Chapter 21: supportive friend
Alissa’s POV
Nandito kami ni Szam sa tambayan namin malapit sa SAU..niyaya niya ako eh..
“uy Alissa. nagtext si Crishelle. Asan na daw tayo” sabi niya. ngumisi lang ako sa kanya
“edi tayo na” sabi ko..
“ayoko nga. Tinatamad ako” sagot niya at ngumisi
“okay! Supportive friend ako kaya dadamayan na lang kita..baka kasi may masamang mangyare sayo” sagot ko. tumawa siya ng malakas
“ulol! Neknek mo Alissa! sabihin mo, tinatamad ka rin. Eeww! Supportive friend? Pero gusto ko yan!” sabi niya..oo, madaldal din to eh..pero pagdating lang sa ganito..
“haha! gaga! Ayaw mo?” tanong ko..
“siyempre magkapatid tayo kaya pareho tayo ng gusto” sabi niya..sa kanilang apat, si Szam ang pinakaclose ko..pareho kasi kaming maldita at snob..pareho rin kaming walang interest sa MATH at tamad pumasok..lagi siya nasa tabi ko kung nagcu-cut ako..supportive friend nga dba?
Minsan lang din siya magsalita pero siguradong malalait ka talaga..pareho din kaming walang pakialam sa iba kung ang mga taong malapit samin, damay na..
“nakakamiss rin palang tumambay dito..matanong nga kita Ali..nagsisisi ka ba na ginawa natin yun?” tanong niya..
“hindi..hindi naman natin kasalanan..sila. alam mo Szam, wala akong pakialam sa iba basta kayo, sakin naniniwala” sagot ko..
“nagui-guilty kasi ako..walang kasalanan sina Crishelle at Czarina” sabi pa niya..seryoso mode na ba? Tungkol to sa rason namin..kung magkwe-kwentuhan kami..yun lagi ang topic naming dalawa
“tayong lahat naman ah..tsaka, ayokong makita kayong umiiyak..” seryosong sabi ko sa kanya..
“kung makikita natin sila..anong gagawin mo?” tanong pa niya..
“wala..” sagot ko..napatingin siya sakin..
“wala tayong gagawin...ipapamukha natin na hindi tayo basta basta” dagdag ko..
“sabagay, sino nga ulit tayo?” nakangisi ng tanong niya..
“THE BRATZ..ikaw, kahit maliit ka lang..palaban ka..at ako, gagamitin ko ang ganda ko para magsisi sila..perfect match dba?” tanong ko..
“yeah.” Sagot niya..
“at walang pwedeng manakit satin..we’lll protect each other right?” tanong ko..
“dapat lang! Papatay ako ng tao pag nagkataon!” sagot niya na ikinatawa ko
“kaya nga..supportive friend?” tanong ko..
“yes..supportive friend” sagot niya..
Nagmeryenda na muna kami at tinext na lang sina Crish na una na kaming uuwi..alam na nila yun! Hahaha
BINABASA MO ANG
The Bratz and their Tamers (on-going)
Teen Fiction"CZARINA JANE PINEDA..wala akong pakealam kong masira ang eardrums ko dahil sayo..basta ba mapakinggan ko lang ang boses mo" --IAN PATRICK LEE "DIANA CRISHELLE RIOS...handa akong masapawan ng katalinuhan mo...basta ba sakin lang ang bagsak mo" --R...