Igo

44 3 7
                                    

Naging habit ko na ang magpunta sa isla lalo na tuwing weekend. Anong ginagawa ko doon? Magpicture ng magpicture. Alam mo yun kahit ilang beses ka magpunta sa isang lugar ay iba-iba pa rin ang experience. Buong work life ko ay hindi ako nagamit ng aking Vacation Leave not unless urgent matters. In short workaholic ako. Ewan ko ba bigla na lang ako napagod at gusto ko nang ubusin ang lahat ng leave ko actually if matripan ko magtagal dito eh baka mag-AWOL na din ako. Gusto ko munang malayo sa ingay ng siyudad, sa ingay ng... Hay... Hindi ko pala dapat isipin yun kasi nandito ako para mag-unwind.

Maghahapon na ng makarating ako sa isla. "Igo!" Sinalubong ako ng aking pinsan na si Eco pero Enrico ang tunay niyang pangalan. Agad akong bumaba sa bangka at lumapit kay Eco para bigyan siya ng bro hug.

"Paano mo nalaman na darating ako?" Hindi ko naman maalala na nagpasundo ako.

"Ah wala naglalakad-lakad kasi ako sakto kita ko na ang magulo mong buhok" pasubali nito. "Hinapon ka ata" nilingon nito ang aking bag. "At ang dami mong dala?" Dagdag pa nito.

"Ah" inayos ko ang aking backpack. "Medyo magtatagal ako ng kaunti dito. Alam mo na soul searching." Nahihiya kong tugon.

Tahimik ang lugar na ito. Masarap pakinggan ang paghampas ng dagat sa buhangin. Ang huni ng mga ibon sa kalangitan. Ang paglagaslas ng dahon kasabay ng pag-ihio ng hangin. Masarap pakinggan ang pagtawa at asaran ng mga batang naglalaro.

Habang papalapit na kami sa bahay ni Tita Celia ay nakita ko ang isang babae na nakaupo sa may buhanginan. Nakasuot ito ng puti at tila hindi nito alintana ang pagsayaw ng hangin sa kanyang mahaba at tuwid na buhok. Kukunin ko sana ang aking camera kaso nasa backpack pala ito. Kinapa ko ang aking bulsa at mabuti na lang ay nandoon ang aking smart phone. Huminto ako sandali para kunan ito ng litrato. Inilagay ko sya sa bandang gilid ng aking frame at itinaon ko ang pagsunod ng kanyang buhok sa hangin. Tinignan ko ang nakunan kong litrato at ako ay napangiti.

Binalikan ako ni Eco at sinilip kung ano ang tinitignan ko sa aking smart phone. "Ahh.. si Carly yan" inilihis niya ang paningin sa aking smart phone at tinignan mismo ang babae. "May pinagdadaanan ata yan eh. Actually wala akong idea kung ano pero yung ang sabi ni mama. Lagi lang siyang ganyan. Kawawa nga eh." Kwento ni Eco. "Lika na para makapahinga ka." At hinila na ako nito papunta sa kanilang bahay.

Pagpasok ko sa bahay agad kong inilagay ang aking bag sa gilid ng cabinet. Mamaya na lang ako mag-aayos. Humiga ako sa aking kama at di ko na namalayan ang aking pagtulog habang nakatitig ako sa kisame.

Naalimpungatan ako sa ingay na nagmumula sa kusina. Naghahanda na ata sila para sa hapunan. Sinilip ko ang orasan sa aking smart phone alas-sais na pala. Nakaidlip ako kahit papaano. Napatingin ako sa nililipad na kurtina sa aking kanan at umupo ako para abutin ito. Napatingin ako sa labas at nakita kong malapit na pala ang takipsilim. Ikinurap ko ang aking mata at naalala ko ang inupuan ng babae na nagngangalang Carly. Matatanaw pala dito sa bintana ang kanyang usual spot. Mukhang umuwi na siya. Isinara kong muli ang kurtina at lumabas na ako sa aking silid upang makasama sila sa hapunan.

•••

Ikatlong araw ko na pala dito sa isla nakakapanibago kasi kadalasan sa ikalawang araw ako ay pabalik na ako ng maynila. Nag-ikot ikot sa isla kumuha ng litrato, tumambay sa ilalim ng puno. Babalik ako kapag tanghalian at matutulog sa hapon. Tuwing gigising ako ng alas-kwatro ng hapon ay nakikita ko na ang babaeng si Carly na umuupo sa kanyang usual spot. Kada araw ay iba-iba ang balabal na suot pero kadalasan ay dark ang shade ng mga kulay na suot nito. Kapag mainit pa ay itatabon nito sa ulo nito ang balabal pero kapag lumilim na ang kalanagitan ay nilalagay na lang niya ito sa kanyang balikat.

Parang mas malakas ang hangin ngayon mukhang may bagyong papalapit at pagkaraan ng ilang sandali ay unti unti mo nang maririnig ang pagpatak ng mga ulan.

"Igo pakisara ang mga bintana." Utos ni Tita Celia. Inuna ko ang bintana sa sala, ang kwarto nila Tita at ni Eco at hinuli ko ang akin. Paghawi ko ng kurtina ay nakita ko ang babaeng si Carly na hindi natitinag sa kanyang pwesto kahit ang lakas na ng ulan. Dali dali akong lumabas sa kwarto at naghanap ng payong. Pagkakuha ng payong ay agad din akong umalis. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Tita Celia "Igo ang lakas ng ulan san ka pupunta?!" Pero hindi ko na ito pinansin dahil ang nasa isip ko lang ay ang basang basa na si Carly.

Naramdaman ko ang mabilis na pagbasa ng aking katawan kaya agad agad kong binuksan ang payong at tumakbo patungo kay Carly. Paglapit ko sa kanya ay agad ko siyang itinago sa aking payong. Napayuko ako ng kaunti para medyo ibaba ang payong. Nang maramdaman niya na hindi na siya nababasa ng ulan ay iniangat nito ang kanyang ulo tinitigan ako, ngumiti at may binulong na pangalan. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya dahil na din sa lakas ng ulan.

"Miss?" Pagtawag ko sa kanya. "Lumalakas na ang ulan" di ko kasi alam anong sasabihin.

Pagkatapos kong magsalita ay unti-unting napawi ang ngiti sa kanyang mukha, unti-unti bumaba ang kanyang paningin at kasunod nito ang payuko ng kanyang ulo.

"Sorry" yan ang narinig ko sinambit niya. Dahan dahan siyang tumayo at naglakad pabalik na tila ba'y pinapabagal siya ng mga basang buhangin. Tumindig ako ng maayos habang sinusundan ng paningin ang babaeng si Carly.

Tumigil ito sa paglalakad at lumingon sa akin. Ngumiti ito ng kaunti at nagpasalamat. Nagtuloy ito sa paglalakad hanggang sa makapasok sa katabing bahay.

Naiwan akong nakatulala sa gitna ng ulan habang pinagmamasdan ang nakasaradong gate. Habang iniisip kung...

Anong pwede kong magawa para sa kanya...

Itutuloy...

3-31-2019

Beautifully BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon