Chapter 40: her story

222 11 0
                                    

Chapter 40: her story

Szam’s POV

Nandito kaming lahat sa bahay ngayon, nagbabalot ng gift para sa mga bata..mga 4pm pa lang naman..at nagpasyahan naming magpadeliver na lang mamaya ng Dinner. Dito na rin kasi sila matutulog..

“oy daldal, malapit na pala ang birthday mo..anong plano mo?” tanong ko kay Czarina..november 10 na rin kasi at december 18 ang birthday niya..

“tumawag sakin si mommy kahapon at sinabing uuwi daw sila dito, uuwi rin ang parents niyo for sure..” sagot niya sakin..

“magiging dalaga ka na..haha!” natatawang sabi ni Crish sa kanya..

“yeah..at sana...dalaga na rin siya” malungkot na sabi  niya samin..napakunot ng noo ang mga boys..

“shh..masaya na siya ngayon” pagaalo ko sa knya..

“mind to tell me who’s she?” tanong ni Ian sa kanya,,,tinignan kami ni Czarina at tumango lang kami sa kanya..

“when i was a kid,,i was....kidnapped” sabi niya at tinigil namin ang ginagawa namin..

“im only 8 years old that time....tapos sa kakulitan ko....pinilit ko siyang pumunta sa park to buy balloons....tinakasan namin ang bodygaurds namin at tumakbo sa mamang nagtitinda.....pero hindi ko naman alam na.....” tuluyan na ring tumulo ang luha niya...agad naman siyang linapitan ni Ian at yinakap..

“it’s alright..kung hindi mo pa kayang ikwento” sabi niya dito..umiling lang si Czarina..

“may nagtatangka pala sa buhay ng pamilya namin....then an old man came tapos....sinabi niyang bibigyan niya kami ng madaming balloons kung sasama kami sa kanya....”

The Bratz and their Tamers (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon