=__=
>__<
o__o
>__<
=__=
O___O??
Ano to? teka..
"Buti naman nagising ka na." Nakangiting sabi ni Erika sakin. Nasa gilid ko siya habang ako naman nakaupo naman sa isang upuan na nasa gitna ng aisle. Inikot ko yung mga mata ko at halos lahat ng bisita ay nandun na at nakatingin sakin. Bakit ba ko nandito? Nasa gitna pa ng aisle?? Kasal to ngayon nila Megumi at Jetto bakit... Huh?
Napatingin pa ko sa gown na suot ko, yung gown ko kasi kanina kulay sexy pink tapos naging white??
Napatayo ako bigla para tignan pa yung buong gown na suot ko. Pamilyar ako dito, pamilyar ako sa... Eh??? Gown to ni Megumi, ah!
"Teka, ano to? Bat suot ko to? Erika may alam ka ba?" Nilingon ko pa si Erika sa gilid ko na nakatayo pa din.
"Hija.."
"Daddy? Mommy? Anong ginagawa niyo dito? Teka.. Ano bang nangyayari? Joke ba to? o baka naman panaginip??" Ano bang nangyayari? Nalilito na ko. Bakit ko suot yung gown ni Megumi? Bakit nandito ako sa gitna ng aisle?? Bakit nandito sina Daddy at Mommy?
"Hijo, kailangan mo na yatang magpaliwanag." Sabi ni Daddy sa taong nasa likod niya. Maya-maya ay lumapit na sakin yung lalaki at nanlaki pa yung mga mata ko ng makita ko kung sino, si Jetto!
"Okay ka lang ba?" Nakangiti niyang tanong sakin.
"H-hindi. A-ano bang nangyayari? Nasan si Megumi? Bakit suot ko to?"
"Ang totoo niyan hindi naman talaga kami ikakasal ni Jetto." Si Megumi yung nagsalita. Nakangiti siyang sumulpot sa gilid ni Jetto.
"Huh? Anong sabi mo? Hindi kayo ikakasal ni Jetto?"
"Ang totoo kasi niyan... Ikaw ang gusto niyang pakasalan. Sinadya namin ikaw mismo ang lahat ng pumili sa mga detalye sa kasal dahil ikaw ang talagang magiging bride." Sabi ni Megumi. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Napatingin ako kay Jetto dahil gusto kong marinig mula mismo sa kaniya na totoo yung sinasabi niya.
"Pasensiya na kung nagulat kita. Ang totoo niyan gusto ko sanang planuhin yung pagtatapat ko pero ang payo ni.." Sabay tingin kay Daddy ko. "..kasal na daw ang planuhin ko dahil gusto mo din naman daw ako. Nung una hindi ako naniniwala dahil akala ko talagang kuya lang ang turing mo sakin. Hanggang sa mabasa ko to." Ipinakita niya sakin yung maliit na papel na kulay beige tapos sunog yung sa gilid niya na ginawang design. Nanlaki pa yung mga mata ko nung kunin ko yun at tignan. Ito kasi yung sulat ko dapat na ibibigay kay Jetto bago siya umalis papuntang ibang bansa pero dahil hindi na nga kami nagkita pa nun ay hindi ko na nagawang ibigay. Tapos sa likod nun sinulatan ko din ng bago yung araw na nalaman kong ikakasal na si Jetto. Nandun yung halos lahat ng puso ko sa sulat na yun.
"Ito yung.."
"Nalaglag yan sa sketch pad mo. Nakita ni Megumi kaya ibinigay niya sakin. Kaya naman mas pinursigi kong planuhin ito ng mabasa ko yan." Medyo nahiya ako nun dahil nakapagtapat pala ko sa kaniya ng hindi ko alam. Nakakahiya talaga.
"Pano yung ibang tao na nandito? Lahat ba dito kinasabwat mo? Kahit ikaw Erika?" Binalingan ko yung bestfriend ko pero nagpiece sign lang siya.
"Pasensiya na friend ah. Nung una akala ko si Megumi talaga yung pakakasalan niya pero nung kinausap nila ko nalaman ko yung plano. Matagal na pala kayong nagkakagustuhan sa isa't-isa pero pareho kayong walang alam. Ay naku, ang tagal niyo ng naghihintay sa isa't-isa. At dahil sa kilig ko pumayag ako. Hihi." ^___^v
"Ikaw talaga."
"Gusto na kita dati pa, Tasha. Kaya nga umalis ako at nag-aral muna sa ibang bansa para mas mabigyan kita ng maayos na kasal. Pinaghandaan ko talaga to at araw-araw akong nagdadasal na sana wala ka pang ibang minamahal. Sabi kasi ni Tito ayusin ko daw muna ang buhay ko bago kita alukin ng kasal kaya ginawa ko muna. Ayokong mapahiya sayo kaya ginawa ko lahat para tanggapin ng Daddy mo."
"At tanggap ka na namin ng asawa ko hijo." Singit ni Daddy.
"At salamat po ng marami dahil dun." Sabi niya kila Daddy. Binalingan naman niya ko.
"So.. do you still want to marry me?" Nag-aalangang tanong sakin ni Jetto. Ngumiti lang ako at niyakap siya. Hindi ko alam kung saan ko pa ilalagay yung sobrang kaligayahang nadarama ng puso ko. Hindi ko akalaing yung taong pinakaaasam ko heto ngayon yakap ko at sinasabing gusto niya kong pakasalan at nagplano talaga siya ng ganitong surpresa sakin.
"I love you, Natasha Venn." Bulong niya sakin.
"I'm still into you. love you too, Jetto Mikael Dariipyl."
At that day nga ay ikinasal na kami. Hindi ko na iniisip yung engagement dahil hindi naman na kailangan pa yun kung sa kasalan din naman matutuloy.
Sobrang saya ko ngayon dahil natupad yung pangarap kong isuot yung wedding dress na ginawa ko para sa kasal namin ng taong pinkamamahal ko, at si Jetto yun.
Sobrang thankful din ako sa mga taong naging parte ng sweet plan na to ni Jetto para sakin.
After all these years..
I'm Still into Him
At ngayon ay ako na si Mrs. Natasha Venn Dariipyl.
S(^__^)S~o~(^__^)
,,__________________________________________________________________________________________________________________________________,,
A/N: This is my first One-Shot story kaya sana magustuhan niyo. Just leave your comment. Please support also my other story.
Read "MY GIRL IS A BOY".
BINABASA MO ANG
Still Into You (Complete)
Short StoryThis is one-shot story. Please VOTE, COMMENT and SHARE this story. <3 Chazzy