How to ACT Strong

4 0 0
                                    

Janina's POV

Nandito na kami ngayon ni bessy F kasama si ulap sa supermarket nagpapabili ang ate ni ulap pati narin ang mama ni bessy at syempre ang mga bruha sa bahay.

Naghiwahiwalay muna kami para mabili ang dapat bilhin, nandito ako ngayon sa dairy section. Nagpapabili kasi sila ng gatas na fresh milk, keso etc.

Pagkatapos ko duon naglibot pa ako para mahanap ang bibilhin ko tulad ng magic sarap, corned beef, hotdogs

Pagkatapos naming mamili sa supermarket hinatid na kami ni Cloud

"Goodbye ulap see ya tomorrow"

"Bye Jan, France take care" sabi niya at pinaharurot na ang sasakyan na paalis

"Bye bessy J see ya"

"Bye bessy F" sabi ko at pumasok na sa bahay, nadatnan ko ang mga bruha kong pinsan na may kasamang dalawang lalake na nanonood ng tv

"Janina linisin mo ang kwarto namin at maghanda ka narin ng aming makakain" sabi ni Katty, tumango nalang ako at pansin ko panay ang tingin ng mga lalakeng kasama nila saken, bahala na

Kaya pinaghanda ko na sila ng makakain at dumiretso na sa kwarto para magbihis at matulog, nilibre kami kanina ni ulap habang namimili kaya busog narin ako. Good night

Nandito kami ngayon sa classroom naghihintay ng prof. kaya chika chika muna kami ni bessy F ng may biglang pumasok si Marco at Cloud at umupp agad sa tabi namin ni bessy F. Nakita kong ngumisi saken si Marco, anu nanaman ba ang pinaplano nitong abnoy na toh

"Sorry I'm late students so lets discuss were we left off yesterday" sabi ni prof

Habang nagsusulat si prof sa board may biglang bumato sakanya ng eroplanong papel kaya tinamaan siya sa ulo, napatingin siya sa amin

"Sino bumato nun? " tanong ni prof habang isa isa kaming tiningnan

Nagulat nalang ako ng bigla akong tinuro ni Marco at nakita kong pinandidilatan niya ang mga kaklase namin kaya tinuro rin nila ako, THE HECK??!!

"Miss Potranes, stay after class" sabi ni prof

"Miss I swear i didnt do it" sabi ko sakanya

"All of your classmates pointed you, that you are the one who threw that paper airplane at me goodness for a highschool student that is immature, I'll let you explain later and make sure its valid or else it's violation you'll get" sabi ni prof at itinuloy na ang pag didiscuss

Napalingon naman ako kay Marco at nakita ko siyang nakangisi sa tabi ko at nakita ko rin si ulap na tinitingnan ng masama si Marco pero ngumisi lang ang abnoy tskk

"Dont worry about it Jan ako na ang mag eexplain kay prof" sabi ni ulap sakin

"No need to do that ulap kaya ko naman I'll just call you for back up" sabi ko sakanya saka tumawa, ngumiti na rin siya at tumango tsaka nakinig ulit sa prof namin

Nandito ako ngayon sa canteen kasama si ulap at si bessy F hindi na ako pumunta ng private room nila ni ulap alam kong naduon nanaman si Marco as much as possible iiwasan ko ang mokong yun

Si ulap na ang nag presintang umorder ng makakain namin kaya nandito ako ngayon habang kinukwento kay bessy ang nangyari sa talk namin ni prof

"Sinermonan lang ako ni prof at sinabi niyang last warning nalang daw, buti nalang mabait si prof at hindi ako pinahiya, binigyan pa ako ng last warning"

"Buti naman kung ganon bessy, naku kakalbuhin ko talaga ang Marco na yun"

"Hayaan mo na wala ka namang may mapapala dun sa abnoy na yun" sabi ko at saktong dumating na si ulap dala dala ang mga pagkain namin

Nagkukwentuhan lang kami nina bessy F at ni ulap ng sinabi ko sa kanila na pupunta lang ako ng cr at wag na nila akong hintayin pinipilit pa ako ni ulap na hihintayin niya nalang daw ako pero pinipilit ko naman siya na mauna nalang kaya tumango nalang siya at nagpaalam na sila

Pagkatapos kong mag cr pupunta na ako sa classroom ng biglang may humarang na malalaking mga lalake

"Ummm.... Excuse lang ha malalate na po kasi ako" sabi ko sakanila pero hinawakan lang nila ako ng mahigpit

"Bitawan niyo nga ako, mga langyang toh" sabi ko habang nagpupumiglas sa mga hawak nila pero hindi parin sila natinag

Biglang dumating si Marco habang nakangisi, naku gusto ko talagang burahin ang ngisi niyang yan langya nakakairita

"They are just going to teach you a lesson, para sa susunod hindi mo na ako babadtripin ulit, enjoy" sabi niya at umalis

"Langya ka Marco paalisin mo sila dito, abnoy ka!!!! " sigaw ko sakanya

Tinulak nila ako sa isang storage room, pilit ko namang binuksan ang pinto pero nilock nila yun, jusko anu naba ang gagawin ko dito

Nagulat ako ng bigla nilang i off ang ilaw

"Puta, palabasin nyo ako dito, mga g*go!!!! " sigaw ko sakanila

Nanlumo akong napaupo sa sahig, langyang Marco na yun sobra na toh ah

Buti nalang dala ko pa ang cellphone ko kaya in on ko ang flashlight, tumayo ako at humanap ng mga gamit para makalabas dito after all storage room toh, inisa isa ko ang mga gamit na nakita ko at sinubukang buksan ang pinto pero wla talaga eh

Subukan ko ngang tawagan si ulap, Lord sana may load pa po ako

Calling ulap.....

Hayun nag riring pa ay salamat

(Jan nasan kana?)

Ulap nandito ako sa storage room ni....

May nararamdaman akong may gumagapang sa braso ko inilaw ko duon ang flashlight at nagulat ako kung ano ito

"Ahhhhhhhh!!!!!!!!! " may i-ipis langya takot ako sa ipis.

Puta, langya, f*ck, dammit, tangina lahat nalang ng mura, minura ko na, mama!!!!!!

Hirap akong huminga at nanginginig ang mga kamay ko ng kinuha ko ulit ang cp ko

He-elp m-me ul-lap please...

(Janina pupuntahan na kita diyan hintayin mo ako) sabi niya tsaka binaba ang tawag

Busit hindi na talaga ako makahinga, habang pinipilit kong kumuha ng hangin biglang bumukas ang pinto at nakita ko si ulap na nagulat at dali daling binuhat ako

"Hold on jan pupunta tayong clinic" sabi niya saken

Tumango lang ako at biglang nandilim ang mga paningin ko
***
A/n: guys sorry hindi ako nakapag UD, buti nalang wala akong assigns ngayon eto na po ang UD, mwah 💗💗

-ColorGrayish

How To Date A Bully Where stories live. Discover now