1:Mahiwagang Aklat

114 5 2
                                    

UNANG KABANATA

Mahiwagang Aklat

-Angelika's POV-


Nabulabog ako mula sa aking pagkakatulog dahil sa malakas na tilaok ng manok na pagmamay-ari lamang ng aming kapitbahay. Gayumpaman, hindi ko naman ito ikinagalit, bagkus ay ikinatuwa ko pa ito dahil naalala kong may gagawin nga pala ako mamaya. Kinakabahan habang nasasabik na akong gawin ang bagay na iyon.


Dahil nasa ikalawang palapag ng bahay namin ang aking kwarto, dali-dali akong bumaba gamit ang hagdan patungo sa unang palapag ng aming bahay. Hindi naman ako nabigong makita ang aking ina at ang aking nakababatang kapatid.


"Magandang umaga", nakangiting bati sa akin ni ina kaya binati ko rin siya. Nginitian naman ako ni Angeliko kaya ginawaran ko rin siya ng isang matamis na ngiti at ginulo ang kaniyang buhok. Nakita ko naman siyang napasimangot dahil sa ginawa ko. 


Hahaha. Ayaw na ayaw talagang ipagulo ng aking gwapong kapatid na si Angeliko ang kaniyang buhok. Aniya'y kaytagal niya raw kasing inayos iyon tapos ay guguluhin ko lamang. Napailing na lamang ako't pumunta sa mesa at nakita ko ngang naroon na ang almusal na inihanda ng aking ina.


Nagsandok ako ng sapat na kanin at kumuha ng ulam. Hindi naman ako nagpatumpik-tumpik pa't mabilis na inubos ang aking pagkain. Kumuha naman ako ng baso at nilagyan ito ng tubig at nilagok ito. Hindi ko maipagkakailang masasarap talaga ng tubig. 


Naalala kong hindi pa nga pala ako nagsesepilyo kaya naman bago ako umakyat patungo sa aking kwarto ay pumunta ako sa lalagyanan ng aking sepilyo at kumuha ng baso. Nilagyan ko naman ng pasimada ang aking sepilyo at akin na ngang nilinis ang aking ngipin. Nang matapos ako rito ay iniligpit ko na ang baso, sepilyo, at pasimada sa mga tama nitong lalagyan saka ako umakyat patungo sa aking kwarto.


Nang makarating ako sa kwarto ay nahiga ako sa aking kama. Habang nakahiga ay may naalala ko ang ikinwento sa akin ni Inay noong ako'y bata pa lamang.


"Noong unang panahon, sa mundo ng mga bampira, may isang binatang nagngangalang Lucifer.

Kung pakikinggan mo ang kaniyang pangalan, panigurado'y kikilabutan ka at lalayuan mo siya. Subalit, taliwas ito sa totoong pagtrato sa kaniya ng mga bampira.

Sa halip na layuan at katakutan, iba ang naging pagtrato sa kaniya ng mga bampirang nakakasalamuha niya.

Ginagalang, tinitingala, at nirerespeto. Ganiyan siya kung tratuhin nga mga bampira sa kanilang mundo.

Kung tutuusin, sino ba namang matinong bampira ang yuyurakan ang kanilang prinsipe?

Oo, siya lang naman si Lucifer Karjizon. Ang prinsipe ng mga bampira noong unang henerasyon sa Sanguis Natione.

Kung ilalarawan ang kaniyang katangian, masasabi mong nasa kaniya na ang lahat. Sa bagay, nasa kaniya na naman talaga ang lahat.

Mayaman siya, makapangyarihan, matalino, maraming talento.

At higit sa lahat, gwapo siya. Gwapo siya kaya naman maraming mga bampira ang humahanga sa kaniya.

Oo nga't nasa kaniya na ang lahat ngunit may isang kulang sa kaniya.

The Prince Who Doesn't Know How To SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon