa isang cabinet at pumasok na sa kwarto ko at chineck kung nakapag reply si Cloud
From: Cloud
Math, English, Science, kayang kaya mo yan
Ohh yun lang pala eh kering keri na yan. Kaya kinuha ko na ang mga libro at sinimulan ng mag aral. What a Great Day for me and a Worse Day for those bruhildas wahahahahaha
***
A/n: Hi guys hope you enjoyed this chapter as much as i enjoyed writing it
Please Vote and Comment that would be greatly appreciated♥♥
Lav ya readers♥♥
-ColorGrayish
YOU ARE READING
How To Date A Bully
Novela JuvenilSi Janina Therese Potranes isang babaeng mahirap, hindi naman kagandahan pero kapag naayusan diyan lumalabas ang tunay niyang ganda, Glasses is Life para sa kanya, at higit sa lahat ito ay ubod ng tapang. Si Marco Skye Devon Ang ultimate bully ng...