Robe (IVOSI#5)

207 2 28
                                    

@ryssaquino
Claryss

Binuksan ko ang laptop ko at nag log in ako sa www.fandom.roleplaying.com. Dito ako palagi naka tambay dahil ang dami kong hilig na mga stories at movies tapos dito marami rin akong nakilala na mga parehas ko ng hilig.

Username: hermoinewannabe

Oo, yan ang username ko, napakahilig ko rin kasi sa Harry Potter simula pa noon. Nabasa ko na lahat na libro at napanood ko na rin ang mga movies.

Nagpunta na ako sa messages ko at may mga nag message sakin, nung isang araw pa ang last kong online dito eh.

weasley_ronald
Hoy punta ka ba sa halloween party ng school sa Friday?

Si Unique, bestfriend ko since elementary, para na kaming mag kapatid nito eh. Parehas kami mahilig sa Harry Potter, kung tutuusin siya nga rason kung bakit ako nahilig sa Harry Potter.

hermoinewannabe
Yes bruh, see ya.

Pinalitan ko na ang chat head, tiningnan ko ang ibang nag message sakin, lahat sila mga harry potter fans din.

lunalovegoodie
Pst! Date kami ni Neville sa party, see you besh!

Sus, si Gella to, bestfriend ko rin na babae at nasa same school din kami, si Neville naman ay si Zild, kaibigan rin nila Unique. May banda nga sila, siya si Zild, si Badjao, at si Blaster.

Si Blaster, psh.

Crush na crush ko yun dati pero na turn off ako sakanya! Bwisit na yun!

Flashback

Dali dali akong pumunta sa band practice nila Unique dahil excited na akong ikwento sakanya na malapit na ang Harry Potter convention.

Pag dating ko ay kakatapos lang nila sa band practice, kinawayan ko lang silang lahat at dumeretso na ako kay Unique.

"Unik!!!!! Harry Potter Convention sa isang araw na!!" Excited na sabi ko habang yinuyugyog siya. Yinugyog niya rin naman ako pabalik.

"Chill ka lang teh" sabi niya, nabigla naman ako ng narinig kong nagsalita si Blaster.

"Psh, trip niyo parin yan? Pangit pangit na nga ng story di makatotohanan pangit pa mga characters" napataas naman kilay ko sa sinabi niya.

Ano daw? Ininsulto niya Harry Potter?

"Hoy panget!" Sabi ko at nag cross arms ako kay Blaster. Nasa unahan niya na ako. Crush ko tong mokong na to pero mas mahal ko ang Harry Potter.

"Wag mo insultohin ang Harry Potter ko! Walangya ka! Wala kang taste! Malamang di makatotohanan kasi nga Fantasy! Duh? Nagiisip ka ba?" Derederetsong sabi ko, feeling ko natalsikan ko pa siya ng laway ko pero wala akong pake, magdusa siya!

Tinarayan niya lang ako at naglakad na siya palabas ng room.

Kaya forever hate ko na si Blaster! Kahit gwapo yun at magaling mag gitara, ininsulto niya buhay ko.

IV OF SPADES IMAGINESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon