Sorry Carly

27 5 6
                                    

"Sorry Carly..." malungkot na sambit ni Harris habang ume-echo ito.

"Sorry Carly..."

"Sorry Carly..." habang pilit kong inaabot ang nakakuyom na kamay ni Harris.

Biglang dumilat ang aking mga mata. Pawis na pawis ako at halos humahangos. Napaupo ako sa aking higaan at niyakap ko ang aking mga tuhod. Nananaginip na naman ako.

"Sorry Carly" pag-ulit ko sa mga huling kataga na narinig ko mula kay Harris.

"Sorry Harris..." kasabay ng aking pag-iyak ang mahigpit kong pagyakap sa aking sarili.

•••

Kahit anong pikit ko ay hindi na ako makatulog kaya nagpasya na akong bumangon at maghanap ng makakain sa ref. Ilang araw na nga ako dito? Naka-isang linggo na ba ako? Ni hindi ko nga matandaan kung kailan ako dumating dito.

Napangiti ako sa mga litratong nakakabit sa pintuan ng aming ref. Andoon si mama, si papa, si andrei at nag-iisang litrato namin ni Harris na kuha pa noong huling punta namin dito. Kinuha ko ito at inilagay sa ibabaw ng hapag kainan. Napansin ko ang isang malaking plastic sa may kitchen counter at sinilip ang laman nito. Puro ingredients ng baking pala ang laman. Alam ni mama na narerelax ako kapag nagluluto or nagbebake.

Hinelera ko ang mga sangkap at ang mga kakailangan ko sa lamesa at pagtapos ay inihanda ko ang oven. Pagkaraan ng ilang oras ay natapos na din ako sa aking binebake. Gumawa ako ng mga cupcakes. Naupo ako habang tinititigan ang natapos kong gawa. Kahit anong sarap tignan ng gawa ko ay wala pa din akong gana kumain. Dati rati hindi aabutin ng isang araw ang mga gawa ko pero ngayon wala man lang akong kasalong kumain nito. Inilagay ko na lamang ito sa ref at napagpasyahan ko na lang na maligo na muna.

Pagkatapos kong maligo at maglagay ng aking underwear ay tinitigan ko ang aking sarili sa salamin. Hindi ko na makilala ang masayahin at matatag na Carly na binuo ko sa loob ng 27 years. Ang nakikita ko na lang ay isang babaeng payat na may maputlang labi at mukha, malalim na ang paligid ng mga mata sa kakaiyak na tila wala nang buhay. Isinuot ko na ang aking bestida at sinuklayan ang mahaba kong buhok. Kumuha ako ng anim na pirasong cupcake inilagay ko ito sa kahon para ibigay kay Aling Celia. Nais kong magpasalamat sa walang sawa niyang paghatid ng kanin at ulam tuwing tanghali. Titikman ko lang ito at pagtapos ay ilalagay ko na sa ref.

Kapitbahay lang namin si Aling Celia. Napansin kong bukas ang kanilang pintuan kaya kumatok ako at tinawag ito. "Aling Celia?" Sinabi ko ito ng makatlong ulit. Narinig ko ang mahinhin na pagsigaw nito ng "Sandali lang." Pagkakita sa akin ay agad itong napangiti kahit bakas pa din ang pagkamangha nito sa biglaan kong pagbisita.

"Maupo ka Carly" at pinaupo nila ako sa kahoy nilang upuan. Hinawakan ko ng mahigpit ang kahon ng cupcake at napansin naman niya ito.

"Wow nag-bebake ka na ulit Carly?" Nakangiting puna nito. Tumango ako at nanginginig na inabot ang kahon kay Aling Celia. Tinanggap niya ito at nagpasalamat sa akin.

"Kamusta ka na Carly?" Tanong ng maamo na mukha ni Aling Celia.

"Okay naman po ako" mabilis kong tugon at ngumiti ako ng todo.

"Magsabi ka lang kung may kailangan ka iha ha? Andito lang naman kami. Kinakain mo ba ang mga bigay ko sayo?" Tanong nito.

"Opo" kahit ang gusto ko talagang sabihin ay hindi at natambak na lahat sa aming ref.

"Aling Celia aalis na po ako. Napadaan lang ako para magpasalamat at ihatid ang cupcake" yumuko ako ng bahagya at pagtapos ay lumabas na ako sa kanilang bahay.

Tumambad sa akin ang matinding sikat kaya naman agad akong bumalik sa aming bahay. Naupo ako sa aming sofa at tinitigan ang litrato namin ni Harris.

Mas pinili kong manatili sa loob ng bahay kaysa lumabas ngayong alas-kwatro ng hapon. Nilibot ko ang buong bahay at nagreminisce ng mga alaala ko sa bahay bakasyunan na ito. Binuksan ko ang master's bedroom na kwarto nila mama at papa. Umupo ako sa may upuan sa may dresser na madalas tambayan ni mama lalo na matapos maligo. Pagkatapos ay lumabas ako sa veranda kung saan madalas magkape si papa. Lumabas na ako at isinara ang pintuan at pagkatapos naman ay tinungo ang kwarto ni Andrei. Sana mas napadama ko sa kanya kung gaano ako kaproud sa kanya kahit ba sampung taon ang agwat namin. Sabi ko nga ay kung naging kuya siya tiyak akong magagampanan niya ito ng maayos. Naupo ako sa kanyang higaan kung saan madalas siyang humiga habang nilalaro ang kanyang psp. Magagalit ito kapag ginugulo ko pero ipapause niya ang nilalaro niya para samahan ako sa anumang gusto kong gawin. Lumabas na ako at isinara ang kwarto ni Andrei.

Huli kong tinungo ang aking kwarto at inilabas ko ang paborito kong black na swimsuit at pink kong shorts at sa tabi nito ay inilapag ko ang litrato namin ni Harris. Itinabon ko ang kumot sa aking katawan at pinikit ang aking mata hanggang sa ako ay makatulog.

•••

Magbubukang liwayway na nang lumabas ako sa aming bahay. Suot-suot ko ang aking black na swimsuit at pink na shorts na inihanda ko pa kahapon. Bitbit ko din ang litrato namin ni Harris na kinuha ko mula sa pintuan ng ref. Isinara ko ang gate at nagtungo ako sa dagat. Tumigil ako sandali sa paglalakad nang maramdaman ko ang paghampas ng malamig na tubig sa aking mga paa. Pumikit ako habang pinapakinggan ang huni ng mga ibon at ang paghampas ng alon sa buhanginan. Nilasap ko ang malamig na hangin at hinayaan na lipad liparin ang aking mahabang buhok.

Muli kong idinilat ang aking mga mata at dahang dahang naglakad hanggang sa abutin na ng tubig ang aking dibdib. Pinagmasdan ko pa sandali ang unti-unting pagsilip ng araw bago ko tuluyang inilubog ang aking sarili sa gitna ng dagat at kasabay nito ang pagbitaw ko sa litrato namin ni Harris.

Itutuloy...

3-31-2018

Beautifully BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon