5 years later..
"Good Morning Ms. Sunshine"
"Good Morning din po Nanay Linda"
I was greeted by our employees at magiliw ko rin silang binabati pabalik.
5 years has passed at masasabi kong tama ang lahat ng desisyon na ginawa ng 17 years old na Sunshine noon. Naging normal ang lahat ng bumalik ako ng cebu. Hindi pa rin nawawala ang sakit kong COPD pero I am happy sa mga narating ko. I graduated last year sa kursong BSHRM desisyon ko ito na agad na pinaboran ni Daddy dahil balak niyang ipasa sakin ang Resort namin dito sa Cebu.
"Good Morning Ma'am! By the way you have a appointment po this afternoon. We already announce na po na dito na lang sa ating resort para hindi na kayo lalabas pa" napairap ako sa pagiging pormal masyado ng pag sasalita ni Bea. Bukod kay Badj ay siya ang pinsan ko sa side ni Mommy. Magkababata kami kaya naging magbest friend na rin.
"Oh shut up cous. Pinagtatayuan ako ng balahibo sayo!" Kita ko ang pagpipigil ng tawa nito sa gilid.
"Kasi naman noh! Feeling ko nag o-ojt pa rin tayo hahaha!" Naupo ako at binuklat ang mga document na nakatambak sa harapan ko. Agad namang binuksan ni Bea ang glassdoor para pumasok ang hangin galing sa dagat. Napangiti ako dahil alam kong inaalala niya pa rin ang kalusugan ko.
"Cous mukhang hindi mo na mafifeel na nag oojt ka na lang" ngumisi ako at tinambak sa kaniya ang makapal na papel sa harap ko. Kita ko ang unti unting paglalaho ng ngiti sa mukha niya.
"Arrange and read this. Ito ang financial statement natin ngayon buwan. Pa ask na rin ang financial department na ibigay saakin ang right calculation ng gagastusin natin kung sakaling dito ganapin ang music fest at battle na iyon."
"Okie! Pero Sunny diba kasama sa guest ang banda nila Badj? Yung pinsan natin na taga Manila?" Kumunot ang noo ko at tiningnan ulit ang line up ng Music Fest na iyon.
Autotelic
Grace Note
Itchy Worms
Muni muni
Sud
IV Of SpadesI bit my lip. Sa limang taon na lumipas ay hindi ko na ulit nakausap sila Zild, Unique at Blaster. Madalas na tumatawag si Badj perk wala siyang nakikwento tungkol sa banda. Although I expected this to happen dahil nakikita ko na sila sa news at sa social media ay tila nayayanig pa rin ang utak ko sa pag iisip. Should i be casual to them? If we met in a unexpected moment magiging plastic ba ko na parang walang nangyari?
Itinabi mo muna ang mga iniisip at nagsimula sa pagtatrabaho. Hindi pa sakin nakapangalan ang pamamahala ng Resort dahil ako mismo ang nagsuggest na kailangan ko munang malaman ang pasikot sikot ng pagpapatakbo nito.
Nalunod ako sa pagbabasa ng mga reports ng head nagulat na lang ako ng katukin ako ni Bea.
"Are you even breathing there Sunshine? It almost 2pm at hindi ka pa rin nag lulunch? Tapos may meeting ka na ng 2:30 hindi ka na makakain ng maayos niyan." Bea said while glaring at me.
Inalis ko ang salamin at tumayo sa upuan.
"Sorry nawili ako kakabasa ng reports I'll just take a shower at doon na rin ako kakain sa seaside. Please pasabi na lang sa kanila na maghanda dahil darating kasama nila mayor yung mga guest." Tango lang ang sagot ni Bea saakin at sinagot ko siya ng matamlay na ngiti.Tinungo ko ang pinto sa gilid ko pinagawa ko ito para hindi na ako uuwi sa bahay namin kung sakaling gusto kong magbihis or mag ayos. Meron itong c.r walk in closet saka maliit na kama.
I'm wearing a white corporate dress and a cream brown coat. I stepped into my nose floral heels. Hinayaan kong lumugay ang wavy kong buhok dahil hindi ko na rin naman kailangang kulutin ang dulo nito. Nang makuntento na itsura ay lumabas din ako ng office para magpunta sa seaside ng resort.