Sinigang

13 2 0
                                    

Matapos ang pamamalengke ay umuwi na kaming dumeretso na kami ni Igo sa bahay para maghanda ng hapunan. Sinabihan din ako nito na pupunta na lang daw sa bahay sina Tita Celia. Nang makapasok sa bahay ay nagtungo na kami sa kusina at nilabas na sa dala naming ecobag ang aming pinamili. Hiniwalay na namin ang mga sangkap para sa request ni Igo na sinigang na baboy at inilagay sa mga lagayan ang para sa mga susunod na araw.

Sinimulan ko na ang paghihiwa ng karne at si Igo naman ay nagbabalat na ng mga gulay. Nang matapos siya ay nagtanong ito, "Anong hiwa ang gusto mo?" At ipinakits sa akin ang pinaka-ayaw niya na labanos. Kinuha ko ito mula sa kanyang kamay at ipinakita sa kanya kung paanong hiwa ang gagawin na agad naman niyang sinunod. Nagsalang na ako malaking kalan na aking gagamitin. Sana masarapan sila lalo na ang nagrequest nito.

Pagkaraan ng halos isang oras ay inaantay na lang namin na maluto ito. Kanina nga ay si Igo ang pinapatikim ko para sakto sa lasang gusto nito. Tinitimplahan ko kapag may hinahanap ito na lasa. Nakapagsaing na din si Igo at hiniwa ang pakwan para sa aming panghimagas. At talagang kinarir nito ang pag-plating ng prutas.

Nang sa tingin ko ay okay na ang timpla at pwede nang ihain ang sinigang ay tinawag ko na si Igo para tikman itong muli. Kumuha ako ng kutsara, sumalok ng kaunti at hinipan ito para hindi gaanong mainit. Nang sa tingin ko ay hindi na ito gaano mainit ay iniabot ko ito kay Igo paakyat sa kanyang bibig at pinatikim ito sa kanya. Pagkatapos niyang tikman ito ng maigi ay natuwa naman ito at napabulalas ng "Ang sarap Carly" na ikinatuwa ko naman.

"Parang bagong kasal kayong tignan" masayang puna ni Aling Celia na nasa may pinto na kinikilig na nakatingin sa amin. Andun din si Eco na nang-aasar pa. Para tuloy kaming nagkahiyaan ni Igo at pasulyap sulyap sa isa't isa. Lumapit si Aling Celia at Eco sa hapagkainan at ipinagpatuloy ang panonood sa amin. Patuloy pa din ako na tinulungan ni Igo sa paghahain sa lamesa. Sa wakas nakumpleto na ang lahat.

Naupo na kming magkatabi ni Igo sa lamesa na kaharap naman sina Aling Celia at Igo. Nanguna na si Eco sa pagdadasal at matapos nito ay sinimulan na ang pagkain. Inabutan na ng kanin ni Igo sina Aling Celia at Eco at pagkatapos ay nilagyan din ang plato bago ang kanya. Ako naman ang nagsalok sa mga yahong ng mga sinigang. Nang kay Igo na ang aking lalagyan ay siniguro kong walang labanos ito at maraming sabaw.

Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasan ang matuwa dahil pakiramdam ko ay buo ang pamilya ko ngayon. Sabay na kumakain, nagkukwentuhan at nagtatawanan. Naalala ko yung pamilya ko dati. Yung hindi ko pa nilalayo ang sarili ko sa kanila at sa lahat.

"Carly kain ka ng pakwan" matapos ilagay ni Igo ang isang hiwa nito.

"Ayieee love is in the air" pang-aalaska pa ni Eco sa amin.

"Bagay kayo..." dagdag pa ni Aling Celia na sinasakyan naman si Eco.

"Pano ba yan Carly bagay daw tayo?" Tanong nito sa akin na sinasakyan ang pang-aasar ng mag-ina sa amin. Natawa na lamang ako sa kanilang tatlo.

"Siya nga pala Carly sarap sa hapunan ha. At masaya ako na nagiging okay ka na. Unti unti nang bumabalik ang Carly na nakikilala ko." Saas ni Aling Celia.

"Salamat po Aling Celia, Eco at Igo sa pag-aalaga. Masaya ako na dito ako pinadala nila mama." Tugon ko naman. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa kanila na hinugot ako sa kadiliman at iniligtas ako. Lalong lalo na kay Igo. Habang pinagmamasdan ko si Igo na nakikipagkulitan sa kanyang pinsan. Ang makulit na lalake na hindi mo masyadong mahahalata.

Nauna nang umuwi sila Aling Celia at naiwan kami ni Igo sa bahay na inayos ang lahat. Hindi rin katagalan ay nagpaalam na si Igo upang makapagpahinga na daw ako dahil nakakapagod mamalengke at magluto. Hinatid ko siya palabas at nung nasa may gate na kami ay tila ba ayaw pa nito umuwi.

"Lakad tayo..." mahinang pang-anyaya nito sa akin. Tumango naman ako at isinara namin ang gate. Naglakadlakad kami sa dalampasigan at kitang kita ang buwan na sinasalamin ng dagat. Tumigil kami sandali at tiningnan ang kalangitan.

"Igo... kung makakabalik ka sa nakaraan anong babaguhin mo?" Tanong ko sa kanya habang nananatili akong nakatingin sa kalangitan.

"Wala..." mabilis na sagot nito. Napatingin ako bigla sa kanya at nakita ko siya na nakangiti habang itinuturo isa isa ang mga bituin.

"Bakit wala? Wala ka bang pinagsisisihan sa buhay mo?" Tanong kong muli.

Tumingin ito sa akin at sinabing "Kung babaguhin ko yung nakaraan ko e di hindi tayo magkikita at magkakasama ng ganito di ba? Malamang mag-iiba na ang takbo ng buhay ko. Di ba Carly?" Habang mataman itong nakatingin sa akin.

Ilang beses ko nang hiniling na sana ay makabalik ako sa nakaraan at baguhin ang lahat ng pagkakamali ko. Kaya naman ay hindi ko inaasahan na ito ang kanyang magiging sagot. Wala. Wala siyang babaguhin. Masaya na siya sa takbo ng buhay niya.

"Carly... hindi ko alam anong buong kwento mo pero lahat ng pinagdadaanan natin ay may dahilan. Lahat ng sakit at lungkot ay lilipas din." Dagdag pa nito.

"Alam mo ba nalulungkot ako kapag umiiyak ka.." lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking mukha. Pumatak ang aking luha at pinunasan niya ito gamit ang kanyang hinlalaki. Inilapit niya ako sa kanya at inilagay ang aking ulo sa kanyang dibdib.

"Sige lang iyak ka lang..." sabi ni Igo sa akin. Hindi ko na ito napigilan marahil ay dahil sa naaalala ko yung mga bagay na dapat ay binago ko pero hindi ko ginawa. Alam ko hindi na ako makakabalik sa nakaraan at kailangan kong mamuhay sa kasalukuyan.

Pero alam ko na hindi yun ang mas ikinakalungkot ko...

One down... Six days to go...

Itutuloy...

04-07-2018

Beautifully BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon