Matapos ang tanghalian ay inabisuhan agad ako ni Igo na may pupuntahan kami mamayang hapon. Sinabihan din ako nito na magsuot ng kumportableng damit. Kaya heto ako ngayon nag-iisip kung ano ang aking susuotin. Ilang beses ko na siyang tinanong kung anong gagawin pero tikom ang bibig nito at ayaw magsabi sa akin ng kahit kaunting clue kung anong gagawin namin mamaya.
Napatingin ako sa orasan at nakitang mag-aalas kwatro na kaya naman sinuot ko na lang kung ano ang pwede kong suotin. Humarap ako sa salamin upang tingnan kung ayos ba ang hitsura ko. Nakasuot ako ng tshirt na maluwag na kulay puti at nakashorts na kulay itim. Tiningnan ko din ang sarili ko. Sa aking palagay ay medyo umaaliwas na ang aking hitsure hindi kagaya noon. Hindi ko alam kung epekto ba ito ni Igo o dahil sa kumakain na ako sa oras pero ano pa man iyon ay para naman sa ikakabuti ko. Nginitian ko ang sarili ko. Pero kahit anong gaano ko pa siglahan ang aking mga ngiti ay hindi pa rin ito umaabot sa aking mga mata. Totoo nga ang sabi nila na sa ating mga mata makikita ang katotohanan.
•••
Binuksan ko na ang gate at pumasok na ako kina Carly. Lagpas alas kwatro na kasi pero hindi pa rin ito lumalabas. Nag-aalala lang ako baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Alam ko mayroon na lang akong ilang araw ng pananatili dito at hindi ko na siya mababantayan tulad ng dati. Aabutin na ng ilang araw bago ako makabalik dito.
Habang papalapit na ako sa kanilang pintuan ay bumukas ito at lumabas si Carly na nakaputing maluwag na tshirt at itim na shorts na may isang dangkal mula sa kanyang tuhod. Ngumiti ito at humingi ng paumanhin dahil ngayon lamang siya natapos sa pag-aayos.
"Saan tayo pupunta?" Tanong nito sa akin.
"Secret" mabilis kong tugon.
"Igo naman..." pagmamaktol na sagot nito na nakanguso pa. Para siyang bata nagtatampo.
"Matutuwa ka doon. Sigurado ako." Paniniguro ko sa kanya.
Nang makalabas kami sa gate ay naglakas kami sa bandang kanan hanggang sa matanaw na namin ang mga batang naglalaro sa may dalampasigan. Masayang naghahabulan ang mga ito. Mga nasa sampung bata ang nandoon halong babae at lalake mga edad apat hanggang pito. Ang mga iba dito ay magkakapatid. Sa ilang araw na pananatili ko dito ay kilala na ako ng mga ito.
"Kuya Igo!!!" Tumigil ang mga bata sa paglalaro at tumakbo papalapit sa aming dalawa ni Carly. Niyakap ako ng iba dito at nagkumpulan sa aming dalawa. Napalingon ako kay Carly na mukhang natuwa naman sa mga nakikitang mga bata.
"Kuya Igo siya ba yung babae na laging nakaupo sa may dagat?" Tanong ni Tonton na nasa edad pito at kuya naman siya ng batang babae na si Talia. Bakas ang pagtataka sa mukha ni Carly. Alam ko hindi niya napapansin ang mga ito dahil madalas itong nakatingin sa kawalan at wala sa sarili.
"Nakikita ninyo ako doon?" Buong pagtatakang tanong ni Carly.
Nilapitan siya ng limang taong gulang na si Chesa at humawak sa puting tshirt nito para kuhanin ang kanyang atensyon. "Ang ganda mo pala ate.." nahihiyang papuri nito. Lumuhod naman si Carly para maging kapantay siya nito at nagbigay ng pasasalamat. Tinitigan siya ng husto ni Chesa at hinawakan ang pisngi nito. "Huwag ka nang umiyak ate. Bagay sayo nakangiti." Matapos sabihin ito ay niyakap siya ng bata. Alam kong hindi akalain ni Carly na sasabihin ito sa kanya ng isang bata kaya kahit siya ay nagulat ay niyakap niya pabalik ang mga bata. Mayamaya ay nagsiyakapan na ang lahat ng bata sa kanya kaya naging group hug na ito. Napansin ko din ang pamumuo ng luha sa mga mata ni Carly kahit pa pinipigilan niya ito sa pagtulo. Kinunan ko sila ng nakaw na litrato.
"Mga bata tama na yan.. naiipit na si Ate Carly ninyo" pagsasaway ko sa kanila kahit pa ang sarap nilang pagmasdan. Agad namang bumitaw ang mga bata at kinuha ang mga kamay ni Carly upang ayain kami na maglaro.
"Kuya Igo! Laro na tayo ng patintero!" Masayang batid ni Natnat at pagkatapos ay kumuha ng patpat para magdrawing ng mga linya para sa aming patintero.
Sa pamamagitan ng aming mga kamay ay nagpasiya kami kung sino ang mga magkakakampi. Tig-aanim kami bawat grupo at halo ang mga babae sa lalake. Napunta si Tonton at Chesa kay Carly habang si Natnat at Talia naman ay napunta sa aking grupo. Sa pamamagitan ng bato bato pik ay napagkasunduan na sina Carly ang unang maglalaro. At ako bilang kuya ng grupo ay ipinuwesto nila sa likod.
Si Natnat ang nasa unahan at tila nahirapan sina Carly pumasok. Dahil sa panglilito ni Tonton ay nakalusot sina Carly at Chesa na magkasama at nagsisunod na ang iba. Nahati ang grupo dahil sa patotot namin na si Carlo. Habang naglalaro ay nagtatawanan ang lahat lalo na kapag hindi sila nahuhuli. Nakalusot na si Carly, Chesa at Tonton hanggang sa marating na nila ang pwesto ko. Mahigpit ko silang binantayan at alam ko mahihirapan silang lumusot dahil sa mahahaba kong galamay. Kunwari ay nanlilisik ang aking mata sa pagbabantay na dahilan naman kaya tawa pa din ng tawa sina Carly at ang mga bata.
Nagtitinginan sila Carly at Tonton para sa kanilang gagawin. Abala naman si Carlo na nasa gitna sa pagbabantay din. Sinusubukan na nila Carly at Tonton na lituhin ako pero hindi pa din sila lumulusot. Sumugod na si Tonton kaya medyo papunta na ako sa kanyang direksyon nang umatras ito bigla at sakto namang napalusot na ni Carly si Chesa. Bumalik ako sa direksyon nila agad kaya nasakto naman ang kamay ko sa bandang tiyan ni Carly hanggang sa ikinulong ko na ito papalapit sa akin. Sa bilis ng pangyayari ay nakita ko na unti unti na kaming tumutumba at nilipad na pataas ang buhok ang buhok nito.
"Waaaaa" sigaw ng mga bata. Niyakap ko ng maigi si Carly kaya katawan ko ang bumagsak sa buhanginan. Napapikit ako nang maramdaman ko ang paglapat ng katawan ko sa buhanginan. Pagkaraan ng ilang saglit ay lumuwag na ang pagkakayakap ko kay Carly. Binilugan kami ng mga bata upang tingnan kung ayos lang kami. Bumangon si Carly at agad na hinawakan ang dibdib ko.
"Igo? Ayos ka lang?" Bakas ang pag-aalala sa tono nito.
Sinubukan kong bumangon at napangiwi ako kaunti. Masakit pa din pala pero ayos naman ako. Napaupo ako pinagpag ang mga buhangin sa katawan ko.
"Okay lang ako Carly..." tugon ko sa kanya. Nauna itong tumayo at ibinigay ang kamay niya para alalayan ako sa pagtayo na tinanggap ko naman.
"Sigurado ka?" Tanong nitong muli. Nginitian ko siya at sinabing "Taya! Talo na kayo!" At nagtawanan ang lahat.
Tumigil na kami sa paglalaro ni Carly at pinanood na lamang ang mga bata.
"Ang sarap maging bata ano?" Tanong ni Carly sa akin.
"Tama" sagot ko sa kanya.
Mayamaya ay nag-paalam na kami sa mga bata at inaasahan nila na makalaro namin ulit sila. Niyakap naman nila si Carly na ikinatuwa naman nito. Nang makabalik sa bahay ay maaga na kaming nanghapunan at hinatid ko na si Carly sa kanilang bahay. Gusto ko pa sanang manatili sa kanila pero ayaw ko naman na maalibadbaran na ng husto sa akin ang dalaga.
"Carly uwi na ako" paalam ko sa kanya.
"Kape muna tayo?" Pag-aalangang aya nito.
"Baka hindi tayo makatulog niyan?" Pang-aasar ko sa kanya. Umupo ako sa sofa habang pinagmamatiyagan si Carly sa paghahanda ng aming kape hanggang sa nilapag nito ang mga tasa ng kape sa lamesita at naupo sa aking tabi.
Mukhang mahabahaba ang gabing ito...
Two down... Five days to go...
Itutuloy...
04-20-2018
BINABASA MO ANG
Beautifully Broken
ChickLitBeing broken isn't always a bad thing... Yes it hurts, might hurt a lot and makes you want to blame yourself or others for everything that's happening. But you and I know that one day everything will come to pass. Soon this darkness will fade and th...