Chapter 22: inocent trippings
Czarina’s POV
“Crish..wala ka bang napapansin kay Raiven at Ali?” tanong ko kay Crishelle..nandito kami ngayon sa Cafeteria at wal ayung dalawa..alam na! cutting na naman. Partners in crime kumbaga..
“why? anong meron?” tanong niya..kayo ba walang napapansin?
“parang close na sila..dati pa..parang may something eh” sabi ko..totoo naman dba?
“paano mo naman masasabi?” tanong niya. nakita ko naman na papalapit yung apat na lalake dito..
“sabayan mo lang ako” bulong ko..nagtaka man siya pero hindi ko na pinansin..
“oh? Asan yung dalawa?” tanong ni Raiven pagkaupo niya. kitams?
“ah...baka nandoon sa tambayan namin noong nasa SAU pa lang kami” sagot ko..kumunot naman ang noo niya..
“anong gagawin nila doon?” tanong pa niya. tss. May something talaga eh. May inililihim kaya si Alissa samin?
“edi nakipagdate sa EX BOYFRIEND niya” sagot ko..
“e-ex?” nauutal na tanong niya..see?
“oo, si Red” pagkarinig ko ng sagot ni Crish..para akong nawalan ng lakas pero sinipa niya lang ako at tinignan ng diba-sasabayan-kita-look?
“sino si red?” tanong pa niya..
“ang kulit mo naman eh! EX BOYFRIEND niya nga!” sabi ko..
“may ex pala doon, pakshet” bulong niya pero narinig ko naman..hmm! hindi na ako makatiis..
“hoy. Umamin ka nga! May something ba kayo ni Ali na hindi namin alam? O, gusto mo siya? or..gusto mo siyang mapabilang sa mga listahan ng mga babae mo?” sunod na sunod kong tanong..
“ehem!” sabay na sabay pa na sabi ng tatlo..
“may alam ba kayo dito?” tanong ko rin sa kanila. Pero wala akong nakuhang sagot! Taeness!
“tsk. Nagtext pala na wag na daw nating hintayin..magDE-DATE daw sila ni RED” sabat ni Crish. Napangiti ako at tumili na parang kinikilig! Hahaha. Gusto kong malaman talaga eh..
“eh asan na ba siya?” tanong ko
“sa condo ni Red..” pasimpleng sagot ni Crish..
“ahh..hayaan mo na..alam naman natin na MAHAL na MAHAL nila ang isa’t-isa” dagdag ko naman..
“oo nga! Hahaha. Ang sweet kaya nila” sabi naman ni Crish..
“lalo na pag ---“
*BLAG!*
Napatingin kaming lahat kay Raiven..hinampas niya kasi ang mesa..
“anyare sayo?” tanong ko..hmm. mukhang alam ko na! hahaha
“excuse me” yan lang ang sinabi niya..nagexcuse rin ang tatlo at lumabas na ng cafeteria..
“hahahahahahahahah!” tawa ko..wala akong pakialam kung madaming nanonood sakin..he looks like he’s jealous..ang sarap pagtripan! Hahahah! LOL
BINABASA MO ANG
The Bratz and their Tamers (on-going)
Teen Fiction"CZARINA JANE PINEDA..wala akong pakealam kong masira ang eardrums ko dahil sayo..basta ba mapakinggan ko lang ang boses mo" --IAN PATRICK LEE "DIANA CRISHELLE RIOS...handa akong masapawan ng katalinuhan mo...basta ba sakin lang ang bagsak mo" --R...