Red Strings (IVOSI#4)

206 4 13
                                    

Dedicated to lenncream <3
Allen

Pumunta na ako sa school, wala ako masyadong dala kundi ang maliit na bag lamang. Naka civilian din ako ngayon dahil intramurals namin, isang game o event lang ang sinalihan ko, Cheerdance. Pero mamaya pa yung 4 pm kaya maglilibot libot muna ako habang nagpapalipas ng oras.

"Hoy Allen!" Rinig kong sigaw ni Blaster, pinsan ko. Tiningnan ko naman siya.

"Ano?" Tanong ko sakanya nang tumabi siya sakin sa paglakad.

"Tara, punta tayo dun sa Red strings booth!" Sabi niya sakin sabay hila papunta sa isang place sa school, tiningnan ko naman siya at nagpumiglas ako. Sasama nanaman ako neto sa kalokohan niya eh!

"Ayoko nga, Ter!" Sabi ko sakanya, ngunit talagang mas malakas siya sakin, wala na akong ibang nagawa kundi magpahila sakaniya.

Pag dating namin sa booth na to, nasa loob siya ng isang classroom, nasa labas pa lang kami at lumapit kami ni Blaster dun sa babaeng mukhang facilitator ng booth.

"Uy, sali kayo?" Tanong nung babae sabay ngiti samin, nginitian din siya ni Blaster, landi ng pinsan ko, gago.

"Yup!" Sabi ko dahil mukhang tinitingnan lang nito ni Blaster ang babae, tulala na eh.

"Sakto, dalawa na lang slot para sa batch na to. Pasok na kayo" sabi nung babae sabay ngiti ulit samin pero pansin kong di siya tumitingin masyado kay Blaster, nailang na siguro! HAHA

Pumasok na kami ni Blaster at nakita namin na parang may kurtina na nakadivide sa tatlong parte ng room, may mga butas dun na pwedeng ishoot yung finger at sa dalawang side may mga butas, sa dalawang gilid ay may mga nakapilang tao at studyante at wala namang tao sa gitna. (Oh my gosh, sana gets pag explain HAHAHAHAHA)

"Hi! Hiwalay na kayo, dun ka" turo ng isang lalaki sa isang pwesto, si Blaster na ang pumunta dun at tinuro naman ako nung laaki sa kabilang pwesto.

"Okay, so ganito, lalagay niyo daliri niyo sa butas, tas kaming facilitators i m mix and match namin ang lahat, yung isang end ng string na itatali sa daliri niyo is naka connect sa isang end pa ng string na naka connect sa daliri ng iba, tas ijujumble namin para pag tanggal ng kurtina ay hahanapin niyo ang ka red strings niyo!" Sabi nung babae kanina.

"Pwede ikaw na lang ka red strings ko?" Rinig kong sigaw ng isang lalaki, si Blaster yun eh, kilala ko boses nung gagong yun.

"Lol, anyways! Let's start!" Sabi nung babae, natawa na lang ako sa reaction nung babae, kawawang Blaster.

Naramdaman kong tinalian na ng red string yung daliri ko, siguro inabot ng 5 minutes ang pag tatali nila sa lahat ng nandun, nasa 20 rin ata kaming tao.

"Okay, so najumble na namin lahat, tatanggalin na namin ang kurtina, gooduck sa pag hanap ng ka red strings niyo!" Sabi naman nung lalaki.

Inalis na nila yung kurtina, pag tingin ko sa unahan ko ay nakita kong sobrang jumbled ng mga red strings, sobrang gulo at mukhang mahihirapan kaming i un-tangle tong mga to. Pag tingin ko sa taong kapantay ko na nasa unahan ko, nakita ko si Unique Salonga, one year higher lang siya sakin, naka sama ko na siya one time sa isang gig, besides kasi sa pag sayaw, minsan nakaka kanta rin ako, nag duet kami sa isang kanta sa isang cafe pero mukhang di niya naman na ako tanda.

IV OF SPADES IMAGINESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon