CHAPTER3

6 0 0
                                    

"Mamang pulis, ano,  may balita naba sa pinsan ko?"  tanong ni Shiela na bakas sa mukha ang sobrang pag-aalala nito

"Wala parin mam.  Nakipag coordinate na kami sa mga presinto ng bawat bayan hanggang maynila. Kung sa helicopter isinakay si Ms Yunna ibig sabihin lang na hindi pipitsugin ang kalaban ng batas dito kundi isang makapangyarihang grupo"tugon ng Pulis na may hawak sa kaso

"Sige po Sir.  Tawagan niyo nalang po ako sa kahit anong update.  Kailangan pong mailigtas niyo ang pinsan ko agad" pagmamakaawa nito

"Ginagawa na ho namin ang lahat.  May mga nakausap na kaming testigo,  may mga cctv pero malalayong kuha kaya malabo ang kanilang itsura at hindi makilala. Basta tatawagan nalang namin kayo pag may update na"

" sige ho sir" paalam nila

"Nasaan na kaya ang pinsan mo? " nagaalalang tanong ng kanyang ina

"Hindi ko rin alam Ma.  Pero sana nasa nasa mabuti siyang kalagayan dahil pag may mangyaring masama sakanya hindi ko mapapatawad sarili ko.  Ako ang nagutos sa kanyang pumunta dito.  Hindi sana ito mangyayari kung hindi ko siya inutusan" pagsisisi nito

"Hindi ito oras ng sisihan anak.  Ipagdasal nalang natin ang pinsan mo na sana ligyas siya" wika ng Ginang

Nanghingi na ng tulong ang mga ito maging sa social media at mga tv networks at Radio stations.

"Humigop muna kayo ng mainit na sabaw ng bulalo. Wag muna kape para iwas nerbyos tayo" wika ni Aling Nida

"Salamat Mare" tugon ng nanay ni Shiela

Mahigit isang linggo na,  wala parin balita sa dalaga. Pero magkaganun man,  hindi parin susuko ang kanyang pamilya sa pag-asang muli siyang makikita ng buhay at kanilang makakapiling.

Habang nagtatrabaho si Spark sa sofa hindi nito napansin na nakatulog na pala ito. 

Naalimpungatan naman ang dalaga ang nakitang nakatulog na ang binata.  Nilapitan ito ni Yunna,  dahan dahang tinanggal ang reading glass,  cellphone at laptop at pinatong ito sa tabing mesa.  Kinumutan nito ang binata bago bumalik sa pagtulog.

Nang magising ito, agad nitong hinanap ang kanyang cellphone at napansing may kumot na ito.  Agad niyang tsinek kung ginamit ba ni Yunna ang kanyang cellphone.

Lumipat narin ito sa tabi ng dalaga. Alam nitong walang ibang gagawa nun kundi ito. Hindi naman ugali ng mga kasama niya sa bahay ang pumasok sa kanyang kwarto dahil nakalock naman yun mula sa loob.

Kahit papaano'y napanatag na ang kanyang kalooban dahil maaaring nakabalik na ito sa kanyang pagiisip.

Kinabukasan, sa labas ng balkonahe sila nag agahan. Inasikaso ng binata ang kanyang bihag. 

"Salamat" tugon ng dalaga

"May masakit ba sayo?  Anong nararamdaman mo? " tanong nito

"Puso ko masakit.  Gusto ko ng umuwi pero alam kong imposible."

"Magpagaling ka"

"Salamat dahil sa labas tayo nag breakfast."

"Wala yun.  Kung magiging mabait ka,  magiging mabait din ako sayo"

"Mahirap ba maging tulad mo? " seryosong tanong ng dilag

"What do you mean? "

"Maging leader ng isang sosyal na sindikato. Sa itsura palang ng kwartong ito pang mayaman na.  Eh paano nalang yung buong bahay.  Bahay ba ito o mansiyon? "

Can We Just Stop And EXCHANGE OF HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon