It's been one week at di ko rin alam kung bakit ako nagtiya tiyaga na samahan si Badj sa mga kalokohan niya sa buhay. Lagi niya akong sinasama sa mga practice at gig nila kuno. At nasabi ko bang hindi ako pinapayagan nila Mommy na mag liw aliw mag isa?
Nung nasa Cebu naman kami eh okay lang kahit saan ako magpunta lagi ko namang kasama si Kuya Driver at sigurado akong may body guard na nakabantay lang saakin sa tabi tabi. Daddy's freak kasi ayaw niya kong hahawakan ng kung sino sino. Nagsimula yun ng dinumog ako sa isang sikat na mall sa cebu. Nagpifreelance model kasi ako sa isang teen magazine doon. I don't know what happen but after the release ng volume 1 na iyon ay biglang nagboom ang pangalan ko sa social media sites.
Kaliwat kanan ang offer ko pero tinanggihan ko lahat. May mga tao rin na nagpapadala ng flowers, chocolate and letters. Sa totoo lang nakaka overwhelm pero hindi ko kasi forte na isiksik ang sarili ko sa ibang tao. And knowing showbiz industry hinding hindi ka mawawalan ng haters.
Nandito kami ngayon sa isang restobar na pag gi-gig gan nila. Halos puro mga college students ang nakikita ko. Umakyat si Badj sa stage pinagtataasan niya ako ng kilay at sinenyasan na wag akong aalis dito sa pwesto ko. Napairap na lang ako.
Sumunod sila Unique at Sild. Bigla na lang lumakas ang tilian ng mga babae sa harapan ko. Para silang mga worms na binudburan ng asin. Hahahha sorry!
I thought na hindi masyadong sikat ang grupo nila?! Eh halos kalahati ng mga tao dito ay nakaabang na sa kanila.Huling umakyat ang pinaka aroganteng lalaking nakilala ko. Nakasabit sa likod niya ang electric guitar na lagi niyang ginagamit nitong nakaraan na araw. Kumikinang ang mga piercing niya sa tenga... So his parents allowed him to make butas his tenga huh?
Tumungin siya sa mga tao na nasa harap niya nagtagpo ang mga mata namin pero agad siyang bumitaw, nag antay ako na maulit pero hindi niya na ako tiningnan ulit. Damn Sunshine! Ano uhaw na uhaw ka ba sa atensyon niya? Napailing ako sa naisip ko.
Pinasadahan ko siya nang tingin. Sa kanilang apat para saakin ay siya lang talaga ang may pinaka malinis na gupit. Mas matangkad siya saakin at hindi rin siya gaanong kaputian kagaya ni Zild na kulay snow ang balat. If I were to ask sa kung anong favourite kong part ng katawan niya siguro ay masasagot ko agad. I really loved his expressive eyes.. malalim ito kaya lalong mahahatak nito ang babaeng tititig dito. Tumalikod siya para senyasan sila Badj .
Umalingawngaw ang tunog ng gitara niya medyo nagulat pa ako, buti na lang dahil nakabalik ako kahit papaano sa aking ulirat. He's just another attractive boy Sunshine just like sa Cebu marami rin ang kagaya niya. Pumangalumbaba ako at naiwala ko nanaman ang sarili ko sa titig ko sa kaniya.
Nagsimulang kumanta si Unique pero nasa lalaking arogante pa rin ang titig ko. His eyes are closed at sobrang nalulunod siya sa pagtugtog sa electric guitar niya. No offense pero I don't really like talaga ng genre na tinutugtog nila. Hindi ko hilig yung mga music na masyadong maingay at rock. I prefer yung mga melo na may malalamig na boses yung hinehele ka kapag naririnig mo.
Nagtalunan na ang mga tao. Nadadala na rin sa musika na nililikha nila. Hindi pa sila sobrang kilala sa music industry pero sobrang dami na nilang fans. Hindi na ako magtataka kung sisikat talaga sila in the future.
"Good Evening people this will be our last song. " salita ni Zild sa Mic.
Tumayo ako at lumapit sa isang waiter.
"Uhm excuse me? Saan yung C.R?" Tanong ko.
"Ah ma'am diretso lang po kayo dito"
"Oh thanks" ngumiti ako lumakad pa diretso.
"And it's the simple things you do
I just can't get enough of you
It's that perfume that you wear
And the way you do your hair
That I love so much"Napatigil ako ng marinig na kumanta si Unique. Omyghad! This is the first time na maririnig ko silang medyo melo ang tutogtugin.
"And it's the simple things you say
And how in bed we play
It's the way you kiss my cheek
When you think that I'm asleep
I love it so much"Napangiti ako at bumalik sa pwesto ko. Makakapaghintay naman siguro ang pag ihi ko.
"I love you" words I never say
Friends make fun but I tell you everyday
Anyway, lately you've been getting me home safely"Ang kaninang mga nagtatalunang mga tao ay kumalma na ngayon. Nakatingala sila kayla Zild ang iba ay nakapikit at dinadama ang kantang tinutugtog nila.
Napatingin ako Kay Blaster. He's kinda cool when playing his guitar. Oh let's be honest here na nga! Nakanganga ako habang pinapanood ko siya ngayon. I find him very cool on stage. Tahimik at misteryoso.
Kinapa ko ang cellphone ko at tinry na videohan sila. Una kong tintutok kay Zild sunod kay Badj at Unique at nang kay Blaster na ay halos mabitawan ko ang cellphone ko sa panginginig ng kamay ko. He's staring at me! Blaster Silonga is staring at me!
Pakiramdam ko ay lahat ng dugo ko ay umakyat sa aking pisngi. I have never been this nervous because of the stare before.
Kahit pa noong sumasali ako sa mga pagaent noong high school. Kahit pa sa mga pictorials ko.
Binaba ko ang camera ko at tumayo. Mag c cr na talaga ako. I seriously don't think I can take his stare. My heart is in crisis! Sobrang bilis ng tibok niya. Huminga ako ng malalim at tumingin sa salamin na kaharap ko. Namumula nanaman ang mga pisngi ko.
Siguro eto na yung sinasabi nilang kilig. Yeah right! Blaster Silonga is making me kilig!
Hindi ko alam kung ilang oras ako sa c.r pero siguradong matagal iyon. Inayos ko ang mukha ko. Pagbukas ko ng pinto ay gumuho nanaman ang pader na ginawa ko.
He's leaning on the wall at napalingon siya ng naramdaman niya siguro ang pagtitig ko.
"Hinahanap ka ni Badj kanina pa. Kung mag c-cr ka sana nagsabi ka sa pinsan mo" ako ba ang kinakausap niya??
"Ah-- uhm.." get a grip Sunshine! Ayos mukha! Wag kang kiligin!
"Sorry" tanging nasabi ko habang papalabas kami ng restobar.
Ni Hindi niya ko nilingon o kinausap ulit.
"Blaster!" Sigaw ko na nagpatigil sa kaniya. Humarap siya kinunot ang noo niya.
"What?" Sagot niya.
Breath in! Breath out!
"I shouldn't say this but.. bahala na bukas at sa mga susunod pang mga araw" hinawakan ko ang kamay ko ng mahigpit.
"I think i like you." Yumuko ako at kinagat ang labi ko. This is the first time I confessed to someone I like. At natatakot akong tingnan siya dahil baka makita niya sa mata ko kung gaano ko siya kagusto.
"Thank you, but you're not my type" halos mapaupo ako sa sagot niya. I'm expecting this! Alam kong walang meaning ang mga titig niya saakin! Walang meaning ang lahat! Ako lang naman ang nag assume.
"Okay" sagot ko at ngumiti ng mapait sa harapan niya.
Nagmamadali akong naglakad at nilagpasan siya. I know na it's my fault! Sobrang bilis ng pagkahulog ko! Sobrang bilis kong mag assume!
Nanunubig na ang mata ko pero agad kong pinunasan iyon.
Ito ata ang una kong heartbreak.