Kabanata 3

2.3K 88 16
                                    

Nagising ako ng dapit-hapon at may nakita akong damit na nakasablay malapit sa cabinet.

Elegante yung damit and I must say, kung sino man ang gumawa o nagtahi nito is an impressive tailor.

Kulay gold ito na maraming naka embroided na designs sa edges. Mayroon ding dirty white with embroided designs na yung parang panyo na nilalagay sa shoulders. Sinuot ko na ito and pati na rin yung bakyang gold which matches the attire.

Maya maya pumasok si Ate Clara sa kwarto na naka ngiti. Nakasuot din siya ng filipiniana pero green yung sa kanya at may pagkaiba yung disenyo. Mas maganda yata yung sa akin. Charot!

"Halika. Aayusan kita." Sabi niya. Pinusod niya yung buhok ko at nilagyan ng mga floral na palamuti. May nilagay din siya sa mukha ko na makeup yata. 

"Humarap ka nga." Sabi ni Ate Clara sabay ikot ng ulo ko paharap sa kanya. "Ang ganda ganda naman ng kapatid ko!" Matagal na po. Ahihihi.

Ang sarap pala sa pakiramdam na may ate ka noh? Ako kasi yung panganay sa aming dalawang magkapatid at 3 years lang yung gap namin kaya super close kami. Kaso iba pa rin pag may ate ka pero super love ko yung kapatid kong si Bea kahit lagi kaming nagaasaran! Namimiss ko na siya. Miss ko na si Bea. Miss ko na ang kapatid ko.

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. Napatingin sa akin si Ate Clara at bakas sa kanyang itsura ang pagaalala.

"Hala! Bakit ka umiiyak?" Nagaalalang tanong niya sa akin.

"Wala toh ate. Napuwing lang ako ng makeup." Sagot ko sa kanya habang nakangiti ng pilit.

"Mek-ap? Ano yun?" Oh shocks! Nasa taong 1876 pala ako. I should be careful with my words baka mag duda sila sa akin.

"Ah. Ang ibig kong sabihin, Mekapalit ba itong pagayos mo sa akin?" Palusot ko. Wow ha! Palusot.com?

"Ahh. Siyempre wala! Magkapatid tayo kay dapat lagi tayong nagtutulungan at bilang ate mo dapat inaalagaan kita." Sagot naman niya sa akin.

Aww. Ang sweet! Na tats(touch) talaga ako. SHWEET!!!

"Sige mauna na ako sa baba.Sumunod ka na lang." Pagkatapos nun lumabas na siya ng kwarto ko at sinara ang pinto.

Bago lumabas. Tiningnan ko muna yung sarili ko sa salamin. Wow ha! Ang galing ni Ate Clara! Pwede siyang pang makeup artist. Nadagdagan yung beauty ko! Hahaha.

Nakita ko yung pulseras na binili ko kahapon sa pamilihan. Sinuot ko na lang ito since bagay naman siya sa aking outfit.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Nakita ko silang lahat, si Ina, Ama, Gabriel at Ate Clara. Nang makita nila akong bumaba ng hagdan napatingin naman silang lahat sa akin.

"Kay ganda ng anak ko!" Puna ni Ina.

"Siyempre kanino pa ba naman magmamana? Edi sa ama!" Sabi ni naman ni Ama.

"Ikaw talaga!"-Ina

Hahaha. Ang cute nilang dalawa. Nagsitawanan namin kaming lahat. Ang saya pala ng pamilya nila noh. Sana ganito rin kami. Si Mom at Dad kasi parati nalang busy sa negosyo.

"Ang ganda mo ate." Sabi naman ni Gabriel sabay akbay sa akin. Kahit na mas bata siya, mas matangkad pa siya kesa sa akin. Huhu. Ang pandak ko!

"Salamat." Sagot ko naman sabay ngiti sa kanya.

Katulad ko nakaayos din sila at nakaporma ng mga elegante at mararangyang kasuotan.

"Nakarating na ang pamilya Salvador!" Sabi ng lalaking mapayat at medyo may katandaan na pero bilog na bilog yung boses.

Pagkatapos ng kanyang announcement, pumasok na ang isang pamilyang nakasuot rin ng mga mararangyang kasuotan katulad namin. I must say, ang gagwapo at gaganda nila.

