The Prince Who Doesn't Know How To Smile

182 4 0
                                    

Noong unang panahon, sa mundo ng mga bampira, may isang binatang nagngangalang Lucifer.


Kung pakikinggan mo ang kaniyang pangalan, panigurado'y kikilabutan ka at lalayuan mo siya. Subalit, taliwas ito sa totoong pagtrato sa kaniya ng mga bampira.


Sa halip na layuan at katakutan, iba ang naging pagtrato sa kaniya ng mga bampirang nakakasalamuha niya. 


Ginagalang, tinitingala, at nirerespeto. Ganiyan siya kung tratuhin nga mga bampira sa kanilang mundo.


Kung tutuusin, sino ba namang matinong bampira ang yuyurakan ang kanilang prinsipe?


Oo, siya lang naman si Lucifer Karjizon. Ang prinsipe ng mga bampira noong unang henerasyon sa Sanguis Natione.


Kung ilalarawan ang kaniyang katangian, masasabi mong nasa kaniya na ang lahat. Sa bagay, nasa kaniya na naman talaga ang lahat.


Mayaman siya, makapangyarihan, matalino, maraming talento.

At higit sa lahat, gwapo siya. Gwapo siya kaya naman maraming mga bampira ang humahanga sa kaniya.


Oo nga't nasa kaniya na ang lahat ngunit may isang kulang sa kaniya.


Iyon ay hindi siya marunong ngumiti.


Oo. Hindi siya marunong ngumiti. Marami nang bampira ang sumubok na pangitiin siya. Ngunit wala talaga ang nagtagumpay ni isa sa kanila.


Mayroong bampirang kiniliti siya pero wala itong epekto sa kaniya.


Mayroong bampirang hinandugan siya ng iba't ibang pampatawa pero wala itong epekto sa kaniya.


Mayroong bampirang nagmukhang-tanga para lang palit-palitin ang anyo ng kaniyang mukaha pero wala itong epekto sa kaniya.


Siya si Lucifer Karjizon.


Ang prinsipe ng mga bampirang hindi marunong ngumiti.


***

The Prince Who Doesn't Know How To SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon