Siete

11 0 0
                                    

Natatawa nalang ako sa sarili ko.

Alam ko namang ayaw mo na pero umaasa parin ako

Umaasa na sana bumalik nalang sa dati

Yung dating ikaw at ako na puno ng ngiti

Yung dating ikaw at ako na walang halong dalamhati

Yung dating ikaw at ako na walang pighati

Ikaw at ako lang

Walang tayo

Ikaw at ako lang

Ikaw na nagpasaya sa buhay ko

At

Ako na alam mong sayo lang

Ikaw at ako lang

Pero ikaw lang

Ikaw lang sa ating dalawa yung mukhang nasaktan dahil ako, nakangiti lang

Nakangiti lang sa kabila ng sakit na naranasan

Nakangiti kahit na ako yung mukhang may kasalanan

Nakangiti kaya mukhang walang pusong nilalang

Dahil ngiti lang ang sagot ko sa dalamhati mo

Sa dalamhating dulot mo

Marahil may ginawa din ako kaya napunta sa ganito

Pero aminin mo

Aminin mo ng hindi pakitang-tao

Ako ba talaga yung mahal mo?

Kahit na sinasabi mo noon na akin ka lang, yon nga ba ay totoo?

Ang daming tanong sa utak ko

Pero di kayang ipahayag ng puso kong nagpapakatanga sayo

Pasensya na ha kung nagkaganito

Sana pala nung umpisa palang hindi na ako

Hindi na ako ang inibig mo

Kung lolokohin mo lang ako

Kahit na walang tayo.

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon