Kakatapos lng ng final exam namin kanina sa school. Grabe nakakastress, nandito ako ngayon sa bahay ng lola ko, mayamaya ay naisipan kong lumabas muna at mag pahangin.
Umupo ako sa labas habang tumitingin-tingin sa paligid, hmm ang sarap sa pakiramdam ng sariwang hangin, biglang umihip ng malakas ang hangin kaya naman napabaling ang tingin ko sa isang malaking bahay sa di kalayuan. Nakita ko ang sampay nilang damit, kahit anong ihip ng hangin ay hindi ito natatangay. Lumipas ang ilang oras ay nilamig na ako kaya pumasok na ako sa loob ng bahay.
Kinabukasan, lumabas ako ng bahay upang bumili ng shampoo pang paligo ng kapatid ko. Napatingin nanaman ako sa malaking bahay. At nandon parin yung sampay na damit, Hindi ko alam kung bakit Pero sa tuwing lumalabas ako e automatic na akong napapatingin doon.
Hanggang sa lumipas ang isang linggo at nandoon parin ang sampay.
Dahil sa labis na pagtataka, pinuntahan ko ang malaking bahay kahit pa medyo Malayo ito. Natakot at kinilabutan ako sa nakita ng tumingala ako upang tignan ang sampay.
Hindi pala ito sampay, kundi nakabigte na bangkay.
- W A K A S -
A/N: Isnt it creepy? Hahaha. Beware sa mga sampay ng kapit bahay! Happy Reading!
03-09-18