Kabanata 6

2.4K 80 8
                                    

"Kate..." Patuloy pa rin ang pagiyak ko habang yakap-yakap siya.

"Manang Adelia" mahinang sambit ko.

Bumitaw na ako sa pagkayakap at tiningnan ko siya habang pinpunasan ang aking mga luha.

Manang Adelia was one of the maids my grandparents' hacienda. She's already in her 60s back then. She was very close to me at parang ina na rin ang turing ko sa kanya but she died two years ago. I missed her so much and now, she's here, infront of me.

"Why are you here Manang? Why am I here?" Tanong ko habang tinitingnan siya. Her face was still the same, it was still the caring and soft face that I remember.

"Hindi ako isang normal na tao Kate. Nag-panggap lamang akong kasambahay sa pamamahay ng iyong Lolo at Lola dahil sa iyo." Sagot niya. What?! Dahil sa akin? Eh matagal na siyang kasambahay dun eh. Hindi pa nga ako pinapanganak noon.

"Eh ako naman?" I'm still confused.

"Nagtime-travel ka"

"So tama nga 'yung hinala ko? How?"

"Sa panahong ito, ikaw ay kilala bilang si Marcella na anak ng isang mayamang haciendero, mahilig magbasa ng mga libro, matalino, maraming kamangha-mangahang talento at higit sa lahat, isang mestiza." Seryosong sagot naman niya.

"Eh kabaliktaran ko naman 'yun eh" Pagmamaktol ko pa.

"Kaya kailangan mong magpanggap" At hinawakan ni Manang Adelia ng mahigpit ang aking mga kamay.

"But what's the reason behind all of this?" Tanong ko sa kanya. I am really confused right now.

"Anak, hindi ko pa maaring sagutin ang tanong na iyan, ngunit nandito ka para sa isang misyon" She said while smiling.

"Ang misyong iyon din ba ang rason kung bakit ako ang naging dahilan upang magpanggap ka bilang isang kasambahay sa mansyon nila lolo at lola?" Nagtatakang tanong ko. Tumango naman siya.

"Oo, ng pinanganak ka, nakatakda na sa iyo ang misyong ito. Kinailangan kitang bantayan. Kung nagtataka ka, kung bakit sa mansyon pa nila at hindi na lang sa inyo, ay dahil iyon sa ayaw kong mahalata" Sagot niya naman. Woah!

But there's still a question bothering me...

"After completing that mission, makakabalik na ba ako sa sarili kong panahon?" Tumango siya bilang sagot. I sighed in relief. Makakabalik pa naman pala ako eh. "Eh paano pag hindi ko na-accomplish ang mission?"

Manang Adelia sighed."Mananatili ka dito, sa panah8ong ito, habang buhay. Ang importante, gawin mo ang lahat upang walang may makakaalam ng katotohanan. Ang katotohanan na galing ka sa ibang panahon."

"Ano'ng mangyayari 'pag may nakaalam?" Kinakabahang tanong ko.

"Mamamatay kung sino man ang makakaalam. Siya'y magiging isang sagabal sa iyong misyon. Ingatan mo ang mga pinanggagagawa mo dito. Isang simpleng mali ay maari ng magdulot ng malaking pagbabaho o problema sa hinaharap"

"Ano?!" Napapanic na tanong ko. "Ano nga ba kasi 'yung misyon ko Manang?" Nagpupumilit na tinanong ko siya while trying my best to say it in the most gentle way possible.

"Malalaman mo rin sa tamang panahon"

"Why can't you just say it now?"

"Kailangan mo munang masanay sa iyong pamumuhay rito. Paalam na, para sa ngayon. Nandito lang ako kapag kailangan mo ako" Wika niya habang ngumingiti pa rin. With that, she slowly faded away. I was there standing still and left dumbfounded.

When I looked around, bumalik na sa dati ang masiglang plaza. Naririnig ko na ang mga masisiglang tao, hindi na makulimlim 'yung kalangitan. It was all normal. I was still frozen in place. Nakatulala pa rin ako.

"Saan-saan ka ba pumupuntang babae ka?" Nagulat ako ng may kumalabit sa akin. That woke me up to reality. Paglingon ko, nakita ko si Sebastian na matiim na nakatingin sa akin.

"Alam mo ba na kung saan-saan ako naghanap!" He looks kinda annoyed. Eh kasalanan ko ba? Duh!

Inirapan ko lang siya at naglakad palayo.

"Oh, saan ka nanaman ba pupunta? Mahilig ka rin maglakad palayo eh noh" Hinila niya ako papalapit sa kanya. OMG!!! I feel electrecuted by his touch. Anlambottt!!!! Ang lande ko!

"Eh sa gusto kong lumayo sa'yo eh!" Mataray na sabi ko. " Bitiwan mo nga ako!" At kinuha ko 'yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Nakakailang kaya.

'Eh gusto mo naman' bulong ng traydor kong utak.

"Ang arte mo naman. Kumain na nga tayo. Ginutom mo ako kakahanap sa'yo" Hinila niya ako sa tapat ng isang kainan.

Mukhang mga mayayaman lang nga maaring kumain dito. This place looks quite fancy and expensive.

Naupo kami ni Sebastian sa isang two-seater na table at siya na rin ang nag-order para sa akin. Wala ako sa mood eh. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang mga pinagsasabi ni Manang Adelia.

Moments later, nakita ko 'yung isang waitress na papunta sa table namin habang dala-dala 'yung mga pagkain.

"Ito na po 'yung pagkain niyo Señorito" Malandi at mukhang nakikilig na wika nito. Aba bakit Señorito lang? Hello? I'm here din kaya!

Nginisian naman siya ni Sebastian and showed her, his signature wink. Pinatulan pa talaga ha? Playboy talaga! Tss.

May tsura naman si ate girl eh. Katamtaman lang ang ilong, di gaanong mahaba ang mga pilik-mata, bilugan ang mga mata at kulay morena ang kutis.

After serving us our food, unti-unti na siyang naglakad palayo-habang kinikilig na tinititigan si Sebastian- and we started eating. Siyempre sinigurado ko na mahinhin akong kumain kaso--

Ansarap talaga eh! Hindi ko na napigilan ang sarili ko! Muntik na nga akong mabulunan eh. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Sebastian and it's a big turn-off kaso, pake ko ba sa kanya? ANSARAPPP!!!

Pagkatapos naming kumain hinila ako ni Sebastian sa isang parke upang makapaglakad-lakad muna.

"Masarap ba 'yung pagkain kanina Binibini?" Biglaang tanong niya sa akin habang nakangisi.

"Hindi naman gaano. Medyo lang" pakipot ko namang sagot. Weh di nga? Oo,masarap na nga! Kainis 'tong utak na ito.

"Talaga? Kaya pala halos muntik ka ng mabulunan kanina" Natatawang sabi niya. Grabe siya kung makatawa ha! Nakahawak pa talaga sa tiyan niya. Wagas!

Inirapan ko lang siya at naglakad palayo. Bahala nga siya diyan.

"Teka lang! Binibiro lang kita!" Natatawang tumakbo siya patungo sa akin. "Umuwi na tayo Binibini. Magdidilim na mamaya at baka hanapin ka na sa inyo?" Magdidilim na pala? Kay bilis pala ng oras at hindi ko namalayan na kasama ko pala si Sebastian buong araw.

Sumakay na kami sa kalesa at hinatid niya ako sa amin.

Nang makarating kami sa tapat ng mansyon sa loob ng Hacienda Gonzales, nagpaalam na si Sebastian.

"Paalam na binibini, hanggang sa muli" Nakangiti niyang sambit.

"Paalam" Sagot ko naman. The next thing he did shocked me...

Umalis na ang kalesa ngunit nakatayo pa rin ako sa harap ng pinto ng mansyon habang nakatulala sa kawalan.

Did he just kiss me on my cheeks?! WAHHH!!!

The Playboy Of 1876Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon