3:Maligayang Pagdating sa Sanguise Natione

66 6 5
                                    

Author's Note: Hindi po edited ang chapter na 'to so asahan niyo na ang mga typographical and grammatical errors.Wala na rin akong time mag-edit. Anyway, salamat sa mga nagbabasa kahit sobrang konti niyo! Nakapasok na agad sa ranking itong story kahit konti palang ang reads and votes. Salamat din sa suporta niyo sa isa ko pang story na "The Untitled vampire Story". Wala pa akong maisip na susunod na scenes doon so dito nalang muna ako nag-update. Enjoy reading!


IKATLONG KABANATA

Maligayang Pagdating sa Sanguise Natione

-Angelika's POV-


Kasalukuyan na kaming naglalakad ni Francesca patungo sa pusod ng kagubatan. Habang naglalakad kami, hindi namin maiwasang matakot at kabahan. 


Kanina pa kasi naghuhunihan ang mga kuliglig dito sa kagubatan at talaga namang nakakakilabot ang tunog ng mga ito. Lalo pa't sumasabay pa ang malamig na ihip ng hangin na dumadampi sa aming mga balat. 


Napalingon ako kay Francesca nang bigla na lamang siyang magsalita. "Angelika, huwag nalang kayo tumuloy? Natatakot na kasi ako eh." nakangiwing aniya ngunit binawi niya rin ang kaniyang reaksyon matapos ko siyang pandilatan ng aking mga mata. 


"Ikaw ba'y nahihibang na talaga, hah, Francesca? Hindi mo ba nakikitang malapit na tayo sa pusod ng kagubatan at hindi na tayo maaaring umatras!" singhal ko sa kaniya. 


"Oo na!" malakas na tugon niya ngunit agad rin kaming natahimik nang makarinig kami ng nakakatakot na tunog. Tila ba isa itong tunog na nanggagaling sa— 


"Ahhh!" sigaw ni Francesca. Nagtataka naman akong napalingon sa kaniya at napatili na rin ako sa aking nakita. 


"Aahhhhhhhh!" 


May ahas kasing nahulog kay Francesca na mukhang galing yata sa isang puno na naririto. Wala naman akong magawa dahil natatakot rin ako sa ahas. Pakiramdam ko tuloy ay wala akong kwentang kaibigan. 


"Maghunus dili ka, Francesca! Kumalma ka!" pilit kong pinapakalma si Francesca dahil hindi makatutulong kung patuloy siyang magsisisigaw sa kawalan. Buti na lamang ay sumunod siya aa sinabi ko ngunit halata pa ring natatakot siya. 


Patuloy pa rin kasing umiikot-ikot sa kaniyang mukha ang ahas at naiiyak na siya sa takot.Pumunta ako kaniyang likod at binuksan ang kaniyang bag. Buti na lamang at nakita ko ang kandila na naroroon pati na rin ang posporo. Mabilis kong sinindihan ang kandila gamit ang posporo at itinutok ko kaagad ito sa ahas. Nakita ko naman ang ahas na mabilis na gumalaw-galaw at ilang saglit pa'y matagumpay kong natanggal ang ahas sa mukha ni Francesca.


Nagtititili naman kaming tumakbo ni Francesca palayo sa lugar na iyon! Hindi ko na nagawa pang isarado ang kaniyang bag ngunit hawak ko pa rin naman ang posporo at pulang kandila.


Parehas naming hinahabol ang aming mga hininga. 


"Sabi ko kasi sa'yo huwag na tayong tumuloy eh. Tingnan mo tuloy ang nangyari! Huhuhu!" tuluyan nang humagulgol si Francesca at bilang kaibigan, pinakalma ko siya sa pamamagitan ng dahan-dahang paghagod sa kaniyang likuran. Inaalo ko rin siya. 


"Aber? Aba't sino ba'ng nagdesisyong sumama sa'kin patungo sa Sanguise Natione? Di ba't sabi mo kanina'y sasama ka rin?" hindi ko naman maiwasang magtaray sa kaniya dahil siya naman talaga ang nagdesisyon na nais niya ring sumama.


Nagpalinga-linga ako sa paligid at natutop ko ang aking bibig matapos makita ang bagay na aking tinitingnan. Napasulyap naman sa'kin si Francesca at nakita ko sa gilid ng aking mata na sinundan niya ng tingin ang direksyon ng aking tingnan at napasinghap siya. 


Sa wakas, nakita na namin ang pusod ng kagubatan! Nakita na namin ang kubong napapaligiran ng mga bato. 


"Francesca, tingnan mo nga sa iyong orasan kung ano'ng oras na" utos ko sa kaniya.

"Mag-a-alas dose na! Tatlong minuto na lang!" aniya kaya naman mahina akong napabulalas. Kailangan na naming magmadali!Inalala ko ang mga sinabi sa'min ni Draco.


"Francesca, ilabas mo na rin ang pulang kandila mo! Bilis!" anas ko sa kaniya at mabilis niya naman itong sinunod. Sinindihan ko gamit ng posporo ang aking pulang kandila pati na rin ang pulang kandila ni Francesca. Noong parehas nang mayroong apoy ang aming kandila, sinunod namin ang sinabi ni Draco na sunugin ang kubo at hintaying lumaki ang apoy. 


Hindi naman naging matagal ang pagkalat ng apoy dahil gawa sa lamang sa kawayan at sawali ang kubo. 


Nagkatinginan kami ni Francesca at alam kong parehas ang tumatakbo sa aming mga utak. Kailangan na naming pumasok mismo sa gitna ng apoy.Tumango ako sa kaniya at mukhang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin. Kahit natatakot ay naghawak kami ng kamay at pumasok sa loob ng apoy sabay sigaw ng— 


"SUM ENIM PRINCEPS VOLENS SACRIFIUM!" 

At himala ngang hindi kami nakakaramdam ng kahit anong sakit at init na maaaring manggaling sa apoy. Subalit, nakaramdam kami ng pagkahilo at umiikot ang aming paligid nang sobrang bilis! 


"Ahhhh! Ayaw ko na! Nahihilo na 'ko!" tili ni Francesca habang siya'y nakapikit.Napapikit na rin ako dahil sobrang nakakahilo talaga ang paligid. Ang akala ko'y hihinto rin ang pag-ikot ngunit habang tumatagal ay lalo pa itong bumibilis! Para na kaming nasa loob ng ipo-ipo!


Gayumpaman, matatag pa rin ang pagkakahawak namin ni Francesca sa kamay ng isa't isa at wala kaming balak na bitawan ang mga ito. 


Salamat sa Maykapal dahil hindi rin nagtagal ay huminto na ang nakakahilong paligid. 


Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita kong nakahiga na kami ni Francesca sa kalsada habang dumadaan-daan ang mga karwahe. Nakita kong napamulat na rin si Francesca ng mata at tila ba nagtataka. 


"Nasaan na tayo?" sabay naming tanong kaya medyo natawa kami. Bumaling kami sa unahan at nakakita ng isang nagniningning na arko na napapalibutan ng iba't ibang kulay na paru-paro.


Maligayang Pagdating sa Sanguise Natione


Iyan ang nakasulat sa arko at nagkatinginan kami ni Francesca. 


"AAAHHHHHH!" sabay kaming napatili dahil sa tuwa. Sa wakas, nandito na kami sa Sanguise Natione. Makikita ko na si Prinsipe Lucifer Karjizon!  


***

The Prince Who Doesn't Know How To SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon