CHAPTER1

44 0 0
                                    

"Kumusta ang business? " Tanong ni Shiela. 

" Ok naman Teh.  Nag deliver na kanina ng mga bulaklak" Tugon ni Yunna

Ang dalawa ay business partners.  Flower shop ang naisip nilang ipatayo dahil mahilig sa bulaklak si Shiela.  May edad narin ito habang si Yunna ay 28 anyos naman.

Si Shiela narin ang nag aarrange ng mga bulaklak na kanilang dinedeliver.
"Ito oh,  may pasalubong ako sayo.  May nadaanan akong j.Co sa farmers.  Here's your favorite" wika nito

"You're the best ate in town.  Thankie so much"  tugon ng dalaga "Ito yung list para sa mga idedeliver bukas"

"Nice.  Bongga!  Ang daming orders at marami nanaman tayong benta."

"Kumain kana ba Teh? "

"Oo.  Kumain nadin ako sa j. Co bago ako dumiretso dito"

"Si Jane pala tumawag kanina,  after duty diretso daw siya dito dinner daw tayo sa labas"

"Wow naman.  May padinner si madam😂😂😂"

"Baka sumahod na kaya nag-aya.  Alam mo naman yun"

"Sabagay"  tugon nito sa dalaga "Mang Berting paki deliver ito kila Mrs.  Fadorño asap ito may event sila mamayang gabi." Wika nito kay Mang Berting na kababayan ng ama ni Shiela. Nawalan ito ng trabaho sa factory kaya kinuha nila para may trabaho ang Matanda.

Samantalang ang asawa ni Mang Berting na si Manang Tinay ay Taga bantay din sa Flower shop.  May isa silang anak na nagtatrabaho na sa isang malaking kompanya.  Ayaw tumigil ng dalawa sa pagtatrabaho dahil kaya pa naman daw ng kanilang katawan. 

"Sige ho. Ako na ho ang bahala sa mga ito" tugon ng matanda

"Hi Girls!" Bati ni Jane na dumating na sa flower shop

"Uy, maaga ka ngayon ah?" Wika ni yunna

"Baka excited😂😂😂" tukso ni Shiela

"Maaga talaga ako. Wala naman masyadong pasyente tsaka dinner at movie night ngayon" wika ng kanilang pinsan

Ang tatlo ay magpipinsan,  ang kanilang mga ina ay magkakapatid.

"OK.  Magsasara narin kami nadeliver naman na lahat ng dapat deliveran ngayon. " wika ni Shiela

Nanood na nga ng movie ang tatlo bago maghapunan ang mga ito.

"Kumusta ang kita sa shop? " tanong ni Jane

"So far,  so good.  Wala masyadong nasisirang mga bulaklak.  Kaya kung ganito araw-araw makakaipon agad tayo at nababayaran naman paunti-unti ang mga utang." tugon ni Shiela

"Dibale,  konting kembot nalang naman na matatapos na lahat ng utang natin" sabat ni Yunna

"Salamat naman." wika ni Jane

"Nga pala Yunna ikaw na muna ang pumunta sa Benguet para sa mga bulaklak.  May mga bago daw silang bulaklak,  tignan mo kung maganda tapos tawagan mo ako para sa final order" utos ni Shiela

"Ok teh.  Kelan ako pupunta?  Baka naman pwedeng mag sightseeing sa Baguio after ko sa farm"

"Sige.  Basta wag kang magpa abot ng gabi. Bukas punta kana"

"Ok . Thankie"

"Sus.  May Date kalang  dami pang palusot eh" tukso ni Jane

"Sana nga meron.  Pero wala naman"  tugon ng dalaga

Can We Just Stop And EXCHANGE OF HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon