2:Ang Plano

67 3 4
                                    

IKALAWANG KABANATA

Ang Plano

-Angelika's POV-


Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nakasulat sa balat ng librong iyon. Gayumpaman, agad akong niyaya ni Francesca na pumunta sa kanilang sala upang doon buksan ang naturang aklat. Nang kami'y makarating sa sala ay agad kaming naupo. Kaming dalawa lamang ni Francesca ang naririto.


"Francesca, nakakatakot ang Lola mo, 'no? At isa pa, parang hindi siya matanda. Sa totoo lang, parang kaedad lamang natin siya", sabi ko.


"Oo. Hindi naman kasi kami ganoon kadikit ng Lola ko kaya siguro naging ganoon ang pakikitungo niya sa atin kanina. At saka, wala rin akong kaalam-alam kung bakit ganoon ang hitsura niya"


"Hay, naku! Huwag nalang natin pansinin ang isang iyon at mabuti pa'y buksan na natin ang aklat na ito"


"Mabuti pa nga!", nasasabik na aniya.


Binuksan ko ang libro at napabalikwas naman kami ni Francesca sa pagkagulat at pagkamangha. Nang binuksan ko kasi ang aklat ay may isang itim na pigura ang biglang bumulusok papalutang sa ibabaw ng aklat. Nang tiningnan ko nang mabuti ang hitsura, isa pala itong itim na dragon na may kulay pulang mga mata.


"Angelika! Nakakatakot naman ang isang iyan! Mabuti pa't itigil na natin 'to! Ahhh!", sigaw niya nang biglang inilapit ng dragon ang kaniyang mukha sa mukha ni Francesca. Nagtititili naman si Francesca dahil doon ngunit napahagalpak naman sa tawa ang dragon.


May makakapagpaliwanag ba sa akin kung ano ang nangyayari ngayon?


Dahil gulat pa rin ako sa pangyayari ay 'di ko namalayang nagsasalita na pala ang itim na dragon.


"Huwag kayong matakot sa akin, mga binibini. Ako nga pala si Draco at ako ang bantay ng mahiwagang aklat na ito. Batid kong may mga katanungan kayong gustong masagot, tama ba? Kung ganoon nga ang pakay niyo ay mabuti pa't sabihin niyo na ito sa akin ngayon palang upang masabi ko na sa inyo ang kasagutan", mahabang anas niya.

The Prince Who Doesn't Know How To SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon