I came here at the library not to read books but to watch eric do his homework.
Di ko sya kilala personally, kaya ko sya pinuntahan dito ngayon dahil sabi sabing may gusto ito sakin.
Akala ko nga nung una hindi totoo e, kasi himala yatang may magka gusto sakin.
But my friends told me that he don't even deny it. Well, we'll see.
At dahil makapal ang muka ko lumapit ako sa table nya at tyaka siya binati.
"Hi!, can I sit with you?" i tried my best to give him a bright smile.
He looked startled, pero agad ding nakabawi at sinuklian agad ako ng mainit na ngiti.
"Dianne?, tangina teka." he's still smiling pero he's blushing. "Sorry for the badword hehe, you know crush kasi kita e, di ako makapaniwalang makakausap kita ngayon" he chuckled, bakas ang kaba at pagkagulat sa muka, umusog sya sa upuan upang bigyan ako ng space.
Thats a first, straight forward. I thought he'll deny it.
We're classmates sa ibang subjects but we don't really interact with each other, ngayon lng.
"Im doing my homework now, grabe nakakadugo ng ilong mga english dito, sakit sa ulo." sabi nya habang binubuklat ang librong binabasa.
Nanonood lng ako sakanya, he's even talking to me normally, parang wala lng sakanya na nandito sa tabi nga crush nya.
I can't even talk whenever im around my crush, san kaya galing confidence neto at makahingi.
"Pwede ba maka tulong jan?, maybe i can help, or imotivate kita tutal crush mo ko, baka ganahan ka." biro ko sakanya, binalingan nya nako ng tingin. makapal din muka nya so di nako nahiya magsabi ng kung ano ano.
Hinawakan nya ang salamin na suot upang ayusin, he looks like a nerd because of his glasses, a hot nerd rather.
"Tamang tama, nahihirapan ako dito sa part ng may english english, pwede pa translate?" cute syang ngumiti sakin, ako tuloy naiilang sa pagiging konportable nya.
"U-uhmm yeah suree." nag scan sya sa libro at tyaka nagsalita.
"Ano tagalong ng expensive?" pagkatanong nya non ay tumingin sya ng direkta sa mata ko, pinagloloko ba 'ko neto?
Expensive lng di pa alam.
"Mahal" tipid kong sagot.
"E ano tagalog ng profit?" inosente nyang tanong.
Aba't, pano kita makacrushback nyan e simpleng ingles hindi mo alam, hays.
"kita" tipid ko ulet na sabi, napangiti naman sya.
Tamang ngiti lng si tanga oh, jusko.
"Eh yung expensive profit?"
Mabilis akong sumagot, naiirita na.
"Mahal na kita." i said, his smile widened, parang nagliwanag ang kanyang muka.
"Ang bilis mo naman crush, mahal din naman kita." natatawa nyang sabi.
ANG SMOOTH NON AH, i didn't expected that.
Tiningnan ko sya ng seryoso sa muka para ipakitang walang epekto iyon sakin, but i burst out of laughter when i saw his face waiting for my reaction.
"Ang tagal kong pinag isipan yon tas tatawanan mo lng ako? huhu." umacting pa sya na parang sumasakit ang puso.
Kaya mas lalo akong natawa at hinampas ang braso nya, even eric can't help but to laugh with me.