ONE//

42 3 1
                                    

(a/n: wala pa po akong mga pictures nito sa fan page. Please rate and comment)

Im inlove with HIM for almost ten years.

But he's getting married anyway.

"Tasha! Tasha!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, si Erika, ang childhood bestfriend ko, humahangos siya ng makalapit siya sakin.

Kasalukuyan kasi akong nagdo-drawing ng kung ano-ano nun sa garden namin. Fine arts kasi ang kurso ko at the same time ay hobby ko na din. Hininto ko ang ginagawa ko at humarap kay Erika na ngayon ay nakaupo sa isang single na glass chair na nasa tabi ko lang.

"I have a good and bad news. Which one do you like to hear first?" Excited pa niyang tanong sakin ng makabawi siya sa pagkahingal.

"Ah, the good news." Ngingiti-ngiti pa siyang nangalumbaba at inilapit ang mukha sakin, tapos yung mga mata niya ay para bang nangingintab sa sobrang kislap.

"Si Jetto.." Napahinto ako sa ginagawa ko. "..darating na sa Pilipinas bukas!" Nanlaki yung mga mata ko sa mga narinig ko. Bigla ding bumilis yung tibok ng puso ko nung marinig ko ang pangalan niya.

Si Jetto Mikael Dariipyl, ang lalaking sobra kong minahal simula bata pa kami. Pero kinailangan niyang mag-aral sa ibang bansa nung mag-college siya. Mas matanda siya samin ni Erika ng tatlong taon. Hindi din namin siya naging ka-schoolmate nung high school kami dahil pumapasok siya sa isang all-boys school pero lagi pa rin naman siyang pumupunta sa bahay para makipaglaro sakin.

Pero tatlong araw bago umalis si Jetto papuntang ibang bansa ay narinig kong sinisigawan ni Daddy si Jetto. Hindi ko alam kung bakit at hindi ko na din nagawang malaman dahil hindi ko na siya nakita after nun at nalaman ko na lang na nakaalis na siya ng Pilipinas. Naisip ko nga na baka may nasabing masama si Daddy sa kaniya kaya siya umalis agad ng hindi man lang sakin nagpapaalam.

Pero after seven years ay heto, bumalikk na siya kaya naman bigla akong na-excite.

"Tash? Tasha? Yuhoo.." Winave pa ni Erika yung kamay niya sa harap ng mukha ko.

"Bakit?" Tanong ko ng makabalik ako sa wisyo.

"Natulala lang ang peg? Narinigmo ba sinabi ko?"

"Oo naman. Dumating na si Jetto, yun ang sabi mo."

"Hindi lang yun." Napakunot noo ako.

"Ano pa?"

"Ang bad news, ikakasal na siya."

(O__O)

Eh? Ano daw? Ikakasal? Si Jetto? Para kong binuhusan ng malamig na tubig nun. Nahilo pa ko at medyo naguluhan. Ikakasal na siya? Agad-agad? Wala man lang akong nababalitaan. Teka, ang bilis naman. Kanino naman siya ikakasal? Bakit hindi niya samin nasabi?  Nagka-girlfriend siya? Teka bigla pang sumikip ang puso ko, hindi ako makahinga at ang sakit.

Tumayo ako nun kasi para bang kahit anong oras ay babagsak na yung luha na namuo sa mga mata ko.

Naman kasi si Erika, eh, kailangan ba talaga niyang ibalota sakin yun? Pero hindi ko din nman siya masisisi kasi hindi naman niya alam yung nararamdaman ko para kay Jetto. Hindi ko na sinabi sa kaniya dahil panigurado akong malalaman yun ni Jetto. Malaki naman ang tiwala ko kay Erika pero hindi sa kadaldalan niya.

Agad na kong nagtungi nun sa kwarto ko at hindi ko na nagawa pang pansinin si Erika nung tawagin niya ko.

I cried all night. Ang sakit kasi, eh. Hinintay ko siya tapos biglang.. ikakasal na pala siya.

Kinabukasan, nagising ako sa lakas ng katok sa pinto ng kwarto ko.

"Milady, gising na po. Handa na po ang agahan niyo. Isa pa po, may bisita po kayo."

Agad naman akong bumangon at naligo.

"Huh??" Napahawak pa ko sa mga pisngi ko ng makaharap ako sa salamin. Ang laki ng eyebags ko. Namamaga dahil sa kakaiyak.

Ayoko sanang bumangon pero kailangan dahil may bisita daw ako. Sino kaya yun? Hindi pa naman maganda ang itsura ko ngayon. Ang aga-aga naman nila. Hay naku, Jetto, kasalanan mo to.

Pagbaba ko ay sinalubong naman ako ni Manang Lisya, yung maid namin.

"Milady, anong nangyari sa mga mata niyo?" Tinakpan ko bigla ang mga mata ko ng mga kamay ko.

"Wala po ito, Manang."

"Umiyak po ba kayo? Bakit po?" hinawakan niya pa ko sa braso para subukang tanggalin yung kamay ko sa mga mata ko.

"Naku, hindi.." Naku, oo. Magdamag pa. Huhu! "Hindi ako umiyak. Ano po ba kayo, Manang? Ganiyan talaga mga mata ko pag bagong gising.."

"Umiyak ka, Tasha?" Napatingin kami ni Manang diretso sa kinatatayuan ko. Nakita ko na nakatayo si Jetto dun.. Napahawak ako bigla sa dibdib ko kasi bigla na namang naging abnormal ang tibok nito. OMG! Anong ginagawa niya dito?? Ibig sabihin siya ang bisita ko? Naku po! Yung mata ko! Hindi pa man din ako nag-ayos ngayon.

Agad akong tumalikod sa kaniya, nakita ko namang umalis na si Manang sa tabi ko.

'Manang! huwag mo kong iwan dito!'

"Are you alright?" Napaiwas ako sa kaniya ng maramdaman ko ang mga kamay niya sa balikat ko.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya na may halong pagtataka. Ako din nagulat, eh. Sorry naman.

(>__<)

"Is there any problem?" Nag-aalala niyang tanong sakin. Lalapit na sana siya ulit sakin pero..

"Diyan ka lang. 'Wag kang.. lalapit." Iniharang ko pa yung dalawang kong kamay sa harap ko.

Please, baka mahimatay ako sa paglapit mo.

"Bakit? Hindi ba maganda ang pakiramdam mo? Mukhang wrong timing ang dalaw namin."

Namin? May kasama siya?

"Jetto."

Napalingon kaming dalawa sa pinanggalingan ng boses at hindi ko ini-expect kung sino ang kasama niya.

(O__O)

Megumi?

-----

Please vote, comment and follow me.

mochiijane

-----

Three more chapters.

Still Into You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon