Nagpaalam ako sa teacher namin na magsi-cr Lang ako. Sayang nga e kasi hindi sya pumayag na daladalawa ang magsi-cr, Hindi ko tuloy nasama yung kaibigan ko. Pagbabantayin ko sana sa cr habang nasa loob pa ko haha.
Nang makarating na ako sa cr ay nakasara ito, siguro May tao pa. Kaya naman nag-antay muna ako, Hanggang sa dumami na ang taong naghihintay upang magcr din. Ang tagal naman neto!
Sinilip ko ang nasa loob nito at naaninag ko ang isang telang green na checkered, uniform namin iyon kaya naman nasiguro ko na may tao nga.
Lumipas ang ilang minuto at nagsi-alisan na yung ibang nagaantay dahil ang tagal lumabas nung nasa loob. Ngunit nabuhayan naman ako ng loob ng marinig syang magflush ng inidoro, senyales na tapos na sya.
Nagantay ako na lumabas sya, Oo ako nlng ang Nandito, umalis na kasi yung mga nag-aantay. Nainip ata. Ngunit wala pang lumalabas, kaya naman sinubukan ko itong katukin, pero sa pagkatok ko ay nabuksan ito.
Walang tao sa loob.
- W A K A S -
A/N: Guys wag na kayong magsi-cr mag isa ha? HAHA jokee. Happy Reading!
03-09-18