Nasa harap ang isang lalaking kasing tanda ni Ama. Bakas sa kanyang panlabas na itsura na isa siyang kastila. Katabi niya ang isang babae na kasing kaedaran ni Ina at mukhang kastila rin ito.

Nakasunod naman sa kanila ang isang babae at isang lalaki na mukhang mga anak yata nila. Ang babae ay kasing edad ni Gabriel at maganda rin ito. Tiningnan ko yung lalaki at muntik ng magpop out yung eyeballs ko dahil sa gulat. Siya yung gwapong lalaki na nakipagagawan sa akin ng pulseras! Ang gwapo niya ngayon! Pero naiinis ako sa kanya. Agawan ba naman ako ng bracelet para sa nobya niya at asarin ako na may gusto daw sa kanya. Ugh!

Nakita niya ako na nakatingin sa kanya at biglang nanglaki ang kanyang mga mata. Pero nanahimik na lang siya at pinagpatuloy ang paglalakad.

"¡Buenas noches Don Almario y Donya Glenda." Salubong ni Ama doon sa Padre de pamilya ng mga Salvador.

"¡Buenas noches mi amigo!" Sagot naman niya at pagkatapos nun nagyakapan sila Ama at Don Almario. Nag nod lang habang nakangiti si Donya Glenda kay ama. Nginitian naman ni Ina ang bawat miyembro ng pamilya nila at binalikan naman siya ng ngiti ni Donya Glenda.

"Don Patricio. Nais ko nga palang ipakilala ang aking dalawang anak na si Sebastian ang panganay at si Claudia naman ang bunso". Pakilala ni Don Almario. Ahh. So Sebastian pala ang panglan ni kutong lupa.

Napangisi naman si Ama habang tinignan si Sebastian from head to toe. Wierd!

"Nais ko namang ipakilala sa iyo ang aking tatlong anak na si Clara ang panganay, Kate ang pangalawa at Gabriel ang bunso. Kialala mo na ang aking pinakamamahal na asawa na si Donya Yolanda". Now it's Don Almario's turn to look at me from head to toe at ngumisi. Creepyyyy!!!

"¡Vamos al comedor"(Let's go to the dining room). Sabay sabay naman kaming lahat naglakad papuntang hapag kainan. On our way there, naguusap sina Ama at Don Almario tungkol sa negosyo.

"¡Vamos a sentarnos todos."(Let's all sit down) Sabi ni Ama ng nasa dining table na kami. Naupo na ang lahat pati ako. Palagi naman kaming pumupunta sa Spain at eversince tinuruan na kaming magcousins ni Lolo mag Spanish kaya nakakaintindi at marunong na ako magsalita nito.

Malaki yun lamesa pero pabilog ito. Magkatabi kami ng pamilya ko(daw). Habang magkatabi naman yung Pamilya Salvador. A.k.a yung pamilya ni kutong lupa.

Guess what? Nasa tapat ko siya! Ugh! Kanina pa nga siya titig ng titig sa akin eh. Nakakailang na mga bes!

Maraming pagkain ang nakahanda sa lamesa. Katulad na lamang ng sinigang, kare-kare, kaldereta, leche flan at marami pang iba.

Habang kumakain kami naguusap lang si Ama at Don Almario tungkol sa negosyo(nanaman). Si Ina, Donya Glenda at pati si Ate Clara naman ay naguusap lang tungkol sa mga kung ano-anong bagay tulad ng pagluluto. Si Gabriel naman at Claudia ay nagkukwentuhan at nagtatawanan. Infairness, I ship them!

Habang kaming dalawa naman ni Kutong Lupa, tahimik lang. No way in Manila Bay na kakausapin ko siya noh!

Kaya eto, nilalamon ko lang yung leche flan. Naka anim na servings na nga yata ako eh. Ang charap!!!

Si kutong lupa naman, kanina pa tingin ng tingin sa akin. Feeling ko talaga may crush siya sa akin eh. Nahihiya lang aminin. Hahaha!

"Amigo. Pagusapan na natin ang pag-iisang dibdib ng ating mga anak na sina Marcella at Sebastian!" Anunsyo ni Don Almario.

Biglang nanlaki yung mga mata naming dalawa ni Sebastian.

PAG-IISAANG DIBDIB!?

What the f*ck!!!

***

The Playboy Of 1876Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon